Madaliang Agam-agam

Ang "criticism", kapag mas naunang sinabi sa ibang tao kesa sa iyo, ang tawag doon ay "CRITI-TSISMIS"
_______________________________________________________

Thursday, August 27, 2009

Unconventional = Anti-Conyo / Anti-Jologs

Wala na naman akong magawa...kakatapos ko lang magmeryenda ng pitsa, este "pizzzzzzaaaaa" (sa pagkaka-pronounce ng mga kaibigan nating elitista). Ganun pala dapat ang pronounciation nun, "PiiZZZZaaaAAA!" Kelangang matunog yung letter "Z". Kumbaga parang "Pidza". Parang retarded lang ang tunog. Ah ewan, kung sino bang ungas ang umimbento sa pangalan ng pagkaing iyon e wala na akong pakialam.

Saan na nga ba ako, ayun. Yun pala ang title ng blog entry ko ngayon: UNCONVENTIONAL. Bakit ko nga ba naisipang isulat ito? Wala lang. Kasi nakakaumay na ang mga tao ngayon pagdating sa "taste". Kelangang pausuhin muna ng marami ang isang bagay/produkto bago patukin. Sa mga conyo/elitista/mayayaman/sosyal/social climber, uso ang mga bagay tulad ng Starbucks, Rockwell, Trinoma, Miley Cyrus at FaceBook. Sa mga jologs naman, uso ang Marian Rivera/Dingdong Dantes, Pinoy Showbiz Talkshows, Pulitika, Calamares at Friendster.

Eto ang dahilan kung bakit wala akong pinapanigan sa dalawang kultura ng pinoy ngayon pagdating sa mga bagay-bagay ngayon:


CONYO

Kahit paikut-ikutin niyo pa ang monitor nyo ngayon, di ko pa rin maiwasang maasar sa mga conyo. By the way, in case you haven't heard of the term... amp, ang corny. Tagalog dapat. Eto yung mga Pinoy na nabiyayaan ng swerte pagdating sa pera. Kadalasan ng mga conyo e yung mga college students ngayon na pumapasok sa mga exclusive schools tulad ng at . Batu-bato na lang sa langit. Malamang may titira sa aking conyo pag nabasa nila ito:

"Palibhasa kC Ur a poor man. Duh! Ur juz jealous! Grow up!"

Eto ang masasabi ko sa iyo:

"MUKA MO! Gahasain kita diyan e!" Kaya pala may internet ako ngayon sa bahay at nagsusulat ng blog para ipasak sa utak mo. Hah! Kala mo ha?! (Kahit medyo masakit sa bulsa, huhuhu... T_T)

Ang mga conyo, sila yung mga klase ng tao na binibigyang emphasis ang lifestyle nila bilang mayayaman. So, di sila bumibili ng taho, alamang/bagoong, tinapa at marami pang iba. Di mo sila makikitang namamasyal sa Isettan o sa anumang mall na yun na nasa Quiapo at Avenida. Pag nakita nila ang Luneta, "yuck" ang kadalasang namumutawi sa mga bibig nila. Ang mga kadalasang tambayan ng mga taong ito e sa mga mall katulad ng Shangri-La, Trinoma at Glorietta.

Di rin sila umiinom ng ordinaryong kape lang. Kelangan, palaging "Starbucks" o "Seattle's Best". Syet. Yun yung kape na isang lagok mo lang e, gagastos ka na ng P100.00. Minsan may hawak pa yang dyaryo habang umiinom o di kaya e nakaplastada ang laptop sa lamesa, pilit na pinapatagal ang P100.00+ na kape dahil nakakapang-hinayang ubusin sa isang lagok. Pero ang nakakatawa sa mga konyo e, inuuwi rin nila yung baso ng kape bilang "souvenir". Parang jologs lang din. Sa hilig kumain ng mga Konyong-Pinoy sa mga mamahaling resto e inabot tuloy ng milyun-milyon ang ginastos nila PGMA and her ka-Friendsters ng bumisita sila sa Bayan ni Joe. Anak ng pusang duling naman, oo...

Di rin nanunood ng telenovela/teleserye ang mga konyo. Pag tinanong, kadalasan ang isasagot nilang palabas e yung tipong katulad ng:
  • Prison Break
  • CSI
  • Gray's Anatomy
  • Desperate Housewives
Di nila kilala si Dave Garcia Jr. at si Audrey. Di rin nila kilala si Darna. Di rin sila nanunood ng noontime shows. Naka-cable ang bahay nila, puro mga palabas sa kanluraning bansa ang pinapanood. Yung mga bata naman, nakatutok sa Nickelodeon, na ewan ko ba kung pano bumebenta ang mga cartoons dun, na 'pag tinignan mo naman sa drawing pa lang e puro kag#g*han na. Buti na lang ngayon at nagkaroon na ng tagalized version ang SpongeBob kaya nakilala na siya nga mga jologs.


Pagdating sa pastime, hanep din ang mga konyo. Bukod sa malling, eto ang mga posible nilang gawin:

  • Gym Workout para sa mga lalake (vain ang mga lalakeng konyo, kelangang i-maintain nila ang kanilang mga katawan para handa palagi sa romansa..)
  • Spa/Body Scrub para sa mga babae (parehas lang din ng sa lalake, para handa rin sa romansa, NYAHAHAHA!)
  • Bar-hopping/clubbing: Ah dito, talamak ang one-night stand. Di pa ako nakakapunta sa mga ganitong klaseng lugar, at sa totoo lang gusto ko ring ma-experience yung lalapitan ka ng isang babae at sasayawan ka habang kinikiskis ang pwet nila sa pundya mo. >:) Napaka-wild ng mga konyo.
Ang isa sa pinaka-"distinguishing feature" ng isang konyo e yung kakayahan nilang magsalita ng fluent english, both spoken and written english. Ang lupit mag-ingles, akala mo mga kano. Meron ding mga konyo na sablay ang english at dinadaan na lang sa accent. Kumbaga may "twang"-effect sa pananalita nila. American-English, kuno. Kadalasan din sa mga konyo e umiilaw sa puti ang balat. Alam niyo na naman siguro kung bakit. Pag lumalabas ng bahay, laging may "fly shades" o "shutter shades"- yung mga salamin na magmumuka kang Masked Rider Black pag sinuot mo. Dun nauso yung kasabihan na "Shades can do the trick" kasi maraming konyong babae na magandang tignan pag naka-shades, pero tanggalin mo at kamuka rin ni Pokwang (btw, no offense to Pokwang, mas lovable naman si Pokwang kung titignan mo, seryoso). Pag ang lalake naman ang nakita mong ganitong shades ang suot, wag ka nang magdalawang isip at lumayo ka na...kung ikaw ay lalake, malamang iniispatan ka na niyan sa likod ng salamin niya. In other words: Alagad din siya ng Parlor.


____________________________________________________________________


JOLOGS


Ah, wala akong masyadong masamang tinapay sa mga jologs, kumpara sa mga konyo. Bakit? Kasi lumaki akong di nakakaranas pumasok sa exclusive schools, magmula elementary hanggang college, 50 Pesos lang ang laman ng pitaka ko. Di rin ako nagkaroon ng Playstation o GameCube nung kabataan ko, Family Computer lang at Mega Joy (research niyo ito, hehehe). Nung Grade 3 ako, tumigil na ako sa "service" o yung "hatid-sundo van". Lumaki akong nakikinig sa mga kanta ni Rey Valera at Barry Manilow. 15 years akong nag-aral ng English subject, di katulad ng mga mayayamang bata na natutong mag-english sa kakapanood lang ng SpongeBob.


Sa maikling salita, laki ako sa hirap. LAKI SA UTANG. At di ko ikakahiya yun. Simbolo lang yon ng pagsisikap ng mga magulang ko, sa ibang paraan nga lang.


Ang ayoko lang sa mga jologs e yung kakayanan nilang palakihin ang isang bagay; mapa-showbiz, tsismisan, pulitika etc. Wala silang pinagkaiba sa mga konyo pagdating sa pag-suporta sa mga hilig nila. Kung ang mga konyo e may CSI, ang mga jologs naman ay may Darna. Kung ang mga konyo e may Brad Pitt at Angelina Jolie, may John Lloyd at Bea naman ang mga jologs. Ganun din. Parehas lang mababaw. Nagkaiba lang sa lahi na sinusuportahan. Pero kung titignan kung sino ang mas Pinoy, walang duda, sa jologs na ako.


Ang mga jologs, natural na mga pakialamero at pakialamera. Pilit aalamin kung bakla ba talaga si Piolo at Sam, pilit aalamin kung sino ba talaga ang tatay ng batang pagala-gala sa kalye nila. Pilit na patatalsikin ang kahit sino mang nasa puwesto at may kapangyarihan. Walang kakuntentuhan ang mga jologs.


Dahil nga rin sa mahilig makiuso ang mga jologs, magugulat ka na lang pag pumasok sa bahay ng isa. Aba't sinong mag-aakala na pwedeng magkaroon ng N-Series na celphone ang isang maybahay ngunit di naman napapag-aral sa matinong paaralan ang kanyang anak? Sa squatters' area, marami kang makikita na may DVD sa kani-kanilang mga bahay. Anak ng tyanak, at ang pinakagusto kong pastime ng mga jologs ay SEKS. Oo, SEKS. Rated PG. Mas magaling ang mga kapatid nating konyo pagdating dito, may proteksyon, o kaya e kampanteng makabuntis kasi may pera. Ang mga jologs, mahilig din dito. Kaya tignan mo, wala na ngang pera e anak pa rin ng anak. Parang iniuutot lang ang mga paslit. Kaya siguro ayaw pakawalan ng Pinas ang Spratly's para gawin iyong extension ng bansa natin sa sobrang dami na ng populasyon.


____________________________________________________________________


Ang mga konyo, sobrang nakaangat na ang paa sa lupa. Di na ma-reach. Ni hindi mo na nga malaman kung karapat-dapat pa ba silang tawaging "PINOY" o hinde. Sa kabilang banda naman, mas "Pinoy" tignan ang mga jologs, dahil laging nakatapak ang mga paa nila sa lupa. Yun nga lang, nakatapak lang at di naman lumalakad. Di umaangat. Walang asenso.


Sa pagkahaba-haba ng mga sinabi ko, eto lang ang gusto kong ipahiwatig:

"Pipiliin kong mabuhay sa sarili kong paraan" nang walang sinusundang rekomendasyon magmula sa kahit na sino. Wala akong papanigan sa dalawang kultura na yan, mabubuhay ako bilang isang Pinoy sa sarili kong sikap. Di ako magpapa-apekto sa tinatawag na "STEREOTYPING", dahil wala namang perpektong paraan ng pamumuhay. Mapa-mayaman o mahirap ka pa, e pare-parehas lang naman tayong umuutot at kumakain ng kanin.


Ikaw, KONYO ka ba o JOLOGS???


Ayun lang. Hanggang sa muli.

Tuesday, August 25, 2009

Wag pong babasahin...

Note: This is a repost from my previous Friendster blog dated: July 20, 2009. Read on and enjoy!

____________________________________________________________________

Ang kathang ito e ay pawang kalokohan lang at di dapat seryosohin ng sinumang babasa nito. Sabi nga sa radyo e, bato-bato sa langit, ang tamaan, maitim ang singit. Ehek! Sa mga di masyadong nakakaintindi ng tagalog, pakihanda na ang tissue at manonosebleed kayo.

____________________________________________________________________

Interbyuwer: Magandang araw, mga kaibigan! Ngayon ay makakapanayam natin ang isa sa mga "bagong dugo" ng mga guro ngayon (ayon na rin sa pagkakasabi niya, hehe), at yun ay walang iba kundi si SerPol! Kumusta, SerPol?

SerPol: Ah, hehe. Mabuti naman. *sabay tingin sa celphone*

Interbyuwer: Mabuti naman at pinaunlakan mo ang aming imbitasyon na makakwentuhan ka!

SerPol: Haha, e sino ba namang makakahinde sa sarili niyang trip? Ahahaha!

Interbyuwer: Ah-hehe...hahaha. Sabi ko nga (May mental disorder kasi ang taong ito). Ah, first question. Uhm...what is your motto in life?

SerPol: (ano raw?)

Interbyuwer: ...

SerPol: Ah,haha, gets. Time is gold. *sabay tingin uli sa celphone*

Interbyuwer: Luma na yan e!

SerPol: Papalitan ko yung motto ko, o babalasahin ko ang ribs mo??

Interbyuwer: He, hehehe... Sabi ko nga (napaka-bayolente naman nito...)

Interbyuwer: Ah, ganito na lang. Pag-usapan natin ang mga nangyari sa buhay mo, isang buwan matapos kang sibakin sa trabaho...

SerPol: Ano kamo???!!!

Interbyuwer: Ah, eh, ang ibig kong sabihin e...ano ba yun... yung di na na-renew yung contract mo...hehehe...

SerPol: Ah yun ba? Kala ko naman kung ano

I: (Nyek), di naman pala big deal (whew!). So, bakit ka nga ba natanggal, este, bakit di na na-renew ang contract mo?

S: Ah, kase, merong gustong magpa-goodshot. Ganun lang. Tsaka balita ko, ayaw na nila ng kyut doon, baka nai-insecure sila. :D

I: Bakit mo naman nasabi? Kyut ka ba?

S: Anong sa tingin mo...?

I: ...oo naaaaa....

S: Good.

I: So, saan ka na ngayon nagtatrabaho?

S: Sa isang skul pa rin na di kalayuan sa bahay namin, isang tricycle ride lang

I: Eh yung tricycle ride pabalik...

S: Sasapakin ko na ang muka mo e...

I: Ah, well. (hehe, ang sarap asarin) Ano naman ang maishe-share mo sa amin sa bago mong pinapasukan? Kumusta naman?

S: Ok naman, 100 per hour ako ngayon, di katulad nung sa pinanggalingan ko na 25 Pesos per 1,000 hours. Half-day lang ang pasok ko, kaya medyo mas maliit ang kinikita ko ngayon. Pero ok lang, di naman ako pagod. Dati kasi, ako ang nagbubukas ng gate namin sa umaga at nagpapatay ng ilaw sa gabi.

I: Di ko alam na sideline mo rin pala ang pagiging sekyu?

S: Pili.

I: Middle. Hehe. Next question. Bakit teacher pa rin ang napili mong trabaho? 23 years old ka pa lang, andami pang pwedeng pasukan jan.

S: Ah, kase malapit lang sa amin. Tsaka yung pinapasukan kong skul ngayon, malapit lang sa MiniStop (unintentional advertising), pwede akong mag-Ice Cream tuwing break.

I: Yung dati mong pinapasukan, malapit lang sa Target Mall...

S: E ikaw, malapit nang mamatay

I: Aaack! Sensya na! Naalala ko kasi na Mister Donuts palagi ang tinitira mo dun. Hehe...

S: E yun lang kasi yung sampung piso dun e.

I: Sabi ko nga. Hehe. Next question. Ano ang mamimiss mo sa dati mong skul?

S: Ah, syempre yung mga estudyanteng malalapit sa akin. Mamimiss ko rin yung mga sira-sirang computer, yun ang dahilan kung bakit ako naging MAGALING na guro. At siyempre, mamimiss ko rin ang kali-kaliwang events. Minsan nga nakakalimutan ko na teacher pala ako at hindi payaso. Hehe

I: (Bitter...syet) Ah ganun ba? Haha. E yung mga fans mo dun? Balita ko maraming nagkaka-kras sa iyo dun! *evil grins*

S: Ah yun ba? Nyahahahaha! Nakaka-hiya naman! Hahaha. Wala yun! XD

I: (Utu-uto...) Napaka-humble mo naman! For sure, matutuwa sila pag dumalaw ka uli dun!

S: Mas matutuwa ako kung makukuha ko na ang backpay ko sa susunod na dalaw ko dun. Dami na naming utang e...

I: Hehehe, (sabi ko na e). Ibahin natin ang usapan. Bukod sa pagtatrabaho, anu-ano ngayon ang pinagkakaabalahan mo?

S: Ahhh, ano nga ba... Nanonood ng sangkaterbang anime. PSP at DS bago matulog.

I: Huwaaaattttt!!! Nanonood ka ng anime???

S: Ano namang masama dun? Kesa naman manood ako ng Zorro o kaya e Rosalinda...

I: Ah hehe, idol mo rin pala si Naruto!

S: Ah oo dati, nung nagka-Kagebunshin pa ako. Pero di na ako interesado sa mga anime ngayon na gasgas na. Puro underrated ang pinapanood ko. Nakakasawa na, puro na lang Naruto, Naruto, Naruto...

I: Ah siguro nanonood ka ng henta....

S: SSSSSSSSHHHHHHHHHH!!!!!

I: :D Hehe. (hule!) May naalala akong tanong, Ano ang most unforgettable experience mo bilang isang teacher?

S: Nung nakakita ako ng T-Back habang nagtuturo.

I: Huwaaaaaatttt??!! (Napakasama mong ehemplo!) Kelan naman nangyari ito?

S: Di ko na matandaan. Basta ang naalala ko lang e kulay red...

I: Lagot ka sa girlfriend mo!

S: Ah oo nga pala! Kumusta nga pala sa gf ko na si Maye na kasalukuyang nagbabasa nito. Luv u po! *nanginginig ang ngipin*

I: (Ambaduy...amp!) Haha. Kumusta naman kayo ni Maye? Kayo pa rin ba?

S: Oo. Sa awa ni Batman. Apat na taon na kami.

I: Mukang may umiiyak ngayon habang binabasa ito.

S: Wag mo nang sabihin. Nakikiramay ako. Di pa ako uli single. :D

I: Ahehehe. Masyado nang mahaba ang napag-usapan natin. Any parting words?

S: Ah oo. Maraming salamat uli sa pagsubaybay sa akin, kahit alam kong iilan lang kayo diyan at mabibilang ko sa daliri ko. Para sa akin, malaking bagay na na merong interesadong makaalam tungkol sa buhay ng pobreng nilalang na ito. Maaaring di tayo nagkakakwentuhan ng madalas pero asahan ninyo na babalitaan ko kayo sa aking blog paminsan-minsan.

I: Mensahe mo sa mga taong galit sa blog mo?

S: Two Words. (Hindi po ito mura)

I: Ayos ah, yun lang ba?

S: Oo, yun lang, may itatanong ka pa ba? *sabay tingin sa celphone*

I: Wala na, teka, bakit ka ba tingin nang tingin sa celphone mo?

S: Ah kasi, inoorasan ko yung sinaing ko e. Ayan,inin na! Hehehe...

I: Susmaryosep...

- end -

Thursday, August 13, 2009

Wala akong magawa...

Pambihira talaga ang buhay, nakakayamot...pero gusto ko pa ring mabuhay, hehe.

Andami kong gustong isulat pagkatapos nung huling entry ko about President Cory's death, pero biglang nawala lahat. Anyway, ano pa ba ang nasa plano kong isulat? Hmm.

1.) My Favorite Animés

Eto ang pinaka-unang naiisip ko. Ewan ko ba, pero para akong bata uli na naloko sa animé. Pero wag kayong mag-alala, di ako kasama sa kulto na sumasamba kay Naruto. Ang mga trip kong animé e yung mga tipong di masyadong kilala ng Pinoy. Nauumay na kasi ako sa mga bukambibig ng mga tao na Naruto, Naruto, Naruto, Naruto! Kapag kasi ganito, malaki ang tsansa na masyadong "overrated" ang isang animé at di siya ganun kaganda base sa mga narinig mong feedback. Kaya gusto kong dumiskubre ng animé na susundan ko nang walang rekomendasyon galing sa mga mahilig makiuso.

2.) Top 5 Detective Games for the Nintendo DS

Ah eto pa isa, nahihilig din ako sa mga ganitong klase ng laro (at animé na rin, pero di ako nanonood ng CSI at mga kaparehas na palabas dahil di ako makaintindi ng english. C'mon, cut me some slack, dude...). Isang araw kasi, biglang may sumabog na liwanag sa loob ng utak ko at nasagot ko ang katotohanan sa likod ng kwento ng isang "online friend", na diumano'y nagpakamatay na raw. Nakakatuwa lang, dahil bukod sa nalaman kong buhay pa siya, e nadiskubre ko ring nakakasulasok ang TUNAY niyang muka at kasinungalingan lang lahat ang mga PICTURES na pinapakita niya sa web.

3.) Unconventional

Dito ko tatalakayin ang aking pagiging "unconventional" na tao. Bakit di ako nanonood ng Naruto, Boys over Flowers, at Rosalinda. Bakit di ako naglalaro ng DotA (na kinabubuwisitan ko dahil bukambibig na ng mga HENYO kong estudyante). Bakit isang beses pa lang akong nakapunta sa Trinoma. Bakit nung 22 years old na ako nagkaroon ng camera phone. At higit sa lahat, bakit ako galit sa mga konyo at mga elitista.




'Nga pala, gusto ko ring mag-share ng mga photos. Eto yung unang beses akong nagpunta ng Trinoma kasama ang girlfriend ko para mag-date (sobrang cheesy talaga!). Itong kakaibang date na ito ay naganap noong August 8, 2009 (sensya na kung masyadong tagalog, alam kong umuusok na ang mata mo, hehehe)


Ah, hehe, nagkaroon ng bagsak-presyo sa Power Books Megamall branch nung araw na yun kaya sinamantala ko na ang pagkakataong makabili ng Detective Novels. Dati kasi, pahiram-hiram lang ako. Pero eto, nakabili na ako ng dalawa sa halagang P200.00 lang. Binabasa ko na ngayon yung Nightcrawlers ni Bill Pronzini, at so far, nasasakyan ko pa.
NOTE: Di ako nakakabasa ng english ha?

Eto po ang aking pinakamamahal na prinsesita. Sa totoo lang, kaya kami nag-date e para punan yung pagkukulang na nagawa namin sanhi ng "long distance relationship". Kaya ayun, enjoy naman, kahit parang napudpod yung paa ko sa kakalakad magmula Guadalupe, papuntang Trinoma, tapos Megamall...aray ko po...

Hehehe...kaya ako galit sa mga sosyal e. Napagastos ako dito ng P200.oo mahigit para sa lunch namin. Buti na lang at sinagot ng prinsesita ko yung mga meryenda namin pagkatapos. :D





Ciao, hanggang sa susunod!