Madaliang Agam-agam

Ang "criticism", kapag mas naunang sinabi sa ibang tao kesa sa iyo, ang tawag doon ay "CRITI-TSISMIS"
_______________________________________________________

Thursday, July 30, 2009

GUSTO KONG MAGING “WRITER”!

Note: This is a re-post of my Friendster Blog Entry dated: July 28, 2009

Read on. This is a long one though. :D

______________________________________________

PAALALA: Ang kathang ito ay pawang kalokohan lamang at di dapat seryosohin ng mga Dean at Department Heads (anong konek…)

WARNING: This blog is in Tagalog once again, so you may want to go to your nearest sari-sari store to buy Whisper with Wings, pwedeng gawing blind fold di ba? Ahehehe…

______________________________________________

Seryoso, nitong mga huling araw e, bigla kong naisip na pwede ko palang pagkakitaan tong pagiging madaldal ko sa blog…hmmm. Isipin niyo, pwede akong gumawa ng kwento kung saan palalabasin ko na bading si San Pedro katulad ng ginawang iskandalo ni Danilo Brownie sa Da Pinchie Code niya. O kaya ay, gumawa ako ng isang kwento tungkol sa isang madyikero na walang ginawa kundi kumana ng pera tulad ni Hairy Spotter. O kaya, isang kwento tungkol sa nag-iibigang mortal at bampira, at paikutin ang mga pwet ng babae sa kilig at isipin nila na ROMANTIC palang mainlab sa isang kampon ni Satanas, tulad ng sa Twinlight. (Sorry, girls at mga feeling-girls, di ko hinihingi ang mga opinyon niyo ngayon. Bwahahahaha)

Yan ang mga uso ngayon. Dati, ang naaalala ko lang na sikat e yung Goosejumps. Isa siyang horror series na kung saan, kinalolokohan ng mga bata noon. Naaalala ko pa ang mga kaklase ko noon na nangongolekta ng Goosejumps. Nakakatuwa. Makulay kahit puro demonyo ang nasa cover. At eto pa ang malupit, pinapa-renta nila sa mga utu-utong kaklase ng 5 piso - Overnight! Kawawang mga bata, magbabayad ng 5 piso para lang di makatulog sa gabi, kaka-imagine ng mga tren na biglang nagiging bayawak…

Puro mga kanluraning katha yan. Mapunta naman tayo sa Pinas. Base sa experience ko, wala pa akong nababasang matinong libro na gawa ng Pinoy kundi yung kay Bob Ong. Di ko alam, pero sinubukan kong bumasa ng ibang libro (di na ako magbabanggit ng pangalan ng author, hehe), pero nayamot kagad ako at naglaro na lang ng NBA Live sa PC. At pinapaalala ko lang na ang mga pinag-uusapan nating libro dito e mga Literature Books at hindi mga librong sinulat ng mga Pinoy tungkol sa Religion, Math, Science, Physics, Computer Programming, Homecooking, Table-setting, Mechatronics, paano mag-alaga ng buwitre, paano mag-suicide, at paano mag-patawa. Wala akong pakialam sa mga yun. Habang buhay na akong nagbabasa ng mga textbooks na pang-eskwelahan kaya pwede ba, lubayan niyo na ako sa mga ganyang ideya.

Idol ko si Bob Ong. Kung mapapansin niyo, sinusubukan kong gayahin ang mga banat niya sa mga bagay-bagay; yun nga lang e kung kilala niyo siya. Hehe. Parang underground itong mamang ito e. Nung kasikatan ng web site niya e, highschool pa lang ako, bilang na bilang ang oras ko sa “NetWorld” noon dahil walang Internet sa bahay. Nitong huli ko lang nabasa ang mga librong ginawa niya, mga 1 second(S) ago.

Eto yung “trip” kong basahin. Yung tipong “Maginoo, pero medyo bastos“, “Smooth Criminal” kumbaga. Dadaanin ka sa patawa, pero di mo alam, tutusukin niya ang kaluluwa mo sa bandang huli. Ipapamuka sa iyo ang kabulukan ng sangkatauhan, ng mga Pilipino, at dun lang lalabas kung ano ba talaga ang gusto niyang sabihin. Tipong ganun. Kaya lang, medyo nakakaumay rin ang sobrang patawa. Doon sa isa niyang libro, yung “Bakit Baligtad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino“, inabot ng TATLO AT KALAHATING pages yung string ng jokes/pun niya. Ginawan niya ng katatawanan ang mga pangalan ng kalye sa Pinas. Overkill. Nayamot ako. Sinarado ko ang libro at nanood na lang ako ng piratang DVD. Kinabukasan pagkagising ko, nilakdawan ko na lang ang nasabing mga pahina at tinuloy ang pagbabasa.

Nakakatuwa rin siguro kung isa kang writer. Isipin niyo na lang, pipirma ka ng autographs. Matutuwa ang mga fans at magpapa-picture pa kasama ka. Yun nga lang, sa mga bookstore ka lang pipirma palage at tatambay. Kakana ka rin ng pera kapag bumenta yung gawa mo, at lalo na kapag ginawan ito ng PELIKULA! Biruin mo, yung mga ideya mong nabuo dahil sa sobrang wild ng imagination mo (o di kaya’y may sayad ka lang talaga) e magbubunga ng milyon-milyon?! Pwede ka nang bumili ng isang utusan para isulat ang manuscript ng kwento mo habang nakahiga ka sa gintong kama at ngumunguya ng grapes.

Kaya lang may isang problema ngayon. Kadalasan ng mga manunulat ngayon e mga CELEBRITY na nagke-kwento ng buhay nila. Autobiography. The Life of . Eto ang patok ngayon. At eto pa ang matindi, kadalasan ng mga celebrity na sumusulat ngayon e yung mga lalakeng lumalantad sa seskwalidad nila. Kabilang na rito ang Out of Sync ni Lance Bass at Outside the Lines (di ko sure ang title, ayoko nang mag-type ng “wikipedia.org” sa Address bar ng browser ko, nakakatamad) mula sa isang Basketball player na si John Amaechi. Puro may “OUT” sa titulo. Akalain mo, mag-lantad ka lang sa publiko at sabihing bading ka e kikita ka na ng pera! Napaka-galing! Pero di rin ako bilib, dahil bakit noon lang nila sinulat yung mga “coming out” na libro na yun nung laos na sila? Nung disbanded na ang N’ SYNC, at di na naglalaro sa NBA si John Amaechi. Wala bang maglalakas loob na susulat ng libro habang nasa kasikatan sila? Biruin niyo na lang kung merong isang sikat na lalake ngayon na susulat ng libro tungkol sa kabadingan niya (di na ako magbibigay ng pangalan at baka mademanda pa ako).

Pinagpipiyestahan ng mga tsismosong miron ang naging buhay ng nasabing author. Kumbaga, napakalaking pleasure ang malaman na naglalaro ng Jumanji si Batista nung bata pa siya; na sumasayaw ng Jai Ho si Lance Bass kapag break time nila sa N’ SYNC; at pumipilantik ang mga daliri ni Amaechi kapag nagda-dunk ng bola ng basketball. Ibang klase talaga.

Kaso delikado ring maging writer. Kadalasan kasi, pag writer ka, di mo maiwasan na i-address yung mga saloobin mo. Siyempre, gagamitin mo rin ang pagkakataon para tirahin ang mga taong umapi sa iyo noon, o di kaya e yung mga bulok na pulitiko ngayon. Bilang ganti, makakatanggap ka ng mga death threats, at anu-ano pang mga nakakatuwang mga bagay. Kaya nga nagkaroon ng “STOP KILLING JOURNALISTS” na mga movement ngayon. Pinaglalaban ang malayang pamamahayag. Kawawang mga writer. Malamang may namatay na dahil in-expose niya sa publiko ang pagiging dugyot ng isang pulitiko…

Napakasaya maging writer. Ako, kahit pa-blog blog lang, at lilima ang readers, masaya na ako. Marami kang pwedeng maka-away. Maraming magagalit sa mga gawa mo, pero TINK PASITIB (WAG KANG AAYAW!), mag-karoon ka rin ng maraming taga-suporta. Dahil di pwede na wala kang makakasundo dito sa mundong ito. At sa kaso ko, merong nagalit; merong humanga. Ganun talaga. Ika nga e “There is always a B SIDE to every story” Marami na ring nakapag-sabi sa akin na ako raw ay isang “Charismatic Rebel”. Di ko alam ang ibig sabihin nun, basta ang alam ko, e cute ako. Wala nang kokontra.

Bilang pagtatapos, bibigyan ko kayo ng ideya sa mga posubleng isulat kong libro kung ako ay magiging writer man (kung ipauubaya ni Bro):


4. “10 Ways on how to be a COOL TEACHER”

- Ah, dito ako makakakuha ng death threats panigurado.

3. “Arkadesambo”

- Isang graphic novel. Di na natuluy-tuloy itong nobelang ito. Nakaka-9 Chapters pa lang ako, at nawawala na ang manuscript…

2. “Behind the Whiteboard. The Life of SerPol”

- Best seller ito. Best seller sa tindahan ng kamatis at sibuyas.

1. -Title Pending-

- Isang detective novel. Bigyan ko kayo ng updates tungkol dito. Hehehe.


Hanggang sa susunod!



1 comment: