Madaliang Agam-agam

Ang "criticism", kapag mas naunang sinabi sa ibang tao kesa sa iyo, ang tawag doon ay "CRITI-TSISMIS"
_______________________________________________________

Friday, February 26, 2010

High School Life: Part 2


Hehe, andito na tayo sa susunod na installment ng Blog Entry ko na "High School Life" at nandito uli ang inyong abang lingkod para bigyan uli kayo ng seizures sanhi ng pagbabasa ng pagkahaba-habang article-na-nagpapanggap-na-litanya-na-akala-mo-e-konstitusyon-ng-Pilipinas-sa-haba-at-napakaliit-na-ng-scroll-bar-ng-web-browser-mo-dahil-sa-walaaaaaang-saysay-at-walaaaaaang-katapusang-pagkukuwento-ni-SerPol. Whew! Siguro naman sa puntong ito, e na-warningan na kita na hindi basta-basta ang blog ko at hindi ito natatapos sa loob ng limang sentences lang.

Frustrated na Essay Writer yata ito! At sa dami ng laman ng utak ko na naipon noong highschool pa ako, e ngayon ko lang nahanap ang tamang panahon para ibuhos lahat ito (at sa tingin ko e "literal" na utak ang nasa isip mo ngayon).

Pero kung talagang nahahabaan ka sa mga blog entries ko, e ano pang ginagawa mo dito? Aber? Hindi ako namimigay ng libreng load. At hindi rin ako makakapirma ng authograph dito, kaya paki-kontak na lang ang fans club ko para sa detalye kung paano mo ako makaka-daupang palad.

Mama: Hoy! Maghugas ka na ng pinggan!

SerPol: Ha? Teka lang, inay, nagba-blog pa ako. Mamaya na!

--------------------------------------------

Mga Reaksyon

Gusto ko sanang sabihin na nakakuha ako ng isanlibong e-Mails sa Yahoo Mailbox ko at dalawanlibong comments naman sa Plurk at Facebook account tungkol sa nakaraang blog entry ko. Pero para ko na ring sinabing kamag-anak ko si John Lloyd kapag sinabi ko yun (na siyang magpapa-"mura" sa karamihan), kaya aaminin ko na, may DALAWANG tao lang na nagreact sa article kong ito. Isa sa Plurk, at isa sa comments section ng blog site na ito.

Oo, huwag kang mayabang.. Alam kong marami ka ring gustong sabihin kaso tamad ka lang mag-type sa keyboard... HMPH!

Class Picture namin noong highschool

As expected... (Ehek! English yun ah!) naka-relate sila sa kwento ko, lalo na raw yung tungkol sa lovelife ko noong highschool. Hindi ko alam na marami rin palang highschool students ang nabasted at naka-experience ng sitwasyon na "nagkagusto ako sa isang babae pero bestfriend ko din ang kumana". Ayos. Trend na yata yun. Dahil meron lang naman talagang dalawang klase ng tao sa highschool; ang mga matitigas ang mukha, at yung mga walang ibubuga. At kadalasan, yung bestfriend pa nating matigas ang mukha ang type ng mga crush nating matitigas din ang mukha, kaya nakikiramay ako sa daan-daang bata na nadurog ang puso sa paraang ito. Huwag kayong mag-alala, si SerPol ay namulot din ng mga biyak-biyak na piraso ng kanyang puso noon, kaya di kayo nag-iisa. :D


Si SerPol bilang kaibigan

Tapat akong kaibigan noong highschool. Ngayon, hindi na. Biro lang. Meron nga lang mga kaso noon na malakas akong mang-trip kaya pakiramdam nila (ng mga kaibigan ko) e pinaglihi ako sa kumukulong dugo. Iyan ang hindi alam ng karamihan noon. Na makulit din ako at pala-tawa, yun nga lang e kapag kasama ko ang barkada ko.

Kung tatanungin mo ako kung anong klaseng barkada meron ako noon, e masasabi ko sa iyong hindi kami pasaway. 99% akong sigurado diyan. Yung natitirang 1% siguro e ibibigay ko lang dun sa kulitan namin pag kami-kami na lang. Hindi kami katulad nung mga nakakasabay mong barkadahan ng estudyante sa jeep ngayon. na pa-sigaw ang pag-uusap at nagmumurahan pa na akala mo e parang may pot session sa loob ng sinasakyan mong jeep. Hindi rin kami katulad nung mga maaangas ngayon na laging nakabukas ang polo at naglalakad sa gitna ng kalsada na akala mo e BackStreet Boys na nagshu-shooting ng music video. At lalong hindi rin kami yung grupo ng lalake na makikita mong nakikipag-ligawan sa isang grupo din ng babae sa mall, habang nagsusubuan ng cotton candy at nagsisipsipan ng Zagu (mga walang pera!)

Simple lang kame. Kami ang nasa gitna ng mga pasaway at mababait.


Ang ilan sa mga kabarkada ko noong highschool

Pagdating sa trip, wala sa listahan namin ang inuman at billiards. Kapag walang pasok, pupunta lang kami sa bahay ng isang kabarkada para maglaro ng PlayStation. Kapag sira ang PlayStation, pupunta naman kami sa paborito naming computer shop para maglaro ng Counter Strike. Hindi pa masyadong uso ang text messages noon, kaya ang gagawin namin para makumpleto e ganito: pupunta ang isang myembro ng barkada sa bahay ng isa pa. Doon, mag-uusap sila na puntahan din isa-isa ang mga natitira pang miyembro hanggang sa makumpleto na. Parang laro lang sa RPG na nagrerecruit ng team members. Minsan meron ding mga "hidden characters" na hindi mo kaagad ma-recruit dahil kelangan mo pa ng "cheat codes" (Itinatago ng mga nanay dahil GROUNDED. Hehehe) Ayan na naman tayo...nakita na naman tuloy ang pagka-hilig ko sa Bidyo Geyms...

Hindi ko rin naman masasabi na "weirdo" o "nerd" ang mga kaibigan ko noong highschool kung dahil lang sa video games, dahil iba-iba ang personalidad ng mga kabarkada ko. Merong brusko at mahilig sa suntukan (nagii-"sparring" din kami paminsan-minsan, sa maniwala kayo't sa hinde), merong mahilig sa chicks at lahat ng babae e pinapatos, meron ding kengkoy na payaso, merong isang trying hard na singer na laging natatalo sa mga singing contests (hehehe), merong ingglisero at elitista, at meron din isang mahilig mag-drawing na katulad ko.

Hanggang ngayon e hindi ko pa rin alam kung ano ang LCD ng barkada (Least Common Denominator. Math, magpasalamat ka sa akin) at nagkasundu-sundo naman kaming lahat. Malamang, dahil siguro kami yung mga na-"outcast" sanhi ng pamumulitika at monopolya sa highschool noon, na siyang titirahin ko sa susunod na section ng blog entry na ito.


Monopolya, Stereotyping at Pamumulitika

Kung isa ka sa mga "teacher's pet" noon at hindi mo naranasang bumagsak kahit puro itlog ang nakukuha mong iskor sa mga exams, e binabati kita. Isa ka sa mga mamumula ang mukha pagkatapos mong basahin ang parteng ito.

Matindi talaga ang stereotyping sa highschool. Lalo na kung nasa section B o C ka pa. Kulang na lang e lagyan ka ng label o tatak sa noo at ipagsigawan ang sarili mo sa campus na "TAGA-SECTION B AKO! PWEDE NIYO NA AKONG TAWAGING BOBO!" Hindi ka lang "EEEEWWW" sa paningin ng mga kapwa mo estudyante kundi pati na rin sa mga teachers mo.

Pero sabagay, hindi ko naman masisisi kung trip talagang magpaka-elitista ng mga estudyanteng matatalino dahil isang accomplishment nga naman ang mapunta sa "star section". Normal na yun, di na nakakapagtaka. Nasa kanila na ang monopolya. Hindi lang estudyante ang natutuwa kapag napunta siya sa star section kundi pati na rin ang mga adviser nila. Uso kasi sa highschool yung homeroom adviser. Ewan ko lang kung ano ba talaga ang silbi ng pagtambay ng mga titser dun. Naiisip ko minsan tuloy na wala silang cubicle sa faculty room o talagang nadestino silang maging "guardian angel" ng isang section (o pwede ring "guardian devil" kapag tinamaan ng lintik). Kaya naman proud na proud ang mga teachers na naa-assign sa star section dahil puro magagaling ang mga estudyante nila; at ngayon ko lang din narealize kung bakit laging naka-busangot ang class adviser naming bakla tuwing papasok siya sa klase namin. Oo, siya yung teacher namin noon na kinukuwento ko sa inyo na sumisipa ng mga upuan, lamesa at pati na rin ng BLACKBOARD.

Nakakatawa. Subukan niyong i-picture out sa mga utak niyo...Teacher...payat...bakla...hugis bao ang buhok...nanlalalim na mga eyebags...mga matang palaging nakaluwa sa galit...tapos, biglang sisipa sa blackboard! WAPAAKKK! Sabay sigaw ng "Anu ba?! Hende ba kayo tatahemek?!" Wahahahaha! Hindi ko pa rin makalimutan yung araw na yun. Akala ko e "ballet-kick" ang gagawin niya dahil abot-langit na yung roundhouse kick na pinakawalan niya. Kahit siya yata e natawa sa ginawa niyang iyon pagkatapos, dahil sino pa ba naman kasing kangkarot ang sisipa sa pagkataas-taas na blackboard para lang manaway ng estudyante kundi siya. Napatakip na lang ako ng bibig sa pagpipigil ng aking tawa imbes na matakot.

Hindi sa gusto kong tirahin ang mga baklang teachers (uhurm..."tirahin"...as in "shoot", hindi yung, urgh...YAAAAAAAKKKK!) pero sila ang may malalakas na tendency na magkaroon ng teacher's pet sa klase. Dito ko hindi matanggap ang pamumulitika. Kapag meron akong kaklase na mas bobo pa sa akin ng isa't-kalahati na pumapasa palagi samantalang ako e laging iniimbitahan ang mga magulang para sa Parent-Teacher Consultation Day. Kapag may nasisirang bagay sa loob ng classroom at kami lang ang pinapagalitan. Etong mga estudyanteng tinutukoy ko e yung mga malalakas mag-P.R. (Public Relations) o talagang "CUTE" lang para maging teacher's pet. Walang hustisya sa amin noon. Sink or Swim talaga.

Pero bukod sa "teacher's pet", wala nang mas malala pa sa pagpasa ng isang estudyante lalo na kapag kamag-anak siya ng principal, director o ng mismong teacher. Hindi ko na ito idedetalye pa, dahil mas malinaw pa sa bumbunan ng kalbo ang bagay na ito. Kadalasan pa e yung mga Valedictorian at Salutatorian pa ng school na pinapasukan ninyo ang tatamaan dito sa testimonya kong ito.


Pagtatapos

Malapit nang dumating ang araw ng pagtatapos ng mga kapatid nating nasa highschool. At dahil dun, ngayon pa lang, kahit ayaw ninyong maniwala na ga-gradweyt na kayo, e binabati ko na kagad kayo ng CONGRATULATIONS! Sabay-sabay tayong MAGPALAKPAKAN! Eherm, eherm... Hindi ako nagkaroon ng pagkakataong magbigay ng Valedictorian / Salutatorian speech noon dahil wala nga akong silbi noon. Gagamitin ko na ang pagkakataong ito para ipahayag sa buong mundo ang mensahe ko para sa mga graduating students.

Alam kong marami kayong mami-miss na mga bagay at alam ko rin na mahirap para sa inyo ang lisanin ang paaralan kung saan kayo lumaki at natuto. Kung paano niyo man nakamit ang mga medalya o diploma na yan, sa tama o maling paraan man, e wala na akong kinalaman pa. Ngunit ibibigay ko ang walang-plastik kong pagsaludo sa mga masisipag na estudyante na hindi na kinailangan ang tulong ng mga nakakataas; may medal man o wala. Ito na ang oras ninyo para magsaya at lubusin ang pagiging isang highschool student habang may panahon pa dahil ang highschool life, sa oras na matapos na ito, ay hindi na uli mauulit kailanman.

Lagi ninyong tatandaan na hindi natatapos ang buhay pagkatapos ng highschool, dahil isang panibagong giyera na naman ang haharapin ninyo, at doon, sa kangkungan na tinatawag na "kolehiyo" magkakasukatan ang lahat. Back to zero na uli. Wala nang teacher's pet. Wala nang First, Second at Third Honor. Wala nang monopolya. Wala nang yabangan.

Sana'y nakuha ninyong lahat ang nararapat na edukasyon na pinaghirapan ninyong lahat; kasama ng mga magulang ninyong nabaon sa utang at umiyak sa mga kalokohan ninyo ng apat na taon; para harapin ang buhay kolehiyo. Huwag nating kalimutang pasalamatan ang mga magulang natin dahil kung hindi dahil sa kanila e hindi sana kayo nagpa-praktis ng graduation song at graduation march ngayon. Ang binilot na papel na tinatawag na "diploma" ay huwag nating kalimutang ialay sa kanila: sa ating mga magulang, at pati na rin sa Diyos. Dahil ang kasabihang "ang taong hindi lumingon sa pinanggalingan, ay hindi makakarating sa paroroonan" ay paulit-ulit nang napatunayan ng mga taong nagsawalang-bahala ng kanilang edukasyon. Mga taong nabigo sa buhay, at hindi na uli nakabangon dahil binalewala nila ang

HIGHSCHOOL.

Ulit, Congratulations sa inyong lahat at isusunod ko naman ang mga kapatid nating magtatapos na sa kolehiyo bilang parte ng isang mahabang serye ng buhay-estudyante ni SerPol. Mabuhay kayong lahat.


Inaalay ko itong kantang ito sa lahat ng graduating students ngayon.
Ang kropek na version ng kantang "Highschool Life" ni Sharon Cuneta...


* Si SerPol ay nag-tapos ng highschool sa paaralang Colegio de Santa Rosa de Lima Inc. noong March 2003.

Sunday, February 21, 2010

High School Life

Kumusta mga kapatid? Wala na naman akong magawa kaya gagambalain ko na lang uli ang inyong mga nanahimik na buhay dito sa Internet.

Matagal ko nang gustong isulat ang isang ito. Ilang gabi na akong di makatulog sa kakaisip dito. Pero sabagay, natataon din lang naman dahil kakatapos lang ng JS Prom ng mga kapatid nating nasa highshool pa sa ngayon. Panigurado, marami na sa kanila ang naghahanda na ng sangkaterbang panyo para sa kanilang nalalapit na graduation. Pero next month pa naman yun, kaya ipagpaliban na lang muna natin ang usapang graduation para may maisulat pa ako sa susunod na buwan. ;)

Gusto ko lang gumawa ng isang article tungkol sa naging buhay ko noong highschool pa ako. Bakit ko kamo naisip yun? Wala lang. Trip lang uli. Nagkataon lang kasi na bigla akong in-add ng isang misteryosong user sa Facebook na nagbabalak i-gather ang batch namin para sa isang "Batch Reunion". Hindi na ako nagulat. Isang milenyo na yata ang nakalipas at wala pa rin akong natatanggap na imbitasyon sa isang "homecoming" o reunion man lang. Tama lang siguro na gumawa na sila ng hakbang ngayon at baka mawalan na ako ng interes sa mga ganyan. At dahil dun e nagkaroon ako bigla ng isang "trip down the memory lane" at nag-flashback sa akin lahat ang naging buhay ko noong highschool.

Buweno, heto na uli. Fire na kung fire!

------------------------------------------

Ang Class Picture namin noong highschool (CSRLI). Pang-siyam ako sa pinakataas na row (mula sa kaliwa)


Si SerPol bilang isang Highschool Student

Wala akong kwenta noon. Oo. At hindi yan isang "understatement". Wala talaga akong kwenta noon. Hanggang ngayon naman e wala pa rin akong kwenta (EMO MODE), nagkaroon lang siguro ngayon ng kaunti dahil nagkaroon na ako ng buhok sa kili-kili (anong konek?!) Pero seryoso. Kung kaklase mo ako noon, malamang e isa ka na sa mga testigo na magpapatunay na parang "kaluluwa" lang ako noong highschool.

Hindi ko maipaliwanag kung anong klaseng tao ako noon... Hindi naman ako authistic o ano, at hindi rin naman ako sintu-sinto, pero tahimik lang talaga ako noon. Tahimik, as in kaya kong huwag magsalita sa loob ng isang oras nang hindi napapanis ang laway ko. Kung anuman ang ginagawa ko sa laway ko e sa akin na lang yun. Basta ayun. Nakakapag-salita lang ako kapag recess at uwian na. Walang sense makipagdakdakan sa klase noon, para sa akin.

Hindi ako napunta sa "star section" kahit kailan noong highschool pa ako. Ang pinaka-malaking dahilan diyan e ang aking grades na parang ngipin ng lagare. May mataas at may mababa. Kumbaga sa isang video game ratings, andun lang ako sa 4.5/10.0, "MEDIOCRE", "BELOW-AVERAGE", etc. Ganun. Nag-eexcel ako sa ibang subjects tulad ng English (Oo, marunong ako mag-inggles, hindi lang halata dahil purong-tagalog akong mag-blog ngayon. Wat du yu tink op me?) at Biology (wala po itong kinalaman sa BioMan). Pero halos mag-laslas na ako ng pulso kapag Math Subjects na ang pinag-uusapan. Algebra, Geometry, Trigonometry, Physics...LAHAT! Itinuturing kong Hitler ng buhay ko sina Descartes at Newton. Sina Volta at Ampere, pahirap silang lahat sa akin! Hanggang ngayon, hindi pa rin alam ang value ng X at Y! At kung mabubuhay lang sila uli ngayon, e isusulat ko ang mga pangalan nila sa Death Note para ibalik sila sa kanilang dimensiyon.

Ganun ako kagalit sa Math.

Laging "palakol" ang grades ko pagdating sa Math (FYI: Kaya tinatawag na palakol ng mga estudyanteng Pinoy ang kanilang grades e dahil puro line of "7" ang nakuha nila. Hugis palakol yung "7", kaya ayun) Pumapasa lang ako dahil hindi ako maingay sa klase at wala akong absent. "Wallflower" kumbaga. Pasang-awa palagi. Lagi pang bakla ang titser ko sa mga Math subjects ko kaya bukod sa pinagpapawisan ako sa hirap ng lecture, e pinagpapawisan din ako sa nerbiyos na baka i-karate kick niya uli ang mga upuan, silya at blackboard ng kwarto namin kapag mayron siyang sumpong.

Ah, bago ko makalimutan. Sumikat na rin pala ako dati. Nakilala ako noon sa batch namin bilang isang "comic artist". Trip ko kasi noon ang sumulat ng comics, simula pa noong Grade 3 pa ako. Humahanap ako palagi ng "business partner" at siya ang magpopondo para sa komiks. Bibili kami ng isang tig-kinse Pesos na notebook at isang matinong bolpen. Pagkatapos noon, ako na lahat ang babanat. Mabenta ang komiks ko noon. Inuuwi pa nga ng ilan para basahin lang sa bahay. Nahuhumaling sila dahil ang mga characters na ginagamit ko sa istorya e ang mga kaklase at kabarkada ko rin mismo. Alam niyo naman ang mga bata, mahilig mangarap na maging isang super hero...

Etong komiks na ito ang nagbigay ng daan upang mapansin ako noong highschool

Kapag may "poster making" contest sa school, ako palagi ang inilalaban ng section namin. Bihira ako manalo, pero nakuha ko ang respeto ng ilan, lalo na ang numero unong artist sa skul namin. Napasama pa ako sa grupo ng mga estudyante noon na nagpinta ng "Mural" sa isa sa mga pader ng eskuwelahan.

Simpleng tao lang ako noong highschool. Tahimik lang. Hindi matalino. Pumapasa lang dahil "good boy". For short, "wala lang"...


Love life noong Highschool

Hindi ko alam kung kailangan ko pang isama ang parteng ito sa blog entry na ito...Medyo delikado basahin, lalo na at may posibilidad na mabasa rin ito ng aking nobya. Pero para sa kapakanan ng pagiging matapang at pagiging handa sa mga isyu e bibigyan ko kayo ng kaunting ideya kung ano ang naging buhay pag-ibig ko noong highschool pa ako.

At sa nobya ko ngayon, kung sakaling mapadpad ka uli dito sa kaka-hunting mo sa akin e lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita (wee! sobrang cheesy talaga!). Hiling ko na sana ay mas mapatatag pa nito ang relasyon natin, dahil wala akong tinatago sa iyo na kahit ano. Alam ko rin namang may mga naging crush ka din noong highschool.

Isa akong malaking "LOSER" pagdating sa pag-ibig. Wala yatang nagkagusto sa akin noong mga panahong iyon. Ewan ko lang...siguro meron, baka hindi ko lang alam. Pero sa totoo lang, wala talaga. Wala akong maakit dahil nga wala pa akong "personality" noon. Bukod sa pagiging isang "loner" e wala na akong ibang na-establish sa sarili ko kundi ang talento ko sa pagdo-drawing. Ang type pa naman ng mga babae noon e yung mga "cool" na lalake. Yung maraming kabarkada at hindi nakakahiyang maka-holding hands sa mata ng publiko.

Old-fashioned lover ako noon. Dinadaan ko palagi sa "love letters" ang diskarte ko. At sa awa ni Batman, ilang beses na rin akong napunitan ng love letter. Hehehe. Nakakahiya. Parang hindi matanggap ng mga tsiks noon na pinapadalhan sila ng love letter ng isang katulad ko. Ginagamit ko rin ang talento ko sa pagdo-drawing para makapagpapansin sa mga babae. Idino-drawing ko ang mukha ng crush ko noon sa isang page ng sketch pad at binibigay ko sa kanila. Kinikilig naman sila, pero hanggang siko lang yung kilig...haaist...

Andami kong naging crush noong high school, pero merong isang babae na kumagat nang kaunti sa mga pagpa-papansin ko. Hindi ko na idedetalye dito ang nangyari sa amin, dahil baka abutin pa ako ng bakasyon dito sa kaka-kuwento. Hindi rin naging kami. Sa halip ang nakatuluyan niya e ang bestfriend ko. Ok lang naman. Masakit, pero nakaya naman. Yun na ang pinaka-malapit kong experience sa pagiging isang boyfriend. Hanggang sa palitan lang ng love letters at pagdalaw sa bahay nila ang nagawa ko. Hanggang dun lang.

Dahil wala naman talaga akong ibubuga noon. Sino bang babae ang gugustuhing magkaroon ng boyfriend na hindi naman sikat sa eskuwelahan? Hindi rin naman ako ganun kagwapuhan. Kaya samakatuwid, e hindi ako nagkaroon ng girlfriend noong highschool. Ang sakit alalahanin... Sa mura kong edad, naranasan ko nang umiyak gabi-gabi dahil sa kakaisip ng mga ganoong klaseng bagay.

Nagpatuloy akong maging ganun hanggang sa sagutin ako ng isang babaeng nagngangalang "Maye", limang taon na ang nakakalipas. Nasa kolehiyo na ako noon, at siya pa lang ang nagiging nobya ko hanggang sa ngayon.

------------------------------------------

Puputulin ko muna dito pansamantala ang kwento ng High School life ko, dahil napakahaba pa nito at andami ko pang gustong sabihin tungkol doon.

Lalo na ang DISKRIMINASYON at PAMUMULITIKA sa high school dati.

Kita-kits uli tayo sa susunod na blog entry.

Tuesday, February 16, 2010

Pebrero: Bad Trip - Part 2

Tao po? May tao ba diyan? May nakakaalala pa ba sa akin?

Sana meron pa. Kasi halos dalawang linggo rin akong nawala sa sirkulasyon, at heto't para lang akong surot na pasundot-sundot sa napakalaking puwit na tinatawag na Internet. No Big Deal naman yun. Napatunayan ko na muli't-muli e kaya kong mabuhay nang hindi nasisilayan si Google sa homepage ko, at mang-hunting ng mga pasaway sa Facebook.

Pag-pasensiyahan niyo na rin kung tungkol na naman sa pagka-yamot ang isusulat ko. Baka kasi Fairy Tales ang hinihintay niyong isulat ko at madisappoint kayo ng isa't kalahati, isumpa niyo pa ako. Buweno, simulan na natin!


1.0 Side-Effect ng Loan

Eto na yata ang pinaka-malaki at pinaka-masakit na side-effect na na-experience ko ngayon. Ang masamang epekto ng pangungutang. Bakit? Dahil sa kagustuhan kong maka-ipon para makabayad sa utang (na pinambili namin ng pampaayos ng PC) e sangkaterbang sakit ng ulo naman ang pumalit.


1.1 Nabinbin na Field Trip

Una, hindi ako nakasama sa Baguio Tour ng school namin. Bad trip. Plano ko pa naman sanang hanapin ang asawa ni Barrel Man doon (sa mga bata na hindi nakakakilala kay "Barrel Man", isa siyang superhero na nakahitit ng Strawberry Jam at nagpasyang magtago sa isang bariles para itago ang kanyang Laser Sword), at bumili ng Peanut Brittle na gagamitin ko sanang pang-kalso sa mga sirang upuan. Pero dahil sa isang di inaasahang dahilan (na siyang hindi ko pwedeng sabihin), e nagpasya na akong huwag sumama sa nasabing field trip. Ang gulo..."hindi nakasama"... at "hindi sumama". Magkaibang bagay yun, pero...ahhh! Basta!


1.2 SmartBROken

Pangalawa, pinutulan na naman kami ng Internet. Eto, oo. Aaminin ko. Kasalanan ko. Naputulan kami dahil sa isang masamang "decision making". Wag kang tatawa ha? Atin-atin lang ito (kahit for public viewing itong blog ko). Dahil sa sobrang bad trip ko dahil hindi ako nakasama sa diyaskeng field trip na yun, e nagpasya akong bumili ng isang bagay na magpapasaya sa akin bilang kapalit.

Ha?

Hinde. Hinde. Hindi "Laman". Masyado kang mahalay. Anong tingin mo sa akin? Rapist? Bumili lang ako ng isang 4GB na Memory Stick para sa aking kakarag-karag na PSP. Oo, nakakatawa. Parang bata lang na nakabili ng bagong laruan. Bakit pa ba kasi nagpipi-es-pi ang isang katulad ko. Matagal ko na kasing gustong bumili ng mas malaking Memory Stick dahil nakukulangan ako sa luma kong 2GB na tatlong laro lang yata ang kasya (WARNING! WARNING! MAY PIRATA! MAY PIRATA!) at tatlong picture ni Maria Ozawa.

Kaya ayun. Bilang kapalit e natsugi ang bulok naming Internet connection nang isang linggo at mahigit. Buti na lang at may natira pang pera sa akin para pang-gastos sa Valentine's Day.


1.2.1 Ang buhay na walang Internet

Tulad ng sabi ko sa intro, hindi naman ako hayok na hayok sa Internet katulad ng ibang tao ngayon. Yung tipong mawalan lang ng Internet e para nang sinaniban ng sangkaterbang demonyo at nagdedeliryo na sa asar. Cool lang ako. Relax lang. Ok lang naman yun. Ang inaalala ko lang naman e ang Plurk ko (buti na lang may Karma-Freeze), ang naiwan kong trabaho sa PKMN-ph.com (buti na lang walang pumupunta, hehehe) at ang mga walanghiyang tao sa Facebook na nag-iiwan ng mga bastos na comments sa wall ko (buti na lang at walang nag-asal aso sa FB ko at umihi sa "Pader" ko). Buti na lang. Buti na lang...

Pero di ko naman idini-deny na importante talaga para sa akin ang Internet. Sa Internet ko nakukuha ang mga materyales ko sa pagtuturo, kasama na ang mga video games at sex videos na pinagda-download ko kung saan-saang lupalop ng Internet bilang inspirasyon. Joke lang.


1.2.1.1 It's Nice to Be Back!
(Sa mga hindi interesado sa buhay-propesyunal ko, maaari niyo nang lagpasan ito)

Ang isa sa pinaka-magandang nagawa ko habang malayo ako sa keyboard at sa radiation ng monitor e ang pagbisita ko sa aking lumang tahanan -- ang STI Santa Rosa. Masarap sa pakiramdam na muli akong nakatapak sa lugar na kung saan ako natuto bilang estudyante, at kung saan rin ako natuto bilang isang empleyado. Hindi rin lingid sa kaalaman ng mga taong nakakakilala sa akin ang dahilan kung bakit ko nilayasan ang dati kong eskuwelahan. Masaya lang ako at sa loob ng halos isang taong hindi pagkikita e nakalimutan namin pansamantala ang mga nangyari noon, at kinamusta ang isa't-isa ng paulit-ulit sa sobrang kasabikan.

Andun pa rin ang mga katoto ko sa IT Department. Ganun pa rin ang mga itsura nila. Tuwang-tuwa sila nung makita nila akong bumalik (tuwang-tuwa, pero kinakabahan sila na maagawan ko sila ng teaching loads kung sakaling nagpasya na akong bumalik, hehehehe), lalo na ang ate-atehan ko sa STI na nagngangalang "Ma'am Ga" na agad na sumalubong sa akin sabay lamutak sa bilbil ko na para ba akong isang 3-year old na sanggol.

Ang isa pang nakapag-pasaya sa akin sa pag-bisita kong iyon ay ang mga dati kong estudyante. Hindi matatawaran ang kagalakan sa puso ko pagkatapos kong makita ang mga mukha nilang gulat na gulat at nakangiti sa aking di inaasahang pagbalik. Hindi ko na ineexpect na may babati pa sa aking estudyante doon, pero nagkamali ako. Meron pa rin palang nakakaalala sa akin kahit papaano.

Napakarami nang nagbago sa STI simula nang umalis ako dun. Lalo silang lumaki. Dumami ang mga estudyante at teacher. Naayos na rin ang mga bulok na PC na sumubok sa pasensya ko bilang isang teacher. Kahit sekyu (security guard), bago na rin. Pero ang pinaka-"turning point" ng pagbisita ko doon e nang kamustahin ako ng dati kong Dean at pabiro akong tinanong ng:

"Ano Sir, gusto mong magpart-time sa amin?"

Napalunok ako bigla nung narinig ko yun. Walang-wala sa isip ko ang pag-aapply muli sa STI. Ang dahilan ko lang kung bakit ako nandun e para bisitahin ang mga graduating students sa kanilang Final Defense ng Thesis. Pero sa totoo lang, natuwa rin ako nung tinanong niya ako nun. Ayoko lang muna kumagat dahil baka nga isang malaking biro lang yun, at mauto naman ako.

Pero kung saka-sakali. Kung saka-sakali lang naman. Kapag natalo ko na ang pride ko. Kapag naitapon ko na lahat ang mga masasamang alaala. Kapag napatunayan ko na nag-improve na ako sa maraming bagay. Baka nga.

Baka nga magbalik na ang "Prodigal Son" ng STI...


2.0 BALE-ntines

Sinamantala ko na rin ang pagkakataong bumili ng Valentine Gifts ko para sa aking nobya habang nasa STI pa ako. Meron kasing malapit na Target Mall doon na pwedeng pagbilhan. Buti na lang at meron pa akong natirang pera (galing sa ipon ko) at nakabili pa ako ng regalo. Bumili lang ako ng isang pirasong White Rose(s) <-- Nagtaka pa kung Plural o Singular ang tanga! at isang kaha ng Ferrero Rocher (buset na spelling yan, muntikan nang maging Ferrari) na hugis puso. Etong dalawang bagay na ito ang una kong niregalo sa girlfriend ko, limang taon na ang nakakalipas. At sa awa ng Diyos, hanggang sa ngayon, namamahalan pa rin ako sa presyo ng tsokolateng yun...

Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, pinili ng girlfriend ko na sumama sa isang Christian Fellowship sa Malabon noong Feb. 14 upang mag-beach, este mag-preach, at yun na nga, tinubuan ako ng sungay sa galit habang pinapalaganap niya ang salita ni Bro. For short, ININDIAN (hinindian) ako ng syota ko sa araw ng mga puso! SUPER BADTRIP! LEVEL 100 NA ITO! KAMEHAMEHA! DX

First time naming pumalya sa Valentine's Day sa loob ng limang taon. At dahil sa mahina akong umintindi ng dahilan e inabot siya sa akin ng isa't kalahating atungal na parang leon. Pakiramdam ko, nasayang lahat ng efforts ko. Hindi na nga ako nakapag-pagupit ng buhok nang dahil sa pag-iipon (oo, mukha na akong ermitanyo ngayon!), tapos ipagpapalit lang pala ako sa isang "Halleluya Session"

Buti na lang at nagpasya siyang bumawi kinabukasan (Feb 15). At buti na lang, merong bagong teknolohiya ngayon na ginagamit sa mga rosas para hindi malanta o mabulok. Ang high-tech na invention na ito, ayon sa tindera ng bulaklak na pinagbilhan ko, ay tinatawag na

"TUBE"!

Oo, TUBE! Anak ka ng Bold Star! Tube daw! Aba'y akalain niyo na pati rosas, nagsusuot na rin ng tube ngayon! Teka, teka...parang iba yata ang naiisip ko... Rosas....naka-Tube? Parang ang halay pakinggan ah... Hehe, anyway-SkyWay. Yung tube na yun yung maliit na plastic na balbula ("Valve" in f*&1ng English) na naglalaman ng tubig, kung saan nakatusok yung dulo ng tangkay ng rosas para tumagal pa ito hanggang sa susunod na Valentine's Day. Ayos. High-tech. Parang alam nila na hindi ako sisiputin ng syota ko sa Valentine's Day, ano?

Pero ayun. Ayos naman. Nagkaayos din pagkatapos. Nagkaroon na rin ng kasunduan na "HINDI-NA-ITO-DAPAT-MAULIT-KUNG-HINDI-E-KIKIDNAPIN-KITA" Ok na. Pero hanggang ngayon, di ko pa rin makalimutan yung TUBE...

---------------------------------------------------------------

Tapos na rin pala ang Chinese New Year. Year of the Tiger daw ngayon. E year of the Tiger din ako pinanganak. Pero bakit ganun? Dalawang magkasunod na buwan na akong pinuputakti ng kamalasan? Ayos. Nakakabanas. Katoliko ako, pero sinubukan ko na ring hanapin ang meaning ng Birth Year ko sa Chinese Zodiac at heto ang nakuha kong impormasyon:

"THE FIRE TIGER 1926 AND 1986

Eccentric and dramatic, Fire Tigers are aglow with passion and verve. They are outgoing, expressive and look on the bright side of things. They have the Tiger’s natural ability to lead others and are able to excite others simply with their own gift of enthusiasm. They can be funny and have great senses of humor. Tigers are powerful speakers and have the ability to command and persuade crowds through speech. Their own seemingly endless supply of energy can make them appear a bit dramatic, and it may make them more sensitive to cautious or down-to-earth approaches in others."

Ayos. Ako ba yan? Oo nga ano? Saktong-sakto! Pero ang tigre lang sa akin ngayon e ang MUKHA ko dahil sa sobrang asar sa mga nangyayari sa akin ngayon. Sana napredict din ng mga intsik na maikli lang ang fuse ng mga pinanganak sa taon ng mga tigre. Kung totoo ang Chinese Zodiac, malamang, ang ibig sabihin yata nito e isang taon akong magta-TIGER LOOK...bad trip talaga...

O siya, paano? Kung Hei Fat Choi na lang! Wala na akong masabi eh.

....

Kung May BatChoy...

buset...

---------------------------------------------------------------

Source:
Chinese Horoscopes - The Tiger