Madaliang Agam-agam

Ang "criticism", kapag mas naunang sinabi sa ibang tao kesa sa iyo, ang tawag doon ay "CRITI-TSISMIS"
_______________________________________________________

Saturday, November 6, 2010

Pahinga...Relax!

September, October...NOVEMBER!

Whew! Akalain mo yun? Halos dalawang buwan na pala akong 'di nakakapag-post ng blog entry! At halos dalawang buwan na din palang hindi tumatagas ang laman ng utak ko para mai-share ko ang mga walang kwentang experiences ko sa mga mambabasang katulad mo na bigla na lang napapadpad dito. Pero ano't ano pa man, e REST DAY ko ngayon, kaya habang wala pa ang mga tao dito sa bahay (dahil Sabado ngayon, araw ng pamamasyal) e pagaganahin ko na ang utak kong de-uling at de-roskas para makabuo uli ng isanlibong paragraphs para mabasa ninyo (Woops! Joke lang! Hehe)

Tayo na't magpahinga! ZZZZZzzzzz...

Napakaraming nangyari sa buhay ko nitong nakaraang semester. Maraming masasayang pangyayari at meron ding mangilan-ngilan na talaga namang napa-sapok ako ng ulo ko dahil sa sobrang kabuwisitan. Tapos na ang unang semester ko ngayong 2010 bilang isang guro at estudyante. Naging successful naman ang pagbabalik ko sa dating eskuwelahan na pinanggalingan ko at sa awa ng Diyos e nakatapos na rin ako ng 9 units sa Masteral ko (heto na naman tayo...sinabi ngang "Master's Degree" e! MASTER'S DEGREE!) kahit pinoproblema ko pa kung sinong milyonaryong intsik ang hoholdapin ko para magkaroon ng pambayad sa natitirang balanse ko dun sa eskwelahang pinapasukan ko... Tapos na rin nga pala ako sa kaliwa't-kanang seminars at trainings na ibinato sa akin nitong SemBreak (ninyo. Wala akong SemBreak...huhuhu) at naka-kolekta na naman ako ng dalawang pirasong papel na tinatawag na "certificate" para idagdag sa brown envelope ko na inaagnas na sa itaas ng aparador namin. Yeba!

Siguro naman e deserving din akong mag-pahinga, ano?

Buweno, dahil wala akong ginagawa ngayon at gusto kong magpahinga e sinubukan kong maghanap ng "relaxation techniques" sa Internet at heto ang mga nakita ko:

(Pasintabi na po sa mga sumasamba kay Dhalsim dahil mukhang mapapasama siya dito sa listahan na ito...)

1.) Meditation

Ayos. Meditation. Dalawang bagay lang naman ang gusto kong mangyari kung gagawin ko ito: ang makapag-palutang ng garapata, o palutangin mismo ang sarili ko... ? Ha? Teka, ano bang meditation ang pinag-uusapan natin dito???

Meditation is a holistic discipline during which time the practitioner trains his or her mind in order to realize some benefit. Meditation is generally an internal, personal practice and most often done without any external involvement, except perhaps prayer beads to count prayers.

AH! Gets! Eto siguro yung mga kadalasang ginagawa ng mga mongha sa Japan! May prayer beads pa! (Pwede bang munggo na lang ang gamitin dito???) Ayos 'to! Pero mukhang malabo kong magawa ito dahil bago tumahimik 'tong lugar na kinalalagyan ko e parang kelangan ko munang pasabugin ang eardrums ko nang sa ganon e makamit ko ang "peaceful state"

No good! NEXT!


2.) Power Nap

Ah! Ayon sa mga nabasa ko sa websites, ang Power Nap daw ay yung panandaliang pagtulog, na kadalasang ginagawa sa trabaho at minsan e sinasamahan pa ng kape (nakakapag-paantok daw kasi ang pag-inom ng kape, pero kung gusto mo namang magising e singhutin mo na lang ito). Eto yung palagi mong ginagawa kapag kumukuha ka ng exam at hindi mo na alam ang sagot; at gigising na lang kapag pasahan na ng test papers. Aprub! Madalas ding ginagawa ito ng mga gurong katulad ko, lalo na kapag may limang minuto na lang bago mag-simula ang susunod na klase namin... Kaya minsan e parang bangenge kami pag-pasok sa classroom!

Pero paano naman ako magpa-PowerNap kung nandito lang ako sa bahay at wala namang pasok? Maganda kayang gawin ito habang kumakain? Yung tipong matutulog ka sa ibabaw ng plato mo dahil na-stress ka na sa kaka-nguya? Hmm...

NEXT! NEXT!


3.) Tai Chi

Wuuuuuuu....Wayyaaaaah! Drunken Master! Enter the Dragon!

MALI! Hindi yan katulad ng iniisip mo! Ang Tai Chi daw ay...teka, napapagod na akong mag-paliwanag! Mahiwagang copy-paste, GO!

Tai chi is sometimes described as "meditation in motion" because it promotes serenity through gentle movements — connecting the mind and body. Originally developed in ancient China for self-defense, tai chi evolved into a graceful form of exercise that's now used for stress reduction and to help with a variety of other health conditions.

Ayun, siguro na-gets mo na rin. Kasi ang alam ko lang e yung "tachi" at madalas ko yang nakikita dito sa bakuran namin lalo na 'pag tapos nang mananghalian si Potpot (d' dog). Maganda rin pala ang Tai Chi ano? Magmula sa isang self-defense na martial arts e ginawa na lang itong exercise dahil mukhang di mo madedepensahan ang sarili mo sa mga magnanakaw kung kekembot-kembot ka lang (at naka-nguso pa) sa harap nila.

Boksing na lang tayo! NEXT! NEXT! NEXT!


4.) Guided Imagery

Ah, eto! Nasubukan ko na rin ito dati nung umattend ako sa isang seminar! Eto naman yung uutusan kayo ng speaker na ipikit ang mga mata ninyo, pagkatapos e may biglang patutugtugin na background music (ang ginamit sa amin noon e yung tunog ng umaagos na tubig mula sa isang ilog with matching humuhuning ibon at pumapagaspas na dahon). Magsasalita si Mrs. Speaker ng kung anu-ano na tipong inuuto ka ng isa't-kalahati, at sasabihan ka na:
  • Ipikit mo ang iyong mga mata at i-picture out mo sa isip mo na ikaw ay naka-higa sa isang pastulan...kasama ng mga pastol, este ng mga tupa...
  • Naririnig mo ba ang mga humuhuning ibon? Andyan na sila para sunduin ka...
  • Amuyin mo ang bulaklak na nasa tabi mo... Hindi...Mali yang hinahawakan mo... Akin yan... *sabay sampal sa kamay ko*
  • Malamig ang tubig sa ilog... Masarap sa pakiramdam...di ba? Teka, huwag mo munang inumin...polluted yaaaaaan.... Haaauuuum....
  • Papalubog na ang araw...matatapos na ang araw na ito... Ganyan din mamaya ang mangyayari sa wallet moooo....
Pagkatapos ng tatlong minutong lokohan e biglang pipitik si speaker at pabubuksan muli ang mga ilaw. Pagkamulat mo ng mga mata mo e matatawa ka na lang bigla dahil habang ginagawa mo yun e ang tumatakbo lang sa isip mo e kung paano kaya mamamatay isa-isa ang mga Akatsuki sa Naruto at kung pwede bang maging ninja si Maria Ozawa...

Nag-lokohan lang tayo e! NEXT!


5.) Yoga

Heto na! Yoga Fire! Yoga Flame! Yoga Teleport! Awww, sayang! Sayang at 'di natin pwedeng gawin yung mga ginagawa ni Dahlsim dito sa exercise na ito! Tsk, tsk!

Para sa mga tao na pinanganak lang kahapon, si Dahlsim ay isang character mula sa video game na "Street Fighter". Siya ang numero unong dahilan kung bakit ko nakilala ang terminong "yoga" sa aking murang edad. Isa sa mga katangian ni Dahlsim, bukod sa pagbuga ng apoy at biglang pag-teleport sa likod mo na parang isang aswang lang, e ang kanyang mga FLEXIBLE na hita at braso! Kayang-kaya niyang sampalin at tadyakan sa mukha ang mga kalaban kahit nasa magkabilang dulo pa sila ng screen! Pero may disadvantage din ito dahil pwede mo siyang tirahin ng Haduken o ng Sonic Boom (o ng shotgun, pero wala nito sa laro) habang nasa akto siya ng pagpapahaba ng parte ng katawan niya...

Ok, ok... Titigilan ko na ang tungkol sa video games... Exercise nga pala ang pinag-uusapan natin, whew!

Pero wala na akong iba pang masabi tungkol sa Yoga bukod sa trip itong gawin ng mga dalaginding sa mga fitness gyms ngayon, lalung-lalo na dun sa mga nagpa-praktis maging contortionist at yung mga nagbabalak manirahan sa isang balik-bayan box.

Maganda ang Yoga. Magandang-maganda (hindi yung instructor ah! >:D)! Lalo na kung nanonood ka lang. Bwahehehehe....

------------------------------------------------------------

Buweno...naparami na naman yata ang sinatsat ko. Pero ayos lang, pambawi na rin sa dalawang buwan kong palya sa blogging. Mas lalo lang yata akong napagod sa mga pinag-gagawa ko dito ngayon...pshew!

Matutulog na lang ako, at iisipin si Maria Ozawa habang nagyo-yoga...

(Nakakaramdam na naman ako ng isang pingot sa tenga...ARAY!)

Source:

Wednesday, September 8, 2010

SlumBook (Walang Magawa...)

(Pssst...ngayon lang uli ako nagkaroon ng time para mag-post dito...hehehe)

Wala kasing magawa...kaya ipo-post ko na lang ito dito. Tutal nauuso na rin lang naman sa Facebook yung paglalagay ng mga profile info na para lang sumasagot ng slumbook/slambook kaya makikisakay na lang din ako sa trip nila papunta sa mundo ng mga ilusyonadong bangag. Ayos. Nahakot ko lang sa Internet 'tong mga tanong na ito (dahil tinatamad na rin akong mag-isip pa), at naisipan ko lang din na sagutin dahil...ayun nga. Walang magawa.

Buweno, heto na. Pakitakpan na lang ang bibig habang humihikab at baka masinghot mo bigla ang monitor mo.
________________________________________

1) WHAT IS YOUR OCCUPATION:
- Ako ay isang College Teacher. Pero sabi ng manghuhula sa Quiapo, dati daw akong K-Pop artist at modelo ng vetsin nung past life ko.


2) DESCRIBE YOURSELF:
- Sasabihin ko sana na "Judge me na lang", pero para sa kapakanan ng lahat ng mahihilig manghusga, aaminin ko na...na ako ay CUTE at GUMUGULPI NG MAHILIG KUMONTRA.


3) WHAT IS YOUR AIM IN LIFE:
- Target-shooting ba ito? Anyway, MayDay. Ang gusto kong mangyari sa buhay ko e makapag-bahagi ng aking kaalaman sa mga taong willing makinig sa akin. Ituro sa mga bata ang kaalaman na naipon ko habang nadadagdagan ang edad ko sa mundong ito. Dun sa mga ayaw makinig, tuturuan ko pa rin. Gusto ko kasing makakita ng mga taong nagkakamot ng ulo matapos mapahiya dahil pinili nilang magbingi-bingihan. Hehe.


4) MOTTO IN LIFE:
- "Bilog ang Mundo" Ayoko na ng "Time is Gold". Di ko mapanindigan e.


5) ANY UNFORGETABLE DREAM:
- Nang makapag-slamdunk daw ako sa isang "tunay" na basketball court (hindi yung pang-3 years old ah?). Unforgettable yun, kasi sa totoong buhay, ang kaya ko lang abutin e yung butas ng ilong ng mga kalaro ko sa basketball.


6) HAPPIEST MOMENT IN YOUR LIFE:
- Nung unang klase ko bilang isang teacher.


7) MOST EMBARASSING MOMENT IN YOUR LIFE:
- Nung unang klase ko bilang isang teacher.


8) FIRST LOVE (IF ANY):
- Parents. As usual. Ito na ang pinaka-safe na sagot sa lahat ng slumbook na nabasa ko. Gayahin ko na lang, imbes na sumagot ako ng kung anu-ano na magpapadali sa buhay ko...


9) THOUGHTS ABOUT OPPOSITE SEX / ANY CLOSE ENCOUNTERS WITH THEM:
- Ok naman. Ok ang mga babae. Halos genitals lang ang pinagkaiba nila sa mga lalake. Napansin ko din na ang mga jading e malandi kapag good mood at mapang-lait naman kapag bad trip. Ang mga tibo naman ay mahilig sa barber's cut.

Peace. Hehehe...


10) DREAM GIRL:
- Hindi ko na sasagutin ito dahil gusto ko pang tumagal ang buhay ko sa mundong ito...
(Pero atin-atin lang ito...siguro ok sa babae yung may kagandahang-loob tulad ni Maria Clara at kagandahang-AHURM naman katulad ni Maria Ozawa...hehehehe >:] )


11) DO YOU BELIEVE IN FATE / DESTINY:
- Hindi. Pero iniisip ko pa rin kung bakit nandito pa rin ako sa linya ng pagtuturo at bakit kami pa rin ng nobya ko...Natsambahan lang siguro...hehehe...


12) IF YOU HAD ONE CHANCE TO LIVE YOUR LIFE AGAIN WHAT WOULD YOU LIKE TO DO:
- Gusto kong magtrabaho sa gobyerno. Gusto kong ma-experience kung paano dumami ang pera ko sa bulsa habang nagkakamot lang ako ng singit sa loob ng opisina.


13) DESCRIBE YOUR DAILY ROUTINE IN SHORT:
- Gising. Kain. Ligo. Commute papunta sa trabaho. Daldal sa klase. Break. Daldal sa klase uli. Break. Facebook. Meryenda. Facebook uli. Commute pauwi. Kain. Facebook uli. Konting laro ng Nintendo DS. Tulog.

Short na yan.


14) HARDWORK OR LUCK. WHAT DO YOU BELIEVE:
- Hard Luck. Sa hirap ng buhay ngayon, kahit ang "swerte" e kelangan mo na ring paghirapan. Ka-badtrip!


15) IF YOU ARE GRANTED THREE WISHES WHAT WOULD YOU WISH:
-Madali lang ang tanong na ito...
Wish #1: Tanggalin ang PERA sa mundong ito.
Wish #2: Bigyan pa uli ako ng tatlo pang wishes (as usual, hehehe)
at
Wish #3: Tapusin na ang ilusyon ng kahit sino pa mang makakabasa sa tanong na ito.

________________________________________

Ayos ba? O siya...Hanggang sa muli, mga bata!

TO THE BATCAVE! (To the Faculty Room....)

Monday, August 2, 2010

Palayaw

Kumustasa mga kapatid? Aba'y talagang napaka-bilis ng panahon, isang buwan na pala akong hindi nakapagsulat ng bagong blog entry. Agosto na ngayon, at ang huling article ko e nung bertdey ko pa, June 22. Amp! Pero ganun pa man, salamat pa rin sa mga patuloy na napadpad dito sa kangkungan ko kahit wala akong bagong palaman para ipahid sa inyong mga tinapay.

Parang ang sagwa yatang pakinggan nun ah?

Eniwey, Laguna Bay. Napakarami na namang naganap habang ako ay busy sa pagpapanggap bilang isang guro at patuloy na nagiging sanhi ng puting buhok ng aking mga batang estudyante, dahil na rin sa tindi ng subjects na hinahawakan ko ngayon. Whew! Kahit ako e nahihirapan din. Kulang na lang e umilaw yung mga puting buhok ko at magmistula akong Super Saiyan tulad ni Son Goku.

Buweno, tulad ng dating gawi. Enumeration type uli, na may kasamang Essay. Hehehe!



Titser Pol! Titser Pol!

Huwag kang mag-alala, hindi pa ako nasisiraan ng bait para lumipat sa daycare at magturo na lang sa mga taong kalalabas pa lang sa sinapupunan ng mga nanay nila. Hindi pa naman, sa awa ng Diyos. Pero tulad nga ng nasabi ko, wala naman akong ibang pinagkaabalahan nitong mga nakaraang araw (bukod sa Mafia Wars at Bejeweled Blitz, add niyo ako ha!) kundi ang magtrabaho.

Software Engineering, Advanced Database Systems at Object-oriented Programming. Kung naiintindihan mo pa ang sinasabi ko e binabati kita ng Congrachuleyshenz! Oops, wala na palang Wowowee. Ayun. Kung medyo nagtutunog-alien na ang mga sinasabi ko e pagpasensyahan niyo na ako dahil 'di ko naman ginustong magturo ng ganyang kaburyong-buryong na mga subjects. Sa totoo niyan, ang gusto ko talagang ituro e yung tipong katulad ng Values Education, Professional Ethics at Psychology...

Mga bagay na wala ako. Ehek!



Master Pol! Master Pol!

Oha? Akala mo nag-tuturo na ako ng Kung Fu ano? Hindi 'no!

Nag-aaral lang ako para sa Masteral!

Urf, mali. Sabi ng co-teacher kong nagtuturo ng English e mali daw ang "Masteral". Dapat daw e "Masters Degree". Kaya sige, aayusin ko yung statement ko:

Nag-aaral pala ako para sa Masters Degree! Hmmm...parang lalong nagkamali...?

Totoo. Kasalukuyan akong naka-enroll ngayon bilang estudyante na kumukuha ng kursong "Masters in Information Technology" o MIT (hindi Mapua Institute of Technology!). Kaya ayun, mas lalo akong nawalan ng oras para magliwaliw. Dahil kapag weekdays, nagtuturo ako at kapag Sabado naman e nag-aaral ako. Linggo na lang ang pahinga. Linggo na lang ako nakakapanood ng Digimon...nyek!

Modelong Titser? Hindi. Yan ang huling bagay na gusto kong ipasok sa isip ko ngayon. Dahil ayokong manapaw ng mga kasamahan ko sa trabaho at ipamukha na lamang ako sa kanila; taliwas sa inaakto ng ibang teachers ngayon sa ibang eskuwelahan. Na kung saan, lagi na lang may kompetisyon. Lagi na lang may palakasan, paramihan ng fans, at papogian.

Kung yun lang ang sukatan ng pagiging titser, e ayoko nang magturo. Dahil titser ako, hindi artista at payaso.

Pero pabayaan na lang natin sila. Kaya ako kumukuha ng master's degree ngayon e para dagdagan pa ang listahan ng credentials ko at nang sa ganon e mas mapagbuti ko pa ang estado ko sa pagtuturo. Para na rin mas lumawak ang mundo ko at nang mas dumami pa ang mga kaalaman na maibabahagi ko sa mga magiging estudyante ko sa mga darating na taon.

Sa Masteral na ito, itinataya ko ang kalahati ng aking oras sa paglalaro ng GameBoy, Game & Watch at Brick Game, at ang dalawang taon pang paghihintay bago ako matali sa aking nobya ngayon. Iniaalay ko ang magiging kahihinatnan nitong pagsubok na ito unang-una kay Bro, at pangalawa, sa mga taong nagmamahal sa akin. Na sana ay maintindihan nila ako dahil hindi madali ang pinagdadaanan kong ito ngayon, at ipaghanda sana nila ako ng masarap na ulam pag uuwi ako sa gabi...

Siya nga pala. Pumasa rin ako sa TESDA 2D Animation NC III Assessment na ginanap noong July 17 sa ACLC Pagsanjan. Wala lang. Share lang (Yabangan pala e! Grrrr!).



Prof Pol! Prof Pol!

Sagwa. Minsan iniisip ko na mas maganda talagang pakinggan ang "Master Pol" kesa sa "Prof Pol". Kapag "Master Pol" kasi, parang Master lang ni Karate Kid. Parang si Jackie Chan! Wuuuu-watttaaaaa! Parang ganun. Saan ka nakakita ng Karate Kid na nagku-Kung Fu? 'Di ba astig? E kapag "Prof Pol", parang mad scientist lang. Tunog kemikal. Nakakatakot pakinggan...

Kaya kung alin man diyan ang gagamitin kong PALAYAW pagkatapos ng dalawang taon, e abangan niyo 'yan!

Huwag lang sana "Mang Pol"...

--------------------------------------------------

Ayun lang muna. Sa susunod na buwan na lang uli. Whew...

Tuesday, June 22, 2010

Pagtanda

Sakit na ng katawan ko...grabe.

Paano ba nama'y may nangyaring aksidente kanina malapit sa entrance ng subdivision namin. May dalawang truck na nagkabanggaan; pingas ang unahan ng isa, at ang pangalawa naman e sumalpok sa tatlong poste ng kuryente at sa isang tindahan. Grabe, parang Grand Theft Auto: San Andreas lang! At as usual, kapag may mga ganitong aksidente, inaabot ng 48 years ang mga nasa awtoridad bago mai-alis sa kalsada ang mga nasirang sasakyan; dahilan kung bakit nagkaroon ng trapik sa buong maghapon. Napilitan na lang tuloy akong maglakad (kasama ang daan-daang utaw na walang pasensya sa trapik) papunta sa pinapasukan kong eskuwelahan. Naka-"all black" pa man din ako kanina. At heto pa ang malupit. Pagkalabas ko ng opisina, e nandun pa rin ang isang truck. Ayos. Nice Job. Parang kumabit sa semento yung truck at di na maialis. Kaya naman no-choice pa rin ako kundi maglakad uli papauwi.

Golden City Sta Rosa Road accident
Isang kuha mula sa nasabing aksidente kaninang umaga.
Salamat sa youscoop.tv at sa usiserong nag-upload nito.

Medyo masakit pa rin ang katawan ko sa pagod. At parang may kaluluwang yumuyugyog sa ulo ko habang nakatapat ang mga mata ko dito sa monitor ng aking pinakamamahal na PC. Katandaan? Di pa siguro. Pag-uusapan natin yan mamaya.

Sa nangyaring aksidente kanina, maraming naasar. Maraming nayamot. Maraming napagod at pinawisan. Pero naisip ba nila na suwerte pa rin sila? Dahil imbes na nakikipag-negosasyon na sila kay San Pedro ngayon e buhay pa rin sila at nagmumura dahil sa pagod. Oo, may mga namatay sa nasabing aksidente. At nakikiramay ako sa pamilya ng mga kapatid nating biglaang namalaam habang nasa linya ng trabaho.

At ano naman kamo ang ginagawa ko dito?

Wala lang. Dadaldal lang uli. Masaya lang ako at hanggang ngayong araw na ito e nagkakamot pa rin ako ng malaki kong tiyan, habang nag-iisip ng maikukuwento sa blog entry na ito. Dahil bukod sa aksidenteng nangyari kanina dito sa amin e may nangyari pa palang hiwalay na aksidente sa Cavite at sa Baguio. Susginoo. Ikaw, di ka ba masaya at nababasa mo pa rin itong "walang kuwentang" article na ito? Siyempre, hinde. Pero kung babaguhin ko ang tanong at gawing "Hindi ka ba masaya at nakakapaglaro ka pa rin ng FARMVILLE, MAFIA WARS at NINJA SAGA ngayon?" e malamang sa malamang, kumekembot ka na ngayon na parang gansa.

Napapaisip tuloy ako sa kahalagahan ng buhay... ("Wuuuhuuuu! Kunwari ka pa! Nyehehehe!" - Satanas at Lucifer)

Subukan nating gumawa ng isang research, para mabago naman. Ahem.

Ayon kay Pareng Wiki, ang life expectancy ng isang Pinoy mula pagka-panganak ay naglalaro sa 60 - 75 taon. Para maging eksakto, 74.45 taon daw para sa mga babae at 68.45 taon naman para sa mga lalake. Ayoko nang magsalita at magbigay pa ng mga detalye kung bakit mas maagang namamatay ang mga lalake dito sa Pinas dahil baka kuyugin ako ng mga minamahal nating kababaihan at tawagin akong "Sexist". Basta, yun na yun. Hehehe.

Higit na mas mababa ang life expectancy ng mga tao sa Pinas kumpara sa mga nasa Japan na may 81.25 taon, na siyang pinakamataas sa buong mundo (dahil na rin siguro sa dami ng Power Rangers at Voltes V na magliligtas sa mga buhay nila tuwing sila ay nasa panganib), at sa South Korea na may 79.10 (dahil laging nae-exercise ang mga katawan nila tuwing sumasayaw sila ng Nobody at Binggeul Binggeul) Kung may kinalaman ba ang korapsyon sa gobyerno at ang walang kamatayang pag-iyak ni Kris Aquino sa pagbagsak ng life expectancy ng Pinas, ay hindi ko 'yan alam.

Eniwey, Manila Bay. Napakaraming Pinoy ang nababahala tungkol sa edad nila. Kesyo "Naku, 20 years old na ako! 'Di na ako pwedeng manood ng cartoons" at "Naku, 40 years old na ako! Pwede na akong manloko ng asawa ko! Mwahahahaha!" Conscious na conscious. Daig pa ang isang dalaginding na nahubaran ng bra sa isang beauty pageant. Kulang na lang e gumawa ng countdown timer sa kanyang noo at bawasan ito kada taon tuwing sasapit ang kanyang birthday.

Pero ako? Aaminin ko, nako-conscious din ako dahil sa tuwing madadagdagan ang edad ko e parang nakikita ko na sa utak ko ang itsura ng mga magiging biyenan ko: naka-pamewang at nakataas ang mga kilay, habang hinihintay akong mamanhikan sa bahay nila...Suskupo... Parang mas nakakatakot pa yun kesa sa isandaang Sadako na pinagsama-sama mo sa loob ng isang sako.

Marami ring nagsasabi na nagiging "boring" na ang isang tao kapag siya e nagkaka-edad na. Nagiging "sensitive" at napipikon sa mga pinakamaliit na biro. Nawawalan na ng interes sa mga bagay na nagpapasaya sa sarili niya noong "bata" pa siya.

Pero ang edad nga ba ang basehan kung bakit nagiging "corny" na ang isang tao at hindi na siya natatawa sa mga jokes mo? Ang pisikal na bilang ba ng taon na inilagi niya sa mundo ang sanhi kung bakit bigla na lang nawawalan ng gana ang isang tao sa mga bagay na dati niyong pinagtatawanan noon?

Hindi.

Dahil kaakibat ng pagtanda ang pagtanggap sa mga pangyayaring naganap sa buhay mo noon. Kung paano mo ito ipo-proseso at paano mo ito gagamitin para gumawa ng isang bagong "ikaw" na magpapasaya sa mga taong nagmamahal at nagbibigay-halaga sa iyo; gaano man ito kaagang dumating sa buhay mo. Hindi sukatan kung ganong karaming birthday parties na ang pinagdaanan mo at ilang kandila na ang hinipan mo sa ibabaw ng cake. DAHIL MARAMING MATANDA NGAYON NA BATA PA RIN KUNG MAG-ISIP, AT MARAMING BATA NGAYON ANG NAGPUPUMULIT NANG UMASTA NA PARANG MATANDA.

Kaya naman sa aking ika-*4 na kaarawan (Oo, bertdey ko. June 22. May angal?) Gusto kong magpasalamat, unang-una, kay Bro na nasa itaas (uuyy, tumingin nga siya sa itaas!) dahil patuloy pa rin Niya akong hinahamon na huwag sumuko sa buhay na pinahiram Niya sa akin - gaano man ito kahirap. Maaaring dumating din nga sa punto na gusto ko na itong wakasan, pero ngayon ko lang nakikita ang kahalagahan ng buhay ngayong ako'y nasa "kalagitnaan" na ng aking buhay-mortal. Pangalawa sa aking pamilya na *4 na akong sinasamahan at sinusuportahan, magmula nung ako'y pinanganak pa lamang hanggang sa ako'y nagtatrabaho na at nakikipaglokohan na sa mga estudyante. Sa aking nobya, na pilit na pinapakilala sa akin ang Panginoon, kahit kilala ko na Siya. Maraming salamat sa iyo, at sa iyong walang sawang pagtitiyaga. At ang panghuli...

Sa lahat ng mga kaibigan ko na naniwala at nagbigay ng inspirasyon sa akin. Sa mga taong hindi nakakalimot magpasalamat dahil na-"touch" ko ang mga buhay nila. At pati na rin sa mga nagbabasa ng blog na ito. Alam kong matagal niyo na akong pinagkakamalang si Bob Ong, o matagal niyo na akong nilalait na "Bob Ong Wannabee" pero ganito na talaga ako magsulat. Wala nang eepal.

Maraming salamat, at MAHAL KO KAYONG LAHAT!

At saan na nga ba napunta ang title ng blog entry na ito? Pagtanda? Aber...

KALABAW LANG ANG TUMATANDA.




Para sa lahat ng nagmamahal kay SerPol
at sa mga nagsasawalang-bahala ng kanilang buhay...
Para sa inyo ito.

Monday, June 7, 2010

Pagtanggap

Maikli lang ito. Saglit lang. Sssshhhh...! Wag ka nang mag-reklamo! Saglit nga lang e! Hrrrmmmph!

Ayan. Nawala na tuloy ako sa mood. Iiklian ko na nga sana kaya lang anlakas mong kumontra. Hehehe.

Pangatlong linggo ko nang uma-attend ng trainings at seminars sa pagtuturo. Marami akong bagong natutunan, pero marami rin akong nakalimutan. Minsan nga, naiisip ko na lang na ang mga mata at ulirat ko na lang ang hinahasa sa mga trainings na yan dahil halos dalawang linggo ko nang nilalabanan ang antok para huwag lang maka-tulog habang nagsasalita ang speaker. Grabe. Pero seryoso, marami akong natutunan. Mga bagay na pinagsawalang-bahala ko lang nung mga naunang taon ko sa pagtuturo. Magmula sa tamang pagsusuot ng battle gear, este damit, hanggang sa pagpili ng tamang paraan kung paano pupulbusin ang angas ng isang estudyante sa loob ng classroom. Oo. Mga TECHNIQUES kung paano patatahimikin ang isang pasaway na nilalang gamit lamang ang iyong mga paranormal skills.

Joke lang.

Effective pa rin pala ang mga ginagawa ng mga titser ko noon. Yung tipong pupunta sa likod ng isang estudyanteng nakikipag-daldalan at banayad na tatapikin ang kanyang likod. Medyo bawas sa kahihiyan sa estudyante (kung may hiya man yung estudyanteng yun) at bawas na rin sa "effort" dahil nakakapagod nga naman kasi yung palagi kang ala-Incredible Hulk kung magalit para lang manaway. At yung sinasaway mo e isang starfish lang.

Eniwey, marami rin akong na-realize sa nakaraang dalawang linggo ng pagtatanim ng puwit sa mga monobloc chairs at panonood sa mga kasamahang sabay-sabay na humihikab. Mga ideyang nagpapalutang-lutang sa utak ko bago ako matulog sa gabi. Mga bagay na hindi ko kagad masabi. Mga pangarap at katatakutan na naghahalo sa aking isipan ngayon.

Napag-iwanan na pala ako.

Oo. Naiwanan na ako ng milya-milya ng mga dati kong kasamahan sa eskwelahan na una kong pinasukan. Hindi ko inasahan na ganun na pala ang agwat namin pagkatapos ng isang taon kong pagkawala sa piling nila. At ang buong akala ko e luluhod na sila sa muli kong pagbabalik upang hangaan ako, pero baligtad ang nangyari. Mas napalagom pa nila ang kanilang resumé sa pag-attend ng iba't ibang certification programs, habang ako ay napa-attend lang sa mga food trip sessions sa Mini Stop sa loob ng isang buong taon. Di na kataka-taka kung bakit bigla akong lumobo ngayon.

Hindi lang ang mga dati kong mga kasamahan ang nakakahigit na sa akin ngayon, kundi pati na rin ang mga baguhang teachers na kasabay kong pumasok sa batch na ito. May isang matinik na programmer at meron namang isang halimaw na graphic artist. Minsan, iniisip ko pa rin nga kung tao pa ba sila o nagpa-transplant na ng utak. Programming at Graphics: mga bagay na naikabit na rin sa pangalan ko noong ako ay bago pa lang din sa linya ng pagtuturo; pero ngayon ay tuluyang nawala na.

Sa totoo lang, hindi ko na makita ang lugar na nararapat sa akin sa grupong iyon ng mga guro sa I.T. Oo, at marami akong kayang gawin: Photoshop, Turbo C, Visual Basic, Java, Flash, HTML...kaya ko lahat yan. Pero ang problema e wala akong na-master kahit isa diyan sa mga yan. Ika nga e "Jack of all trades. Master of none" Kumbaga sa Dragonball e, marami kang alam na techniques, yun nga lang e di ka makapatay.

'Di ko na rin alam kung saan lulugar. Halos lahat na yata ng kakilala kong mga guro e gumagaling na habang tumatagal. Kanina nga lang e mayroon din akong kaibigan na isang college teacher din na nag-post ng message sa Facebook wall niya tungkol sa award na nakuha niya kanina: "Most Outstanding Faculty of the Year" Hanep. "Most" na. "Outstanding" pa. Ehek! At dahil sa natural akong inggitero e nainggit naman ako dahil kung tutuusin e mas nauna pa ako sa kanyang magturo, pero wala pa akong nakakamit na award na katulad nun. "Standing Faculty" siguro, puwede.

Ano na bang nangyayari sa mundo? Isa ba itong paraan para pahiyain ako ni Bro sa mga kayabangan ko noon? Parusa na ba Niya ito at ipinamumukha sa akin na mas maraming kayang umagaw ng trono na pinanghawakan ko dati? Lubog na ako. Sapaw na sapaw na. Hanggang ilong na nga e!

Pero iisang bagay na lang ang hawak ko ngayon..."Determinasyon"...

Ganito lang talaga ako. Maaaring nalulungkot at naiinggit ako sa mga nakikita ko pero pagkatapos noon e napapalitan na ito ng sangkaterbang determinasyon. Naniniwala ako sa mga kasabihang: "What doesn't hurt, won't kill me" at "Dropping bombs on me would only make me stronger". Mahilig ako sa mga pagsubok. Dahil alam kong sa dulo ng pagsubok na yun ay isang mas magaling na SerPol ang naghihintay. Maraming beses ko na itong napatunayan at PATUTUNAYAN KO ULI ITO NGAYON.

Hintayin ninyo ako, mga kasama. Tinatanggap ko ang hamon ninyo.

Sunday, May 23, 2010

Jejemon VS l33t: Battle of the BrAiNLeZZZ

* Ang post na ito ay talagang nakatakdang i-publish noong nakaraang buwan pa, pero sa di malamang dahilan e bigla akong naumay at itinigil ito.

Oo na, sige na. Nakikiuso na ako. Panalo ka na, talo na ako. Haaaaizzzzzsssst! kAhYamowt nman powh!

Jejemon. Aaah, ang mga maalamat na nilalang na naglipana sa Facebook at TextChat channels sa cable TV ngayon. Nitong kailan lang e narating na nila ang rurok ng tagumpay nang maipalabas ang kuwento nila sa telebisyon. Pero ano at sino nga ba ang mga Jejemon? Kung hindi mo napanood ang balita sa TV nitong huli, e mapalad ka at mag-uubos pa ako ng panahon para maipaliwanag sa iyo kung saang kili-kili ba nagmula ang mga "Jejemon"

Ang mga Jejemon...paano ko ba ipapaliwanag sa sarili kong salita? Uhurm... E ang mga taong galit sa keypad ng cellphone at keyboard ng isang kompyuter. Bakit kamo? dAhiL gn2 cla mg-zzalitah. aNg galeeengz NiLah nohw?

Sorry...di ko makuha ang tamang paraan ng Jejetyping...


Posibleng mangyari? Oo.

Buweno, bukod sa pasadyang pagmamali sa kanilang sPFElling, e parang galit din sila sa "shift" key ng kanilang keyboard. Sanhi yata ito ng sobrang excitement at imagination kaya mistulang epileptic ang mga daliri nila at napipindot nila ang shift key nang di namamalayan, pArAnG gAnIto. Walang eksaktong petsa kung kelan ipinanganak ang kauna-unahang Jejemon. Bigla na lang silang sumulpot. Simple lang naman ang adhikain ng mga Jejemon: gusto lang nilang magpa-cool at gusto rin nilang baguhin ang meaning ng acronym na SMS (na ang ibig sabihin ay Short-Messaging Service). At wala tayong magagawa dun.

Naglipana na ang mga Jejemons sa mga social networking sites ngayon tulad ng Friendster (may Friendster pa ba?) at Facebook, pati na rin sa mga MMORPG tulad ng DotA at Ragnarok. Nagbuo na rin ng isang brigada ng kalokohan para sugpuin ang mga Jejemons... mga taong kilala sa tawag na "Jejebusters" -- mga ipokritong nag-aakala na matatalo nila ang kamangmangan gamit din ang sarili nilang kamangmangan. AnLupFeyt.

Nauso na rin ang sumbrerong tinatawag na "Jeje Cap" -- eto yung mataas at makulay na cap na isinisuot ng mga Jejemon sa kanilang ulo na tipong naka-patong lang sa kanilang mga bumbunan. Meron ding "Jeje Shades", na sa kasamaang palad e di ko pa rin alam kung anong itsura dahil itong salamin sa mata na sinusuot ko e tinatawag ko lang na "salamin" at hindi SerPolShades. Kayamot. Hindi malayo na bukas e may clothing brand na ang mga Jejemon. Magkakaroon na din ng JejePants, JejeSocks at JejeShoes, JejeBriefs, JejePanties, JejeBra at kung anu-ano pang clothing apparel na makikita mong sinusuot ng isang Jejemon.


Jejemon
Salamat sa verydemotivational.com para sa larawang ito...Azzzteeeggg... At kung sino ka man na nasa picture na ito, sila ang sampahan mo ng kaso sa pagnanakaw ng pogi mong mukha.

Pero bago nating tuluyang lunurin ang sarili natin sa mga salitang-Jejemon, e malipat muna tayo sa kanilang mga malalayong kamag-anak: ang mga l33t. At para sa iyong kaalaman, magka-copy-paste ako ng isang Wiki article na mas madaling makakapag-paliwanag kung ano at sino ba ang mga l33t. Pasensya na, tamad e...

Leet, also known as eleet or leetspeak, is an alternative alphabet for the English language that is used primarily on the Internet. It uses various combinations of ASCII characters to replace Latinate letters. For example, leet spellings of the word leet include 1337 and l33t; eleet may be spelled 31337 or 3l33t.

The term leet is also used as an adjective to describe formidable prowess or accomplishment, especially in the fields of online gaming and in its original usage, computer hacking.


Malinaw na malinaw. Sila ang sosyal na version ng mga Jejemon. ELITE. Mga mayayaman at matatalinong nilalang, na kadalasan e mga computer geek, at pinapakita ang KATALINUHAN nila sa mundo ng Internet. Kilala sila sa pag-gamit ng numbers para palitan ang mga vowel letters ng mga salitang tina-type nila. At kung akala mo e diyan na nagtatapos ang pagiging isang l33t, e nagkakamali ka sa akala mo. Hindi lang basta numbers ang kadalasang makikita sa mga salitang-l33t, kundi pati na rin ang exaggerated na paglalagay ng 'x', 'z', "-zorz" at "-age" sa dulo ng mga salita. Para mas malinawan ka, mag-lilista ako ng mga salitang ginagamit ng mga l33t:
  • h4xx0rz
  • suXX0rZ
  • pwnage
  • pr0n
  • n00b
  • ICanHazCheezburger
  • i liek mudkipz
  • tis is teh bomb
  • iz cold out? i wearz my turtle neck
Wala kang maintindihan ano? Napakarami pa niyan. Pero dahil sa angking kasikatan ng mga Jejemon ngayon e nasapawan na nila ang kanilang mga ninuno. Oo, "NINUNO". Dahil mas naunang lumitaw sa Internet ang mga leet kesa sa mga Jejemon.


Leet
Ganito i-portray ang isang l33t sa mga animé at video games...
May kamukha ito sa PKMN-ph, di ko lang matandaan...

Pero saan nga ba pupunta ang post na ito at ano ba talaga ang gusto kong mangyari? Sa totoo lang, di ko rin alam. Wala lang. Ang alam ko lang e gusto kong himay-himayin ang dalawang bagong "human race" na naidagdag sa ating kasaysayan at ipaalam sa mga inosenteng tao (na matagal nang di nakakapanood ng TV at napag-iwanan na ng balita) kung ano at sino ba ang mga l33t at Jejemon.

l33t at Jejemon.

Mga taong namumuhay sa mundo na pinapatakbo ng kuryente at computer signals. Mga taong masayang nakikipag-usap sa mga taong hindi nila kilala gamit ang lenggwaheng kanilang naimbento. At kung isang "human race" nga na maituturing ang Jejemon at Leet, ay hindi na ako mahihiyang sabihin na ako ay isang RACIST.

Pero hindi ako isang "Jejebuster". Dahil sa paningin ko e mas malala pa sila sa mga Jejemon. Natatandaan niyo pa ba ang kasabihang "Mangmang lang ang papatol sa isang mangmang"? Maaaring parehas nga kami ng adhikain ng mga Jejebusters, pero hindi ako hilo para makipag-argumento sa mga Jejemon on LIVE television. Isa lang itong uri ng kayabangan. Mas mabangong uri ng kamangmangan. Tawagin niyo na akong ipokrito, pero wala akong papanigan sa inyo.

Pero seryoso. Sinong nilalang ba ang haharap sa atin at ipapamukha sa sanlibutan na WALANG-MASAMA-SA-PAGIGING-JEJEMON/LEET? Buksan mo ang iyong mga mata. Ganyan ba ang itinuro sa atin ng mga magulang natin nung tayo e mga munting paslit pa lamang? Kelan pa napasama sa lumang dilaw na libro ng Abakada ang "E0w p0h"? At kelan pa, KAILAN PA, naghalo ang Math at English sa iisang subject para magsalita ka ng "h3LL0"?

Buksan mo ang iyong isip. Alam kong sa loob ng iyong puso at isipan na mayroong nagsasabi na - mali ang ginagawa mo. Hindi mo lang pinagmumukhang tanga ang sarili mo, kundi gusto mo pang ipalaganap ito sa iba. At dahil nasimulan mo na ang pagiging Jejemon, e wala ka nang ibang choice kundi panindigan yan. Ayaw niyong pakialamanan kayo ng mga tao. At kahit ano pang mangyari, ipaglalaban niyo pa rin ang pagiging Jejemon.

Ipaglalaban pa rin ang MALI.

Imbes na pag-aralan ang lenggwahe ng Jejemon, bakit hindi muna natin subukang magpaka-bihasa sa English? O kahit ano pa mang lenggwahe, kasama na ang Tagalog. Dahil mas marami pang salita doon na kailangang malaman kesa sa mga salitang dinudugtungan ng sangkatutak na 'z' sa dulo.

Bago magtapos ang entry na ito, hayaan niyo akong mag-quote ng isang passage mula sa Bibliya. Hindi ko ito kadalasang ginagawa, at hindi rin ako miyembro ng kahit anong Christian fellowship, pero para sa ating lahat ito:

1 Mga Taga-Corinto 1:27
Subalit pinili ng Diyos ang kamangmangan ng sanlibutan upang ipahiya ang marurunong. Pinili niya ang mga mahihina ng sanlibutan upang ipahiya ang mga malalakas.

Pilipino. Isa ka ba sa mga mangmang na tinutukoy diyan? Isa ka bang hadlang?

Isang hadlang tungo sa karunungan?

Sana...sana lang. Walang magkakamaling magbago ng pseudonym ko at gawing "x3Rp0hL"...



Sources:

Wednesday, May 19, 2010

Ang Pagbabalik

Di ko pa rin alam kung paano sisimulan ang entry na ito. Nitong mga nagdaang araw kasi e wala nang naging bukambibig ang mga tao kundi ang eleksyon at kung paano natupad ang sikretong plano na NoyBi; ang walang katapusang bangayan ng mga Jejemon at mga JejeBusters (na kung titignan mo lang nang maigi e para lang revival ng Battle of the Brainless); at ang pag-puna sa Hologram na pinagyayabang ni Mike Enriquez, at kung paano nito masosolusyonan ang bulok na paraan ng paghahayag ng balita, at ang kanyang makating lalamunan. *ubo*, *ubo* Eksyusmipo! Nakakasuka na ang exposure sa mainstream media. Kaya imbes na makisali sa tsismisan at mag-sulat ng article tungkol sa mga yan, e magbibigay na lang ako ng update tungkol sa sarili ko. Baka sakaling umunlad pa ang Pilipinas habang binabasa mo ito.

Puro hinaing ang tema ng mga nakaraang blog entry ko. Mga hinaing tungkol sa kawalan ng trabaho, at paglaki ng bilbil sanhi ng kawalan ng magawa sa bahay. Masaya kong ibinabahagi sa inyo, na sa wakas, MAY TRABAHO NA RIN AKO! Yeba! At dahil magkakaroon na rin ng trabaho ang aking nakababatang kapatid na nagtapos sa UP Los Baños nitong Abril, e nangangahulugan lang na may makakatulong na ako sa pagbabayad ng kuryente! Pwede na kaming magbukas ng aircon buong araw at gawing freezer ang buong bahay, at mag-computer magdamag hanggang sa pumutok na ang mga ugat sa mata namin. Ayos talaga. Ika nga nila, Huli man at magaling, huli pa rin! Ehek!

Pero ang pinakamahalagang nangyari sa buhay ko ngayon, e ang muling pagbubukas ng pinto ng isang institusyon na minsan na akong sinipa palabas ng kanilang tahanan matapos ko silang sagasaan at duraan sa mukha. Sinong mag-aakala na mauulit ang kuwento ng Prodigal Son sa katauhan ko (although hindi Diyos ang kasali sa kwento ko) ? Na pagkatapos kong layasan ang mga taong tumulong sa akin para maging ako, e tatanggapin din ako pagkatapos ng isang taon kong pagkawala?

STI Santa Rosa ang tinutukoy kong institusyon. Hindi ko masabi nang 100% kung good to go na ba ako sa susunod na semester, dahil ayon sa mga narinig ko e meron pa rin akong mga dapat linawin. Una sa lahat, buong puso akong nagpapasalamat sa pamunuan ng STI Santa Rosa at sa panibagong pagkakataon na ipinagkaloob nila sa akin. Minsan ko na ring naikwento sa nobya ko kung gaano ako kasaya nang matanggap ko ang isang text message mula sa STI na iniimbitahan akong muli para sa isang job interview. Ang sabi niya sa akin e wala na yatang mas makakahigit pa sa comeback na gagawin ko ngayon dahil nga sa kilala niya ako bilang isang ma-pride na tao. Isang tao na kahit sampalin mo ng attache case na naglalaman ng sampung milyon, e hindi pa rin titiklop. At ang paglunok ko sa sarili kong pride ay isang maliwanag na senyales lang tungo sa aking pag-lago bilang isang tao.

Tulad nga nga ng motto ng isang animé character, "Hindi ko binabawi ang mga sinabi ko. Iyan ang paraan ko ng pagiging isang ninja", hindi ko rin naging ugali na bawiin ang mga salita kong naka-sakit dahil yun na lang ang paraan ko ng pagrespeto ko sa sarili ko at nagsisilbing patunay ng pagkalalake ko. Pero nakagawa ako ng isang "milestone" sa buhay ko at nakagawa ako ng isang milagro...

BINAWI KO NA ANG MGA SINABI KO.

Mahirap lumunok ng pride. Hindi ko ito sinasabi dahil meron lang nag-utos sa akin, o gusto ko lang pagandahin ang sitwasyon ko sa STI o ano. Ginagawa ko ito nang sa ganon e makapag-simula akong muli bilang isang propesyunal at patunayan sa kanila na hindi sila nagkamali sa pangalawang pagkakataon na ibinigay nila sa akin.

Sa huli, may pride pa rin pala ako. Hehe.

Sa pagpasok kong muli sa STI, alam kong muli akong masusubukan...isang initiation na naman kumbaga sa isang fraternity. Pero nakahanda na ako. At kahit masakit man sa loob ko na muli akong dadanas ng isang malubak na pag-akyat patungo sa batong pinagkahulugan ko noong isang taon, e tatanggapin ko pa rin ang hamon. Hindi man ako kasing-talino ng ibang teacher, o kasing-galing magsalita tulad ng iba, patutunayan ko pa rin ang sarili ko bilang isang guro na magtataguyod sa kabataan natin ngayon.

My only strength and weakness during my stay with STI was my age -- because I was very young way back then. And being young is like using a double-edged sword. On one side, I can get along with the students very well and jive with them, but on the other side, I tend to commit more mistakes and then fail. But I don't want to live with that mentality anymore. And as I grow older next month, I do hope that I could fix that sword and finally be respected by my colleagues and superiors. I am a competitive person, and I'm going to live with that until the day I die.

Muli, salamat po sa pagkakataon. Wala po sa diksyunaryo ko ang salitang "pangako" pero gagawin ko ang makakaya ko para malampasan ang dating SerPol.

Hanggang sa muli.

Friday, April 16, 2010

1,000...CONGRATYULEYSHENZ!

Bakla! Oo, alam ko. Tunog-bakla yung title. (Wag kang defensive, di ikaw ang tinatawag kong bakla! Hehe!) Pero kung nakatira ka sa Earth at meron kang high-tech na bagay na tinatawag na "TV" e malamang alam mo na kung ano ang ginagaya ko diyan sa title na yan. Yan yung sinasabi ng babae sa Wowowee (isang TV show sa tanghali, kung sakaling hindi mo pa rin alam) tuwing mamimigay siya ng tig-iisang libo sa mga napiling audience. Pipila pahalang sa stage ang mga napiling winners at pagkatapos ay isa-isa silang magha-high five (na nakakaawang tignan kapag matanda ang ka-high five niya dahil parang mababalian sila ng buto sa lakas ng "apir") ng nasabing bebot, sabay abot ng isanlibong piso. Sa dulo ng pagsampal ng pera sa palad ng mga pobreng winners, tatapusin naman ito ni babae ng isang malakas at malutong na: "CONGRATYULEYSHENZ!!!"

Mali ang spelling, alam ko rin yun. Huwag kang atribido masyado, di pa ako tapos. Ganun kasi ang pronunciation niya ng "Congratulations", ebidensya lang kung gaano ka-trying hard mag-inggles ang isang pinoy. Tsk tsk.

Eniwey, Beyblade (oops, palala na nang palala), kaya ganyan ang naging title ng entry na ito e dahil sa wakas...naka-1,000+ visits na itong blog na ito! YEBA! At "unique visits" yan, hindi yung katulad ng ibang site count na nadadagdagan lang kapag nagre-refresh ka ng page na parang baliw. Sinong mag-aakala na sa loob ng SIYAM na buwan e makakamit ko na rin ang ika-isanlibong hit na hinihintay ko!...teka, di kaya't antagal nun? Siyam na buwan? Ah, basta! Ang importante e naka-isang libo!

At dahil walang eksaktong topic ang entry na ito, magshe-share na lang ako ng ilang bagay tungkol sa buhay ko ngayon.


PKMN-ph

Hala, Pokémon na naman... Pero teka, teka! Wag ka muna mag-scroll pababa! Basahin mo muna ito. Kakatapos lang ng Official Meetup ng PKMN-ph members nitong April 10, 2010 sa SM Megamall at masasabi ko naman na isa itong "moderate success". Well, maraming bagay kung kaya't nasabi ko yun. Buweno, para mas makuha mo ang "feel" kung anu-ano ang ginawa namin dun, i-play mo lang ang video sa ibaba para makita mo.


Contrary sa sinasabi ng mga di pumunta at ayaw pumunta sa nasabing event, hindi lang naman "plastikan" ang napala namin dun. Dahil bukod sa iyong "stock knowledge" sa pagiging emo at introvert, e masasabi ko ring nagkaroon ng mas matibay na samahan ang mga bata sa PKMN-ph. Higit na mas matibay pa sa pagkakaibigan na napapala lang sa pakikipag-usap sa isang di kilalang tao sa isang forums. Kaya't kahit papaano e nalulungkot pa rin ako sa mga di pumunta sa dahilang "ayoko ng sosyalan" dahil hindi lang naman Pokémon ang pino-promote namin kundi pati na rin ang pakikipag-kaibigan at pakikipag-kapwa tao.

Mabulok ka na lang diyan sa kulungan mo.


Buhay-propesyunal

Wala. Wala. Wala! Wala pa rin akong trabaho hanggang ngayon. Lalo lang akong nananaba dito sa bahay. At habang nananaba ako e nakikita ko rin ang pagtaba ng Meralco at SmartBro bill namin, na kapag pinagsama mo ang halaga e makakabili ka na ng animnapung (60) dosena ng donut.

Di ko alam kung anong ginawang magic ng Meralco at nagtaasan ng isang libo ang bill ng lahat ng mga kakilala ko dito sa subdivision namin at pati na rin sa labas ng Laguna. O di kaya e talagang mataas lang ang konsumo ng kuryente ng mga tao dahil summer ngayon, mainit at walang magawa?

Hmmm...tapos may rotating brownouts pa! Di kaya tumaas ang kuryente namin dahil napabukas kami ng aircon pagkatapos ng mga linsyak na brownouts na yun? Susmeyo kayo!

Mabalik ako sa buhay-propesyunal, ni isang kumpanya na inapplyan ko sa JobStreet e wala pa ring sumasagot. Siguro dahil ngayon pa lang yata matatapos ang cut-off ng online applications nila, o ang leeg ko ang malapit nang macut-off? Tamang-tama, malapit na ang eleksyon. Kapag nasabugan kami sa presintong pagbobotohan namin e wala kaming ipang-gagastos sa hospital dahil wala pa akong trabaho...AAAARRRGGGH!

BIGYAN NIYO AKO NG TRABAHOOOOO! Kahit presidente lang ng kumpanya, pwede na yun! PARANG AWA NIYO NA!

Pero kung inaakala mong pinagsisisihan ko na ngayon ang resignation ko sa dating skul na pinapasukan ko, e diyan ka nagkakamali... Dahil mas gugustuhin ko pang maglakad sa initan at maghanap ng trabaho kesa uminit ang ulo at dugo ko tuwing makikita ko ang isang tao dun.

Tignan mo nga naman ang nagagawa ng "Pride"...


Graduation

At tutal, napag-uusapan na rin lang naman ang "Congratulations", gusto ko ring batiin ang mga kapatid nating nagsipag-tapos na sa college! Natapos na ang inyong pagdurusa; mga walang katapusang pagsusunog ng kilay at nguso, mga lecheng surprise quizzes, mga joke na exams, mga poging teachers tulad ko (ha? may sinasabi ka?), mga madudugong thesis, at ang mga halimaw na panelists! Sa wakas, tapos na...

WELCOME TO THE WORLD OF THE UNEMPLOYED!!! NYAHAHAHAHAHA! SAMA-SAMA TAYO DITO NGAYON! MUWAHAHAHAHAHAHA!

Biro lang. Baka mauna pa kayong magkaroon ng trabaho kesa sa akin. Wag niyong palampasin ang oportunidad na kung saan mabenta pa ang mga fresh graduates sa mga kumpanya (dahil mas mababa ang gagastusin nilang pasuweldo kung puro uhugin pa ang mga empleyado nila, hehehe. Mga demonyong kumpanya...) Huwag na kayong magpatumpik-tumpik at mamasyal pa sa Tagaytay, Puerto Galera o sa outer space. Mag-apply na kayo habang bakasyon pa. Mag-apply na kayo! Mag-apply na kayo!

Mag-apply na kayo!

kayo!

...

ako...

ako...

Congrats, Batch 2010! Mabuhay kayong lahat!

--------------------------------------------------------

Natapos na naman ang isang walang kuwentang entry mula sa akin. Sana ay may napulot kayong "moral lessons" at ipalaganap niyo pa sa mga pulubi na may internet, nang sa ganon e dumami ang aking fans. Ehem, ehem. Malay natin, baka balang-araw e hindi lang 1,000 ang abutin na site visits nitong blog na ito kundi 1,000,000 na!

Mangarap ba ng gising?

Buweno, yun lang muna at i-enjoy na lang natin ang mainit na summer! Hanggang sa muli!

Wednesday, April 7, 2010

Arkadesambo

Ahoy mga kapatid. Masyadong mainit ang panahon ngayon, at wala na naman akong magawa kundi ang humarap sa computer at magliwaliw sa Internet na parang isang batang inosente na di man lang inaalala ang kanyang bill sa SmartBRO... Hehe. Malapit na ring umabot sa 1,000 visits ang blog kong ito, at ngayon pa lang e nagpapasalamat na ako sa mga taong madalas mapadpad dito, kahit sa mga nailigaw lang ng Google.

Anyway, lakas trip lang. Gusto ko lang i-share ang isang chapter ng isang kwento na matagal ko nang sinusulat. Isang kwento na pangarap kong gawing isang visual novel. 2007 ko pa naumpisahan ito, at hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos. Ang title ng story na ito ay "Arkadesambo"; na nagmula sa isang salitang Latin na Arcadesambo na ang ibig sabihin ay: 2 rascals, 2 people of same occupation. Basta ganun. Preview lang naman 'to kaya di ko na masyadong ikukuwento pa ang lahat. Hehe. Wala lang naman akong maisip na i-post kaya ito na lang muna.

Hehe, kahit ang logo ay nakahanda na rin...

Paalala lang. Kahit korni ang kwento ay wag naman sanang nakawin.

Ok, fight! Ah teka, teka...English nga pala ito...patunay lang na hindi ako bopols sa wikang inggles kahit may mga kaunting grammatical errors. Hehe


---------------------------------------------------------

Episode 1: The Black Wing


“Hey old lady, how much does an apple cost?”

“That would be 5 Arkas each…”

“Then how much it would be if I'll take all 5 crates of apples here? Hehehe”

“Well, uhm..”

“Nah, don’t try to think about it! ‘Cause I’m taking ‘em all for FREE! Hahahaha!”

It is just a typical day in Arkadia. A typical day where its residents are being tortured once again. Nothing new. It happens everyday like a daily routine that they need to follow in order to survive in this stinking country. Resistance to the authority will only mean “death” for them.

Gangsters are all over the dusty and hot public market once again and wreaking havoc store-by-store. They kept on snatching every valuable item that they want. It's just an ordinary day. Nothing new. It has always been like this. No one really cares. But a silent vigilante is watching. An unsung hero who's being overshadowed by the Penumbrian force all this time. And he’s lurking from a roof of a certain establishment right now, while watching over the gang.

“Look brother, this lady is one tough bitch to crack!”

“No mister, please don’t take it! We need the money!”

“C’mon, bro! Teach this lady some manners!”

And as the gangster was about to hit the old lady, the shady vigilante jumped in front of him and blocked the blow with his broken sword; a sword known as the Resurgam. He looked up, stared at the surprised face of the grunt and grinned like he is being amused by a stupid, pathetic clown.

“Now, what? You came here just to hurt this old woman?” the vigilante said while staring at the eyes of the gangster. He stared sharply, as if it was sharp enough to stab the heart of the bully.

“I guess you should find a better match for you. Here – I’ll volunteer!”

“W-What the hell? Is that…the RESURGAM?!”

The gangster became horrified at the sight of the only person who can wield the Resurgam skillfully despite of it being broken in two; where the other half of the legendary blade nowhere to be found. It was only him. It was Bradley.

Bradley grinned once again. “I guess I need to introduce myself better, shall I begin?”

Each member started to realize that the “Bradley” they are facing is the same “Bradley Cross” who organized a rebellious group a couple of years back, also known as the “Aegrisomnia”


Aegrisomnia – a word meaning: “a sick man’s dreams”, operated as a secret group of rebels whose goal is to eliminate the corrupt officials of both Arkadia and Penumbra and thwart their evil plans so that they can unite both regions and eliminate the racial discrimination being shown to Arkadia. Bradley was known as the “Black Wing” in this group. But time came when one of Bradley’s members betrayed them and secretly told the Penumbra officials of their goals. Upon hearing the news, Bradley disbanded the group forever and started operating on his own since then; to assault Penumbra and to kill the traitor.


The gang boss named “Neib”, stepped in to confront Bradley as all of his brainless cronies are starting to chicken out.

"And who are you? Some kind of superhero living in a deserted area like this? Hehe!”

“Think you’re funny, fatso?” Bradley replied in an impish tone.

“B-Boss…wait a sec. T-That guy is a menace! Step back. Leave this one to us!”

"So, what?! Nobody messes with the Black Skull Gang!" Neib said while keeping his sarcastic grin on his ugly, evil face. "You’re dead meat, boy!” Neib rushed forward and attacked Bradley, regardless of what the gang member revealed.

Grrraaahh!” Neib yelled while swinging his spiked club, hitting nothing but air.

“Hmpft…I guess you need to shed some of your slabs right now…”

Bradley, with his great reflexes, dodged the attack and gave him a counter-blow to the back of his head. A wallop from the Resurgam so hard, that it feels like snapping Neib’s spine. He's out. The boss fell flat on his face, unconscious, but still alive. Bradley then turned around to face the gangsters.

“Listen to me, sissies. If you still have plans on staying here any longer, I will crush your leader’s head!”

The gangsters carried their pathetic leader and left the place immediately. The people gazed in awe upon seeing the bullies leave. Bradley prepares to leave when he suddenly spotted a shady person lurking behind a stack of wooden boxes.

“Hey you! Stay right th…!” Bradley, with all of his might, tried to grasp the shady person but suddenly disappeared. He looked around, but to no avail. And then suddenly, “Hey, what is this trash?”

The shady person left a piece of paper on the ground with something written on it:


“To liberate Arkadia, we have to

eliminate the Black Wing first”


“Oh crap…” Bradley uttered.

What an odd message. Only a few souls have heard about that codename... Could that person be the traitor he is pursuing? No way. Bradley left the market and decided to retreat to his small house. He started thinking of a plan – a plan to sneak in on Penumbra and eliminate them one by one. But Penumbra is too large and heavily guarded by its military forces. He couldn’t do it alone. There were no answers yet. But there has to be one.

There has to be.

“That’s it…this is getting lamer after each and every day…”

Bradley gave up on thinking and decided to call the day off. Bradley fell asleep, with the candles still lit on.


-End of Episode-