Madaliang Agam-agam

Ang "criticism", kapag mas naunang sinabi sa ibang tao kesa sa iyo, ang tawag doon ay "CRITI-TSISMIS"
_______________________________________________________

Showing posts with label PKMN-ph. Show all posts
Showing posts with label PKMN-ph. Show all posts

Friday, April 16, 2010

1,000...CONGRATYULEYSHENZ!

Bakla! Oo, alam ko. Tunog-bakla yung title. (Wag kang defensive, di ikaw ang tinatawag kong bakla! Hehe!) Pero kung nakatira ka sa Earth at meron kang high-tech na bagay na tinatawag na "TV" e malamang alam mo na kung ano ang ginagaya ko diyan sa title na yan. Yan yung sinasabi ng babae sa Wowowee (isang TV show sa tanghali, kung sakaling hindi mo pa rin alam) tuwing mamimigay siya ng tig-iisang libo sa mga napiling audience. Pipila pahalang sa stage ang mga napiling winners at pagkatapos ay isa-isa silang magha-high five (na nakakaawang tignan kapag matanda ang ka-high five niya dahil parang mababalian sila ng buto sa lakas ng "apir") ng nasabing bebot, sabay abot ng isanlibong piso. Sa dulo ng pagsampal ng pera sa palad ng mga pobreng winners, tatapusin naman ito ni babae ng isang malakas at malutong na: "CONGRATYULEYSHENZ!!!"

Mali ang spelling, alam ko rin yun. Huwag kang atribido masyado, di pa ako tapos. Ganun kasi ang pronunciation niya ng "Congratulations", ebidensya lang kung gaano ka-trying hard mag-inggles ang isang pinoy. Tsk tsk.

Eniwey, Beyblade (oops, palala na nang palala), kaya ganyan ang naging title ng entry na ito e dahil sa wakas...naka-1,000+ visits na itong blog na ito! YEBA! At "unique visits" yan, hindi yung katulad ng ibang site count na nadadagdagan lang kapag nagre-refresh ka ng page na parang baliw. Sinong mag-aakala na sa loob ng SIYAM na buwan e makakamit ko na rin ang ika-isanlibong hit na hinihintay ko!...teka, di kaya't antagal nun? Siyam na buwan? Ah, basta! Ang importante e naka-isang libo!

At dahil walang eksaktong topic ang entry na ito, magshe-share na lang ako ng ilang bagay tungkol sa buhay ko ngayon.


PKMN-ph

Hala, Pokémon na naman... Pero teka, teka! Wag ka muna mag-scroll pababa! Basahin mo muna ito. Kakatapos lang ng Official Meetup ng PKMN-ph members nitong April 10, 2010 sa SM Megamall at masasabi ko naman na isa itong "moderate success". Well, maraming bagay kung kaya't nasabi ko yun. Buweno, para mas makuha mo ang "feel" kung anu-ano ang ginawa namin dun, i-play mo lang ang video sa ibaba para makita mo.


Contrary sa sinasabi ng mga di pumunta at ayaw pumunta sa nasabing event, hindi lang naman "plastikan" ang napala namin dun. Dahil bukod sa iyong "stock knowledge" sa pagiging emo at introvert, e masasabi ko ring nagkaroon ng mas matibay na samahan ang mga bata sa PKMN-ph. Higit na mas matibay pa sa pagkakaibigan na napapala lang sa pakikipag-usap sa isang di kilalang tao sa isang forums. Kaya't kahit papaano e nalulungkot pa rin ako sa mga di pumunta sa dahilang "ayoko ng sosyalan" dahil hindi lang naman Pokémon ang pino-promote namin kundi pati na rin ang pakikipag-kaibigan at pakikipag-kapwa tao.

Mabulok ka na lang diyan sa kulungan mo.


Buhay-propesyunal

Wala. Wala. Wala! Wala pa rin akong trabaho hanggang ngayon. Lalo lang akong nananaba dito sa bahay. At habang nananaba ako e nakikita ko rin ang pagtaba ng Meralco at SmartBro bill namin, na kapag pinagsama mo ang halaga e makakabili ka na ng animnapung (60) dosena ng donut.

Di ko alam kung anong ginawang magic ng Meralco at nagtaasan ng isang libo ang bill ng lahat ng mga kakilala ko dito sa subdivision namin at pati na rin sa labas ng Laguna. O di kaya e talagang mataas lang ang konsumo ng kuryente ng mga tao dahil summer ngayon, mainit at walang magawa?

Hmmm...tapos may rotating brownouts pa! Di kaya tumaas ang kuryente namin dahil napabukas kami ng aircon pagkatapos ng mga linsyak na brownouts na yun? Susmeyo kayo!

Mabalik ako sa buhay-propesyunal, ni isang kumpanya na inapplyan ko sa JobStreet e wala pa ring sumasagot. Siguro dahil ngayon pa lang yata matatapos ang cut-off ng online applications nila, o ang leeg ko ang malapit nang macut-off? Tamang-tama, malapit na ang eleksyon. Kapag nasabugan kami sa presintong pagbobotohan namin e wala kaming ipang-gagastos sa hospital dahil wala pa akong trabaho...AAAARRRGGGH!

BIGYAN NIYO AKO NG TRABAHOOOOO! Kahit presidente lang ng kumpanya, pwede na yun! PARANG AWA NIYO NA!

Pero kung inaakala mong pinagsisisihan ko na ngayon ang resignation ko sa dating skul na pinapasukan ko, e diyan ka nagkakamali... Dahil mas gugustuhin ko pang maglakad sa initan at maghanap ng trabaho kesa uminit ang ulo at dugo ko tuwing makikita ko ang isang tao dun.

Tignan mo nga naman ang nagagawa ng "Pride"...


Graduation

At tutal, napag-uusapan na rin lang naman ang "Congratulations", gusto ko ring batiin ang mga kapatid nating nagsipag-tapos na sa college! Natapos na ang inyong pagdurusa; mga walang katapusang pagsusunog ng kilay at nguso, mga lecheng surprise quizzes, mga joke na exams, mga poging teachers tulad ko (ha? may sinasabi ka?), mga madudugong thesis, at ang mga halimaw na panelists! Sa wakas, tapos na...

WELCOME TO THE WORLD OF THE UNEMPLOYED!!! NYAHAHAHAHAHA! SAMA-SAMA TAYO DITO NGAYON! MUWAHAHAHAHAHAHA!

Biro lang. Baka mauna pa kayong magkaroon ng trabaho kesa sa akin. Wag niyong palampasin ang oportunidad na kung saan mabenta pa ang mga fresh graduates sa mga kumpanya (dahil mas mababa ang gagastusin nilang pasuweldo kung puro uhugin pa ang mga empleyado nila, hehehe. Mga demonyong kumpanya...) Huwag na kayong magpatumpik-tumpik at mamasyal pa sa Tagaytay, Puerto Galera o sa outer space. Mag-apply na kayo habang bakasyon pa. Mag-apply na kayo! Mag-apply na kayo!

Mag-apply na kayo!

kayo!

...

ako...

ako...

Congrats, Batch 2010! Mabuhay kayong lahat!

--------------------------------------------------------

Natapos na naman ang isang walang kuwentang entry mula sa akin. Sana ay may napulot kayong "moral lessons" at ipalaganap niyo pa sa mga pulubi na may internet, nang sa ganon e dumami ang aking fans. Ehem, ehem. Malay natin, baka balang-araw e hindi lang 1,000 ang abutin na site visits nitong blog na ito kundi 1,000,000 na!

Mangarap ba ng gising?

Buweno, yun lang muna at i-enjoy na lang natin ang mainit na summer! Hanggang sa muli!

Thursday, March 25, 2010

Transition: Part 1

Kumustasa, mga kapatid? Lumindol kaninang tanghali, kaya naisipan kong magsulat uli ng bagong blog entry. Anong konek? Wala lang. Tagal ko na kasing di nakakapag-post dito e. Naka-921 visits na at lahat, pero wala pa ring bagong post.

Eniwey, SkyWay...

Wala...no choice. Inggles lang talaga ang nababagay na title sa blog entry na ito. Wala akong magawa, dahil napaka-korni naman kasi ng lenggwahe natin. Andaming salitang inggles na hindi kagad mahanapan ng katumbas na salita sa Tagalog. Kung tatagalugin naman, ang nangyayari lang e nagbabago ang spelling. Magmula sa "transition", magiging "transisyon", "computer" magiging "kompyuter" Haist, boring. Pero nakakatawa lang at patuloy pa rin akong nagtatagalog hindi lang para mapag-labanan ang nosebleed kundi para mahawa rin sa akin ang mga Pinoy na nahilig na sa pagsasalita ng inggles.

Pati na rin ang mga trying hard mag-inggles, pero tunog-kalabaw naman.

Napakaraming ibig sabihin ng salitang "transition" para sa akin ngayon. Kaya't imbes na dumaldal ako dito tungkol sa Filipino 101, e magkukuwento na lang ako ng kung anu-ano tungkol sa mga "transition" na nangyayari sa buhay ko ngayon.



Transition Phase ng PKMN-ph.com: Usapang Pokémon

Oo, tama ang pagkakabuka ng bibig mo. PA-KA-MuN PEE EYTS. Ay, mali pala. "Pokémon P-H" ang tamang pagkakabasa diyan (or "Pokémon Philippines"). At kung masipag ka namang magsayang ng laway e pwede mo rin siyang basahin ng letra-por-letra: P-K-M-N-P-H. Pero di ko ginagawa yung huli, dahil parang tatalsik palagi ang laway ko sa pagbigkas kaya Pokémon PH na lang. Ano't ano pa man, isang website lang yan na pinagsasama-sama ang lahat ng weirdong Pinoy na mahilig sa Pokémon A.K.A. Maliliit na Aswang.

At isa ako sa tatlong Site Administrators nila. Saan ka pa? Isa itong patunay na pwedeng magkaroon ng Alzheimer's Disease ang isang tao sa murang edad na beinte-tres (23).

At ano naman ang naisipan ng diyos ng mga Pikachu at Bulbasaur at ako ang napiling mamahala ng website na iyan? Di ko rin alam. O tinatamad lang akong magkuwento dahil mahabang usapan pa yan. Ganun pa man, naka-tatlong salin na ng administrasyon ng nasabing website at isa ako sa tatlong kolokoy na namamahala ngayon dun. Ayoko nang magsalita pa, at baka sabihin na naman nila e nagbubuhat ako ng bangko.


Ang kasalukuyang logo ng PKMN-ph.com

Isang website na pambata ang PKMN-ph; di lang para sa mga bata kundi para na rin sa mga batang-isip katulad ko. Napaka-simple lang ng adhikain: pagsama-samahin ang mga Pilipinong panatiko ng Pokémon. Bakit kelangang pagsama-samahin, ika nga ng iba? Dahil maraming mga teenagers ngayon ang pinagtatawanan kapag nalalaman ng mga kakilala nila na mahilig sila sa Pokémon. At kung nasasaktan ang mga teenagers sa mga ganun, paano pa kaya ang mga beinte-anyos pataas katulad ko? Isa pa, iilan na lang ang fans ng Pokémon sa Pinas dahil inangkin na ng DotA ang kamalayan ng nakararaming kabataan ngayon.

Wala namang masama sa Pokémon kung mahilig ka dun. Wala namang pinagkaiba yan sa pagkahilig sa DotA, paglalaro ng billiards, pangongolekta ng tansan, panonood ng Agua Bendita, paglalaro ng bingo, paglalaro ng mahjong, paglalasing, pagsha-shabu, panggagahasa, pagnanakaw at marami pang iba. Kanya-kanyang trip lang yan e. Dahil kung natutuwa ka sa kasalukuyang ginagawa mo, ganun din sila. Kung nag-eenjoy ka sa paglalaro ng DotA, nag-eenjoy din ang mga bata maglaro ng Pokémon. Kung nag-eenjoy kang manood ng drama sa hapon, ganun din ang mga bata sa Pokémon Animé. Ganun lang yun. Kumbaga, walang basagan ng trip.

Hindi rin naging madali ang transition para sakin bilang site administrator ng PKMN-ph. Maraming hindi naniwala at umalis. Lumayas at nanawa na sa Pokémon. Pero masaya ako ngayon at unti-unti nang bumabalik ang mga datihan at nadadagdagan pa ng mga bagong members. Summer na kasi, malaya na uli ang mga bata. Bumabalik na rin ang sigla ng website. Ang tanging alalahanin ko na lang e ang muling paglubog nito pagdating ng pasukan...

Sinong mag-aakala na pag-aari itong lahat ng isang 23-years old na katulad ko?...

Hindi ko rin alam kung hanggang kailan ako maninilbihan para sa website na ito. Masaya ako at nakatulong ako sa PKMN-ph ng dalawang taon, dangan lang at merong mga bagay na dapat bitawan para makatapak sa susunod na "phase" ng aking buhay; at hindi ko alam kung malapit na bang dumating ang araw na yun. Sana hindi pa.

Malapit na ang anibersaryo ng PKMN-ph. Mag-aapat na taon na kaming naglolokohan sa Pokémon. At kung isa ka ring Pokémon fan kagaya namin, huwag kang mag-atubiling maki-isa sa aming nalalapit na anibersaryo sa April 6. Bukas ang aming tahanan para sa lahat ng panatiko ng Pokémon sa Pilipinas; maging aristocrat ka man o isang dukha na nakikinood lang ng Pokémon sa tindahan.

Bumisita lang sa PKMN-ph.com

-----------------------------------------------------

Hindi ko maiwasang maging emosyonal para sa isang maliit na bagay lang tulad ng Pokémon. Marami kasi ang hindi nakakaintindi, kahit mga magulang ko man ay hindi rin. Hindi nila nakikita kung gaano ako ka-devoted sa nag-iisang website na yun kahit walang sweldo. Dahil ang pagsisilbi sa PKMN-ph ay para na ring pagiging isang guro. Hindi man ako kumikita, masaya naman ako at maraming bata ang napapasaya ko.

Try ko namang maging clown sa susunod. Hehehe.

Habang buhay na yata akong ganito...at sa ganitong gawain talaga ako masaya. Hindi lang sa pagiging isang teacher ako nagiging maligaya, kundi sa pagiging "kuya" na rin sa mga mas nakababata sa akin. Iba talaga ang pakiramdam kapag alam mong kailangan ka ng mga taong kasundo ng brain waves mo at hindi ko rin maipaliwanag kung bakit.

Sa susunod na bahagi ng aking 2-part "Transition" series ay ang tungkol naman sa transition na kinakaharap ko ngayon sa aking buhay propesyunal.

Hanggang sa muli. Paalam.

Tuesday, February 16, 2010

Pebrero: Bad Trip - Part 2

Tao po? May tao ba diyan? May nakakaalala pa ba sa akin?

Sana meron pa. Kasi halos dalawang linggo rin akong nawala sa sirkulasyon, at heto't para lang akong surot na pasundot-sundot sa napakalaking puwit na tinatawag na Internet. No Big Deal naman yun. Napatunayan ko na muli't-muli e kaya kong mabuhay nang hindi nasisilayan si Google sa homepage ko, at mang-hunting ng mga pasaway sa Facebook.

Pag-pasensiyahan niyo na rin kung tungkol na naman sa pagka-yamot ang isusulat ko. Baka kasi Fairy Tales ang hinihintay niyong isulat ko at madisappoint kayo ng isa't kalahati, isumpa niyo pa ako. Buweno, simulan na natin!


1.0 Side-Effect ng Loan

Eto na yata ang pinaka-malaki at pinaka-masakit na side-effect na na-experience ko ngayon. Ang masamang epekto ng pangungutang. Bakit? Dahil sa kagustuhan kong maka-ipon para makabayad sa utang (na pinambili namin ng pampaayos ng PC) e sangkaterbang sakit ng ulo naman ang pumalit.


1.1 Nabinbin na Field Trip

Una, hindi ako nakasama sa Baguio Tour ng school namin. Bad trip. Plano ko pa naman sanang hanapin ang asawa ni Barrel Man doon (sa mga bata na hindi nakakakilala kay "Barrel Man", isa siyang superhero na nakahitit ng Strawberry Jam at nagpasyang magtago sa isang bariles para itago ang kanyang Laser Sword), at bumili ng Peanut Brittle na gagamitin ko sanang pang-kalso sa mga sirang upuan. Pero dahil sa isang di inaasahang dahilan (na siyang hindi ko pwedeng sabihin), e nagpasya na akong huwag sumama sa nasabing field trip. Ang gulo..."hindi nakasama"... at "hindi sumama". Magkaibang bagay yun, pero...ahhh! Basta!


1.2 SmartBROken

Pangalawa, pinutulan na naman kami ng Internet. Eto, oo. Aaminin ko. Kasalanan ko. Naputulan kami dahil sa isang masamang "decision making". Wag kang tatawa ha? Atin-atin lang ito (kahit for public viewing itong blog ko). Dahil sa sobrang bad trip ko dahil hindi ako nakasama sa diyaskeng field trip na yun, e nagpasya akong bumili ng isang bagay na magpapasaya sa akin bilang kapalit.

Ha?

Hinde. Hinde. Hindi "Laman". Masyado kang mahalay. Anong tingin mo sa akin? Rapist? Bumili lang ako ng isang 4GB na Memory Stick para sa aking kakarag-karag na PSP. Oo, nakakatawa. Parang bata lang na nakabili ng bagong laruan. Bakit pa ba kasi nagpipi-es-pi ang isang katulad ko. Matagal ko na kasing gustong bumili ng mas malaking Memory Stick dahil nakukulangan ako sa luma kong 2GB na tatlong laro lang yata ang kasya (WARNING! WARNING! MAY PIRATA! MAY PIRATA!) at tatlong picture ni Maria Ozawa.

Kaya ayun. Bilang kapalit e natsugi ang bulok naming Internet connection nang isang linggo at mahigit. Buti na lang at may natira pang pera sa akin para pang-gastos sa Valentine's Day.


1.2.1 Ang buhay na walang Internet

Tulad ng sabi ko sa intro, hindi naman ako hayok na hayok sa Internet katulad ng ibang tao ngayon. Yung tipong mawalan lang ng Internet e para nang sinaniban ng sangkaterbang demonyo at nagdedeliryo na sa asar. Cool lang ako. Relax lang. Ok lang naman yun. Ang inaalala ko lang naman e ang Plurk ko (buti na lang may Karma-Freeze), ang naiwan kong trabaho sa PKMN-ph.com (buti na lang walang pumupunta, hehehe) at ang mga walanghiyang tao sa Facebook na nag-iiwan ng mga bastos na comments sa wall ko (buti na lang at walang nag-asal aso sa FB ko at umihi sa "Pader" ko). Buti na lang. Buti na lang...

Pero di ko naman idini-deny na importante talaga para sa akin ang Internet. Sa Internet ko nakukuha ang mga materyales ko sa pagtuturo, kasama na ang mga video games at sex videos na pinagda-download ko kung saan-saang lupalop ng Internet bilang inspirasyon. Joke lang.


1.2.1.1 It's Nice to Be Back!
(Sa mga hindi interesado sa buhay-propesyunal ko, maaari niyo nang lagpasan ito)

Ang isa sa pinaka-magandang nagawa ko habang malayo ako sa keyboard at sa radiation ng monitor e ang pagbisita ko sa aking lumang tahanan -- ang STI Santa Rosa. Masarap sa pakiramdam na muli akong nakatapak sa lugar na kung saan ako natuto bilang estudyante, at kung saan rin ako natuto bilang isang empleyado. Hindi rin lingid sa kaalaman ng mga taong nakakakilala sa akin ang dahilan kung bakit ko nilayasan ang dati kong eskuwelahan. Masaya lang ako at sa loob ng halos isang taong hindi pagkikita e nakalimutan namin pansamantala ang mga nangyari noon, at kinamusta ang isa't-isa ng paulit-ulit sa sobrang kasabikan.

Andun pa rin ang mga katoto ko sa IT Department. Ganun pa rin ang mga itsura nila. Tuwang-tuwa sila nung makita nila akong bumalik (tuwang-tuwa, pero kinakabahan sila na maagawan ko sila ng teaching loads kung sakaling nagpasya na akong bumalik, hehehehe), lalo na ang ate-atehan ko sa STI na nagngangalang "Ma'am Ga" na agad na sumalubong sa akin sabay lamutak sa bilbil ko na para ba akong isang 3-year old na sanggol.

Ang isa pang nakapag-pasaya sa akin sa pag-bisita kong iyon ay ang mga dati kong estudyante. Hindi matatawaran ang kagalakan sa puso ko pagkatapos kong makita ang mga mukha nilang gulat na gulat at nakangiti sa aking di inaasahang pagbalik. Hindi ko na ineexpect na may babati pa sa aking estudyante doon, pero nagkamali ako. Meron pa rin palang nakakaalala sa akin kahit papaano.

Napakarami nang nagbago sa STI simula nang umalis ako dun. Lalo silang lumaki. Dumami ang mga estudyante at teacher. Naayos na rin ang mga bulok na PC na sumubok sa pasensya ko bilang isang teacher. Kahit sekyu (security guard), bago na rin. Pero ang pinaka-"turning point" ng pagbisita ko doon e nang kamustahin ako ng dati kong Dean at pabiro akong tinanong ng:

"Ano Sir, gusto mong magpart-time sa amin?"

Napalunok ako bigla nung narinig ko yun. Walang-wala sa isip ko ang pag-aapply muli sa STI. Ang dahilan ko lang kung bakit ako nandun e para bisitahin ang mga graduating students sa kanilang Final Defense ng Thesis. Pero sa totoo lang, natuwa rin ako nung tinanong niya ako nun. Ayoko lang muna kumagat dahil baka nga isang malaking biro lang yun, at mauto naman ako.

Pero kung saka-sakali. Kung saka-sakali lang naman. Kapag natalo ko na ang pride ko. Kapag naitapon ko na lahat ang mga masasamang alaala. Kapag napatunayan ko na nag-improve na ako sa maraming bagay. Baka nga.

Baka nga magbalik na ang "Prodigal Son" ng STI...


2.0 BALE-ntines

Sinamantala ko na rin ang pagkakataong bumili ng Valentine Gifts ko para sa aking nobya habang nasa STI pa ako. Meron kasing malapit na Target Mall doon na pwedeng pagbilhan. Buti na lang at meron pa akong natirang pera (galing sa ipon ko) at nakabili pa ako ng regalo. Bumili lang ako ng isang pirasong White Rose(s) <-- Nagtaka pa kung Plural o Singular ang tanga! at isang kaha ng Ferrero Rocher (buset na spelling yan, muntikan nang maging Ferrari) na hugis puso. Etong dalawang bagay na ito ang una kong niregalo sa girlfriend ko, limang taon na ang nakakalipas. At sa awa ng Diyos, hanggang sa ngayon, namamahalan pa rin ako sa presyo ng tsokolateng yun...

Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, pinili ng girlfriend ko na sumama sa isang Christian Fellowship sa Malabon noong Feb. 14 upang mag-beach, este mag-preach, at yun na nga, tinubuan ako ng sungay sa galit habang pinapalaganap niya ang salita ni Bro. For short, ININDIAN (hinindian) ako ng syota ko sa araw ng mga puso! SUPER BADTRIP! LEVEL 100 NA ITO! KAMEHAMEHA! DX

First time naming pumalya sa Valentine's Day sa loob ng limang taon. At dahil sa mahina akong umintindi ng dahilan e inabot siya sa akin ng isa't kalahating atungal na parang leon. Pakiramdam ko, nasayang lahat ng efforts ko. Hindi na nga ako nakapag-pagupit ng buhok nang dahil sa pag-iipon (oo, mukha na akong ermitanyo ngayon!), tapos ipagpapalit lang pala ako sa isang "Halleluya Session"

Buti na lang at nagpasya siyang bumawi kinabukasan (Feb 15). At buti na lang, merong bagong teknolohiya ngayon na ginagamit sa mga rosas para hindi malanta o mabulok. Ang high-tech na invention na ito, ayon sa tindera ng bulaklak na pinagbilhan ko, ay tinatawag na

"TUBE"!

Oo, TUBE! Anak ka ng Bold Star! Tube daw! Aba'y akalain niyo na pati rosas, nagsusuot na rin ng tube ngayon! Teka, teka...parang iba yata ang naiisip ko... Rosas....naka-Tube? Parang ang halay pakinggan ah... Hehe, anyway-SkyWay. Yung tube na yun yung maliit na plastic na balbula ("Valve" in f*&1ng English) na naglalaman ng tubig, kung saan nakatusok yung dulo ng tangkay ng rosas para tumagal pa ito hanggang sa susunod na Valentine's Day. Ayos. High-tech. Parang alam nila na hindi ako sisiputin ng syota ko sa Valentine's Day, ano?

Pero ayun. Ayos naman. Nagkaayos din pagkatapos. Nagkaroon na rin ng kasunduan na "HINDI-NA-ITO-DAPAT-MAULIT-KUNG-HINDI-E-KIKIDNAPIN-KITA" Ok na. Pero hanggang ngayon, di ko pa rin makalimutan yung TUBE...

---------------------------------------------------------------

Tapos na rin pala ang Chinese New Year. Year of the Tiger daw ngayon. E year of the Tiger din ako pinanganak. Pero bakit ganun? Dalawang magkasunod na buwan na akong pinuputakti ng kamalasan? Ayos. Nakakabanas. Katoliko ako, pero sinubukan ko na ring hanapin ang meaning ng Birth Year ko sa Chinese Zodiac at heto ang nakuha kong impormasyon:

"THE FIRE TIGER 1926 AND 1986

Eccentric and dramatic, Fire Tigers are aglow with passion and verve. They are outgoing, expressive and look on the bright side of things. They have the Tiger’s natural ability to lead others and are able to excite others simply with their own gift of enthusiasm. They can be funny and have great senses of humor. Tigers are powerful speakers and have the ability to command and persuade crowds through speech. Their own seemingly endless supply of energy can make them appear a bit dramatic, and it may make them more sensitive to cautious or down-to-earth approaches in others."

Ayos. Ako ba yan? Oo nga ano? Saktong-sakto! Pero ang tigre lang sa akin ngayon e ang MUKHA ko dahil sa sobrang asar sa mga nangyayari sa akin ngayon. Sana napredict din ng mga intsik na maikli lang ang fuse ng mga pinanganak sa taon ng mga tigre. Kung totoo ang Chinese Zodiac, malamang, ang ibig sabihin yata nito e isang taon akong magta-TIGER LOOK...bad trip talaga...

O siya, paano? Kung Hei Fat Choi na lang! Wala na akong masabi eh.

....

Kung May BatChoy...

buset...

---------------------------------------------------------------

Source:
Chinese Horoscopes - The Tiger

Thursday, November 19, 2009

Ang Muling Panayam

NOTE: Pakiusap lang, huwag masyadong pakaseryosohin ang inyong mababasa kung ayaw ninyong tumanda ng maaga. Sabi nga sa kanta, "Batu-bato sa langit, ang tamaan - HUWAG MASYADONG HALATA"

Enjoy lang, mga kapatid.

______________________________________

Interbyuwer: Magandang araw sa inyong lahat at muli na naman tayong pinaunlakan ng ating paboritong guro *ubo-ubo* eherm... Iyan ay walang iba kundi si SerPol! Kumusta SerPol?

SerPol: Yo!

I: Kumusta ka, ika ko?

SP: Ah, ayos lang. Pogi pa rin.

I: First question *tigas talaga ng mukha nito* kumusta naman ang iyong unang linggo ng pagtuturo sa 2nd semester ng iyong tinutuluyang iskul ngayon?

SP: Ah, medyo ok naman. Maraming bagong estudyante. Di na ako naka-lock sa iisang course ngayon, tulad ng dati na puro IT students lang ang nakikita ko.

I: May isyu lang kaming gustong klaruhin. Nagkaroon ka ng job application sa Taguig City University bilang isang IT Instructor, ano ang nangyari?

SP: Ah yun. Una, napakalayo ng Laguna sa Taguig. Bago pa ako makarating dun e baka isang semester na akong late.

I: Pero pwede ka namang mag-rent ng kwarto sa isang boarding house doon, di ba?

SP: Oo, at pagkatapos, may anak na ako pag-uwi ko ng Laguna.

I: Hehe. E paano naman ang tiyahin mong tumulong sa iyo para pumasok doon?

SP: Ah oo, siya ang tumulong sa aking pumasok doon. At siya rin ang naging isa sa mga dahilan kung bakit nagpasya na akong di na tumuloy dun. Hehehe.

I: May mensahe ka ba para sa mga taga-TCU?

SP: Sa totoo lang, wala sana. Pero hihingi na lang din ako ng pasensya sa pamunuan ng TCU at di ko na tinuloy ang application ko diyan. Alam kong mabilis niyo ring malilimutan ito dahil malamang sa malamang, habang binabasa niyo ito e nakakuha na kayo ng isang dosenang teacher na papalit sa slot na dapat para sa akin.

I: So sa ASIATECH ka pa rin natuloy. Di ka ba nanghihinayang na dalawang mabigat na school na ang tinalikuran mo?

SP: Minsan, oo. Pero mabuti na rin yung ganito. Sasabay na lang ako sa pag-lago ng ASIATECH habang wala pang tiyak na pupuntahan ang buhay ko. Simple lang naman ang naging sitwasyon ko. Parang pinapili lang ako kung alin ba ang mas gusto ko: Canteen o Restaurant. Siyempre ang pinili ko e yung packed lunch.

I: Nyak! Di ka ba natatakot na baka mademanda ka *sana* dahil sa paggamit mo ng mga pangalan ng mga institusyon na yan sa mga blog entries mo?

SP: Kung si Piolo Pascual nga pwedeng asaring bakla ng kung sinu-sino, e bakit naman sila hinde? At isa pa, wala naman akong sinasabing masama para papuntahin nila dito si Atty. Sison at pakantahin si Freddie Aguilar ng "Ipaglaban Mo"

I: Yan ang gusto ko sa iyo e! Straight to the point! Napuri ka na ba dahil sa pagiging prangka mo?

SP: Hindi pa, pero nasibak na ako dahil diyan. Hahaha.

I: *Uhm! Loko!* Haha! Ano ngaba ang sikreto ni SerPol at parang napakadaling sabihin ang lahat ng nasa isip mo?

SP: Butas na bulsa. Yun lang.

I: Showbiz na teacher ka raw? Naniniwala ka ba dun?

SP: Oo, pero kung magpapa-autograph lang sila sa akin. Nagkaroon na rin kasi ako ng mga kasamahan noon na mahilig magpa-sikat sa mga estudyante kaya tingin ko, meron pa ring naiwang latak sa akin.

I: Ibig sabihin, may mga humahanga na sa iyo?

SP: Hindi ko alam. Wala pa namang kumikidnap sa akin.

I: Tungkol naman sa isyung chickboy ka... Nagpapacute ka nga ba sa mga estudyante mong babae?

SP: Hinde. Sila ang nagpapa-cute sa akin. Inosente akong tao. Napaka-seryoso ko sa trabaho ko at HINDING-HINDI ko pa yun naisipang gawin sa buong buhay ko. (Biglang kumulog ng malakas)

I: Pero bakit andami nang nali-link sa iyo?

SP: Ganyan talaga ang buhay. Kahit pulgas ay nali-link din sa mga katulad kong batang guro.

I: Pero may nobya ka sa ngayon di ba?

SP: Tito Boy, ayoko muna siyang pag-usapan...

I: *Showbiz talaga 'tong tao na 'to* Eherm. Hindi ako si Tito Boy. Next question:

SP: May plema ka ba?

I: Ah, wala naman. Next question: Anong masasabi mo na meron kang protegé? Isang binatilyong nagngangalang: Ran Kei Shiroe

SP: Ako'y natutuwa at kinapupulutan niya ng aral ang mga akda ko at ginagamit niya sa sarili niyang kawalanghiyaan. Ngayon, dalawa na kaming pagtatawanan ng buong mundo.

I: Oo nga, magkahawig din ang mga entries ninyo. Hindi ba ikaw din yan?

SP: Hindi ako yan. Mas cute ako sa kanya ng isang light year.

I: *Grabe na ito...* Kumusta naman ang PKMN-ph.com? Ang website na pinagsisilbihan mo ngayon?

SP: Patay ang forums ngayon, wala masyadong nagpo-post dahil kasalukuyan yata silang dinidikdik na parang bawang sa eskwelahan. Kung kayo ay walang ginagawa at adik kayo sa Pokemon, ay pumunta lamang DITO.

I: Pokemon fan ka? Di ba para lang sa mga bata yan?

SP: Sabihin mo sa mga naglalaro ng FarmVille at PetSociety na tigilan na nila ang pag-uulyanin at titigil rin ako sa Pokemon.

I: Hehehe, siya nga naman. Ano na ang mga susunod mong gagawin? May plano ka ba?

SP: Wala naman masyado. Abangan niyo na lang ang world tour ko. Meron akong concert para sa mga may sayad at mga adik. Available na ang tickets sa pinakamalapit na mental hospital diyan sa inyo.

I: Facebook?

SP: Ah, marami nga akong dini-deny na friend request. Di ko rin maiwasan.

I: Bakit naman? Ayaw mo nun, at dadami ang friends mo?

SP: Kasi ganito yan, kaya ko nire-reject yung ibang friend requests kasi:

  1. Malamang di tayo close o di tayo magka-kilala at nagpaparami ka lang ng friends.
  2. Pangalawa, pag mas maganda at mas sexy ka (para sa babae lang, at di sa mga binabae), mas mataas ang tsansa na iapprove ko ang request mo.
  3. Di ako naglalaro ng FarmVille at di ko rin nilalako ang sarili ko sa Friends for Sale, kaya please lang, wag niyo akong i-add kung gusto niyo lang akong hingan ng mga kabayo o gusto niyo lang bilhin ang pagka-lalake ko.
I: Any parting words? *Umuwi ka na, please lang*

SP: Ah, di ko na pahahabain. May appointment pa ako e.

Audience: *Palakpakan* Yeba!

I: At diyan po nagtatapos ang ating ikalawang panayam kay SerPol! Hanggang sa susunod! *Sana wala nang sumunod* Eto po ang inyong lingkod, na si....Nyak! Anong ginagawa mo diyan, SerPol?!

SP: Ah, eto ba? Nagpapalit lang ng profile picture. Baka sakaling makaakit ng tsiks.

I: Nyak!


-FIN-