Madaliang Agam-agam

Ang "criticism", kapag mas naunang sinabi sa ibang tao kesa sa iyo, ang tawag doon ay "CRITI-TSISMIS"
_______________________________________________________

Thursday, September 24, 2009

Top 5 Emo Dialogues...ayon kay SerPol V_V

Marami nang nakapansin at nagtatanong kung bakit napakahaba ko raw mag-blog. Well, uhm, kasi...ahehehe. Di ko rin alam e. ;P Mangyari lang kasi na napakarami kong gustong sabihin kaya binubuhos ko na lahat sa isang bigayan lang. Kumbaga parang Manny Pacquiao lang, casual-casual lang pag walang laban, pero pag may fight contract na tsaka aarya. Haha! nakita niyo ba ang koneksyon kay Pacquiao? Ako kasi hinde e. Basta ganun, wala na lang basagan ng trip. :D

Ah, ang iba-blog ko (ampanget ng ispeling, parang "ibabalibag") ngayon e tungkol sa mga "tropapips" nating naka-one side ang bangs at nakatakip na sa kalahati ng muka niya, with matching eye liner (na ninakaw mula sa kikay kit ng mga lola nila) at itim na kuko (ewan ko lang kung "pinatay" na kuko ba yun o yun ba yung pangkulay ng kuko? Ano nga ba ang tawag dun? Cutex, kyutix, kwitis? Ay, linsyak, ewan ko!).

Di ko na lalaliman pa ang pagpapaliwanag tungkol sa phenomena na ito na usung-uso ngayon sa mga kabataan: ang EMO. Tsaka kahit naman anong paliwanag at pag-describe ko sa "EMO" e isa lang ang makukuha kong sagot mula sa kanila:

"Di mo maiintindihan ang mga katulad namin...patay na ang mga puso namin...sa iyo buhay pa"

Ano daw? Kelan pa naihalintulad sa isdang tilapia ang puso ng isang tao...syet naman oh! As in SYET naman pareh oh!

...

ay, Rated PG nga pala dapat. Ehehehe...nahawa kasi ako sa mga rakistang bungal e... :P

Anyways, eto na yung Top 5 Pinaka-sikat na EMO lines mula sa mga suicidal na EMO "dudes" natin:


5.) I am useless... / Wala akong silbi...

- Ito ang unang linyang masasambit mo oras na tumapak ka na sa mundo ng mga mahihilig sa itim... Pakiramdam mo kumbaga, e wala ka nang silbi...ni magsuot ng sapatos na Chuck Taylor, magsuot ng mga tshirt na may "creepy" na mensahe at skinny jeans, mag-wax ng mahaba mong buhok, magkulay ng mata at kuko, at kumanta ng mga EMO songs, e parang di mo na magawa... Nakakalungkot. Nakakaiyak. Gusto mo nang mamatay...

Pero sabi nila, ang tawag daw sa mga ganyan e "Posers". Mga mahihilig siguro mag-pose...dapat na daw silang mamatay...lahat daw tayo, dapat ng mamatay...ah, kampon ng kadiliman, layuan mo ako!


4.) Nobody loves me... / Walang nagmamahal sa akin...

- Pag pakiramdam mong wala nang nagmamahal sa iyo at parang feeling mo gusto mong magrebelde, malamang, EMO ka na. Eto yung pakiramdam na parang pinagsakluban ka ng langit, lupa at impyerno...im...im...impyerno...saksak puso, tulo ang dugo... ay, mali, ba't naglalaro na ako dito...ang tanga ko... ang tanga tanga ko...kaya wala nang nagmamahal sa akin...kasi tanga ako...di na nila ako mahaaaaal... Nakakalungkot. Nakakaiyak. Gusto ko nang mamatay...

Ngayon ko lang napagtanto na ang larong pambata na "Langit-Lupa" e meron pa lang bahid ng pagiging EMO...buti na lang at di na uso ngayon yan, dahil imbes na maghabulan sila sa labas e naghahabulan na lang sila sa mapa ng DotA...


3.) I am a nobody... / Ay want nobody, nobody bat chu...

- Eto yata yung usong kanta ngayon...I want nobody, nobody bat chu...I want nobody nobody bat chu...ermagkanoTVmo, sukikananginamo...I want nobade-nobade, nobade nobadeh! Ay mali...iba pala yun... Bakit ba usung-uso yang kantang-koreano na yan?! E wala namang maintindihan diyan kundi yung "I want nobody, nobody bat chu"... ugh... Pero sa akin, wala silang pakialam... Wala silang panahon para pakinggan ang isang katulad ko...ang awit ng puso kong napupuno ng kadiliman... Parang di na nila ako nakikita... Nakakalungkot. Nakakaiyak. Gusto ko nang mamatay...

Kunwari pa yang mga emo na yan...pero sa loob nila e sumasayaw din naman sila ng "kampay kampay ng hintuturo--turo sa audience/angat ng tuhod--sabay palakpak-turo-palakpak uli" tuwing makikita nila ang mga Koreanang naka-gintong damit...syet...


2.) My life has no meaning / Walang halaga ang buhay ko...

- Pag nararamdaman mong wala nang ibang pupuntahan ang buhay mong sawi...pag pakiramdam mong unti-unti nang sinasakop ng kadiliman ang puso mo... EMO ka na. Parang kulang na lang e may mag-regalo sa iyo ng dictionary para malaman mo ang meaning ng "life"... At kahit anong paliwanag ang sabihin sa iyo ng mga pari, madre, pastor at arsobispo, e tila wala kang maintindihan...o TALAGANG AYAW MONG INTINDIHIN...dahil nagsara na ang utak mo dahil sa dami ng itim sa katawan mo... Nakakalungkot. Nakakaiyak. Gusto mo nang mamatay...

Ngayon ko lang din na-"gets"... EMO rin pala sina Freddie Aguilar at Rey Valera...at lahat ng songwriters na gumamit ng linyang "Walang halaga ang buhay ko..."


1.) I just wanna die... / Gusto ko nang kumandidato...este, gusto ko nang mamatay...

- Eto na ang pinaka-matindi...kumbaga, eto na ang culminating activity ng lahat ng mga demonyo sa utak mo...gusto mo na talagang mamatay! Wala ka nang silbi sa mundo, walang nagmamahal sa iyo, walang pakialam sa iyo ang mga tao, at walang halaga ang buhay mo...So ano pang hinihintay mo? Sakay na! Super Ferry, talagang trip kita (palubugin)! Ay amp, ba't ko ba ginagawang katatawanan ang KAMATAYAN...? Kaming mga EMO, maaaring buhay pa nga kami, pero patay na ang mga puso namin...oo, gusto na naming mamatay...pero nakakatawa lang at HANGGANG NGAYON, e buhay pa rin kami... Drama lang naman talaga to... sasabihin lang naming gusto na naming mamatay pero sa totoo lang, natatakot kami sa kinakalawang na blade, mataas na buildings at Boom na Boom/Star City carnival rides. Takot din kaming uminom ng lason, kaya sleeping pills na lang, kaso hindi effective kaya buhay pa rin yung iba... OO! Gusto na naming mamatay! SYET! Gustong-gusto!

Kaso pag namatay kami, di na kikita ang Dickies, Tribal at iba pang clothing lines na puro mga EMO ang mga suki! Di na rin sisikat ang Typecast at iba pang emo-bands dahil wala nang makikinig sa kanila! Di na rin kikita ang mga baklang parlorista na naghahawi ng bangs namin at nagkukulay ng kuko namin! Di na kakalat ang fashion statement ng EMO! Pano pa namin mapapalaganap ang kulto namin na sumasamba kay Marilyn Manson? Papano na? Papano na? Kaya ang ituturing na lang naming patay e ang mga puso namin para may palusot... dahil ang totoo niyan, kaming mga EMO, E TAKOT MAMATAY!

-------------------------------------------------------------------------------------------------

Nawa'y may napulot kayong aral sa entry na ito...maya-maya lang e magpakakamatay na ako, update ko kayo mamaya ha? Kita-kits!

"TO GOD BE THE GLORY"

Friday, September 18, 2009

Bakit Pagtuturo? Part 2

Ang isa pang pasanin ng isang guro e ang kapwa niya guro. Malamang alam mo na ito, dahil hindi lang naman sa loob ng faculty room uso ang siraan o ang "backstabbing". Talamak yan, at mas prone kang mabiktima ng mga ganyan kapag baguhan ka pa lang. Titirahin ka ng mga gurang na titser dun pag nakatalikod ka. Kung anu-ano ang sasabihin tungkol sa iyo, kahit alam mong sa sarili mo na mas maraming estudyante ang nakikinig at natututo sa iyo kesa sa kanila. Meron ding mga "epal" na teacher. Yung tipong pinanganak habang nanonood ng talk show yung mga nanay nila. Andaming sinasabi, andaming suggestions, pero wag ka; sa oras ng gawain, sila ang unang nawawala. Akala mo Ninja na biglang naglalaho sa usok. Meron ding mga "pampam" na teacher, yung tipong gagawin ang lahat para mapasaya ang f*ckulty room. Anjan yung magpapatawa gamit ang green jokes na natutunan niya sa mga gay bar, didighay ng malakas, uutot, at mang-"ookray" (NOTE: Gawain ng mga bading) ng mga kapwa niya teacher.

Pero di lang naman puro paghihirap ang nararanasan ng isang teacher. Enjoy ding magturo, lalo na pag kasundo mo na ang mga estudyante. Minsan pakiramdam mo, para na kayong isang buong pamilya. Nagiging informal na ang learning, pero nagiging effective. Dahil imbes na ituring nilang pasakit ang subject mo e ituturing nila itong bonding time at magpaparticipate sila sa mga ginagawa mo, na para bang nagiging parlor games lang ang board work at quizzes mo. Ewan ko lang kung ganito ang ibang teacher, pero eto ang naexperience ko. Ito ang dahilan kung bakit may tumatanda na sa linyang ito. Malamang nagkaroon ka na ng titser na 70-anyos na. Yung tipong, SANGBUL (isang bulate na lang ang pipirma). Di niyo ba naisip kung bakit sila tumanda doon at hanggang ngayon e nagtuturo pa rin sila? Simple lang ang sagot: Nageenjoy sila sa ginagawa nila.
----------------------------------------
Kung isa ka namang binata, POGI at MATIKAS na guro katulad ko (EHEM! Ang kumontra, PANGIT!), e mag-eenjoy ka rin! Bakit? Kasi magiging popular ka sa mga dalaginding ng iskul na pinapasukan mo. Ako bilang isang batang guro, marami na akong naexperience...

COMMERCIAL BREAK: Bago ituloy ang pagbabasa, nais ko lang linawin na kahit kelan, as in kahit kelan, di ako nagkaroon ng relasyon sa isang estudyante (syempre sa babae, ano ako? Si Titser Swarding?)! Iyon ay paglilinaw lang po. Hehehe.

Bilang isang lalake, nakakataba ng puso kapag:
  • Tinitilian ka sa klase pag nagsuot ka ng damit ala-John Lloyd
  • Aamin sa iyo ang isang estudyante na kras ka niya (AWWWW!)
  • Hihintayin kang lumabas ng classroom, masulyapan ka lang nang matagal
  • Isasayaw ka sa mga parties (NOTE: Babae ang magsasayaw sa iyo, san ka pa?)
  • Bibigyan ka ng love letters
  • O kapag di love letters, mag-iiwan sila ng sweet messages sa likod ng test booklet nila para mabasa mo pagkatapos mong check-an (kahit bagsak ang score)
O di ba? Nung estudyante pa lang ako, walang pumapansin sa akin. Pinalalagpas lang ako ng mga tsiks. Pero ngayon? Mwahahahaha! Ano ka? Ano ka? (habang tina-type ko ito, e kumahol ang aso namin at kumulog ng malakas) Biro lang ang mga iyon. Hehe. Di ka naman dapat pumasok sa pagtuturo kung babae lang ang habol mo. Isa pa, bawal yun. May ethics din namang sinusundan ang mga guro.

Ang pinaka-importanteng bagay na makukuha mo sa pagtuturo ay ang RESPETO. Dito mo na mararanasang tawaging "Sir / Ma'am" o "SER / MAM ". Tulad ko, "SERPOL". Kung sa kumpanya ka papasok, ang tatawag lang sa iyo ng "Sir" e yung sekyu at mga maintenance ninyo (unless Presidente ka ng kumpanya, lahat ng mga tao dun, kasama na ang mga bangaw at lamok, e tatawag sa iyo ng "SIR!") Maraming bata ang titingala at iidolo sa iyo. Yun ang importante. Dahil ang pagiging teacher ay di lang naman natatapos sa loob ng classroom. Di lang tungkol sa mga teoryang naituro mo; kundi kung pano mo nabago ang buhay nila.

At sa oras ng Graduation nila, ikaw ang magiging pinakamasayang tao, dahil ang mga punlang itinanim mo e nagbunga na. Kahit mahirap magpaalam, alam mo namang naibigay mo ang dapat mong ibigay sa mga estudyante at kampante ka na na mapagtatagumpayan nila ang kahit ano pang mga pagsubok sa labas ng silid-aralan.

Gusto kong i-share sa inyo ang isang "love letter" na iniabot sa akin ng isang estudyanteng babae kaninang umaga bago mag-uwian. Ulit, huwag sanang bigyan ng ibang kahulugan ang inyong mababasa. Ito ay isang liham mula sa isang babae na umabsent sa klase ko dahil marami siyang problema sa buhay. Madalas siyang nagkukuwento ng mga saloobin niya, kasama na ang kanyang love life at marami pang iba. Ang mga susunod na linya ay excerpt mula sa kanyang liham na isinulat sa isang maliit na piraso ng yellow pad. Ito ay nasa orihinal na konteksto; letra-por-letra, at kasama na ang mga maling spellings at grammars:

pasensya na po. I'm so sorry Sir for my short commings. Hwag nyo po sana iwan ang I.T. Yung batch namin pls T.T sana po hanggang secondsemmester kayo pa rin po teacher namin. pasensya na po talaga sir...T.T Ingat po paguwi we love you sir as our teacher, eldest brother, and our second father...^_^

Nakakataba ng puso kapag nakakatanggap ka ng mga ganitong salita. Hindi araw-araw e nangyayari ito sa isang tao, at nagpapasalamat ako na minsan sa buhay ko bilang isang titser, ay may na-touch akong buhay. Mahal ko ang trabaho ko...at mahal ko rin ang mga estudyante ko. At kahit dumating ang araw na di na namin maaalala ang isa't-isa, lagi ko pa ring maiisip na:

"Syet. May kwenta rin pala ako. Kahit papaano ay may nagmamahal pa rin sa akin"

Bilang pagtatapos, nais kong i-share ang kantang "Kasumi" na inawit ng isang Japanese rock star na si 369 Miroku. Ginamit ang kantang ito sa anime series na "The Daughter of Twenty Faces" at sinimbolo ng kanta ang paghahanap ng isang "ama" sa kanyang "anak" na tuluyan ng lumaki at iniwan siya. Inaalay ko ito sa lahat ng mga naging estudyante ko.

Maraming Salamat.



* Pagpasensyahan na rin kung medyo kamukha ni Tado yung singer...hehehe.

View the Lyrics (w/ English Translation) @ Deciphered Lyrics

Bakit Pagtuturo? Part 1

Minsan, nahihiya akong sabihin kung anong trabaho ko lalo na sa mga dati kong kaklase noong highschool at college. Di kasi maiiwasan, lalo na kung makakasalubong mo sila sa labas habang tumitingin ka ng mga nakaw na cellphone na binebenta sa mga stalls sa mall. Yung iba kasi sa kanila, asensado na. Kakausapin ka pa ng inggles. Merong mga programmer, manager, businessman (tindero ng panty, ehek), engineer, call center agents, business processing officers at marami pang iba. Nahihiya rin akong sabihin ang trabaho ko sa mga kaklaseng hindi umasenso. Aalukin ka pa ng kung anu-ano, tulad ng drugs at laman (joke lang). Merong mga adik, pusher, batang ina at ama, tambay, janitor (ops, walang problema dito. Dangan lang at sila yung dating balasubas nung nag-aaral pa kami), prosti, bugaw at marami pa ring iba.

Pero ako, bakit ako naging ganito? Bakit ako naging TEACHER?

Hanggang ngayon, nahihirapan pa rin akong sagutin kung bakit. Kung tutuusin, pangatlong taon ko na ito bilang isang College Teacher. Dumerecho na ako sa pagtuturo pagkatapos ng kolehiyo kaya kahit uhugin pa ako at naglalaro pa rin ng Pokémon, e humaharap na ako sa mga bata bilang palabigasan ng kaalaman.

Ang unang dahilan ko kung bakit ako pumasok sa pagtuturo e dahil wala akong mahanap na ibang trabaho. Haha. Di naman sa walang gustong tumanggap sa akin, pero ewan ko ba. Pagka-graduate ko, nag-apply ako sa tatlong call center pero ni isa, e wala akong naipasa. Uutal-utal daw akong mag-inggles. Pero ok lang, alam kong uutal-utal rin naman ang mga CSR pagkatapos ng trabaho e, mwahahaha! (Bitter mode) Isa pa, akala ko ang pronunciation ng Arkansas e Arkansas talaga, yun pala Arkanso. Nak ng tinapang hilaw. Nag-apply din ako sa premyadong kumpanya na Accenchuchure. Kaso dumugo ang kili-kili ko sa kakasagot ng exam dahil bobo ako sa math. Nag-apply din ako sa isang bangko, Alyansa Bank, pasado naman kaya lang 48 years bago nila pinaalam sa akin na pasado ako at for final interview na. Nag-apply din ako sa isang big time na insurance company, di ko na sasabihin ang pangalan, hehe. Pasado din ako sa exam at interview. Kaso, yung final interview, alas-dose ng madaling araw kinabukasan kaya di na ako nakapunta. Aba'y balak pa yata akong gawing call boy ng mga walangyang yun.

Kaya ayun, dito ako bumagsak. Naging teacher na LANG ako.

Madali namang pumasok sa pagtuturo. Sige, bibigyan kita ng tips. Sana sundin mo ha?

  • Una, madali lang naman yung exam. Yung parang NSAT lang. Maraming bilog tapos kukulayan mo lang ng itim, gamit ang iyong pang-grade 3 na Mongoloid Pencil. Di naman mahihirap yung mga tanong. Psychological test lang. Ang kalibre ng mga tanong dun e yung mga tipong: "Gusto mo bang mamatay? YES or NO?"
  • Pangalawa, madali lang din ang interview. Ang posible lang na mga itanong sa iyo e kung nasa puso mo ba talaga ang pagiging isang guro. Madali lang ang sagot. Paplastik ka lang ng "Opo, in may hart, ay em olways ey titser", ayun tipong ganun. Parang pang-pageant lang ang sagot.
  • Kelangan mo ring maghanda para sa isang"teaching demo". Eto yung ipapakita mo sa kanila kung pano ka magturo, at yung mga faculty ng school na yun kunwari ang magiging estudyante mo. Dito lang mahirap, kasi pagkatapos mong magturo, bibigyan ka nila ng sandamakmak na mga comments na kala mo kakatapos mo lang sumayaw sa audition ng StarStruck. At pag tapos na sila sa panglalait ng demo mo, e tatanungin ka naman nila ng sangkaterbang mga tanong. Kaya payo ko lang sa iyo, bilang kaibigan; ang i-demo mo e yung HINDI NILA ALAM. For example, 3D Animation using MS WORD (kung ang magpapanel sa iyo e mga IT instructors) o di kaya e pano iko-convert ang Kilometers into Fahrenheit. Ganun.
  • Pagkatapos ng lahat-lahat ng mga yan, kakamayan ka nila isa-isa na tila para kang isang kandidato sa eleksyon. Sabayan mo lang ang pagkamay sa kanila ng pamatay mong NGITI (siguraduhing nag-toothbrush ka ng 10 beses bago ang demo mo).
  • Di mo malalaman kung tanggap ka na kagad on-the-spot. Sasabihin sa iyo ng lead panelist na "Tatawagan ka na lang namin for your final interview". PATAY! Kadalasan, pag ganyan ang sinasabi, ibig sabihin, di sila na-impress. Pero wag mawalan ng pag-asa! Sa halip na maghintay ng tawag, ikaw ang tumawag ng tumawag sa kanila at i-follow up mo ang application mo na parang nagfa-follow up ka lang ng order sa MaKdo. Makukulitan sila sa iyo, at tatanggapin ka na!
  • Para mas mapabilis ang aplikasyon mo, pwede mo ring pilayan yung mga dati nilang faculty, o di kaya e gawan mo sila ng eskandalo (yung tipong sex scandal, parang Hayden Mho). Ang katapus-tapusan niyan e, magkakaron na ng spot para sa iyo, dahil matatanggal sa trabaho yung biniktima mo, >:)
Madali lang maipasa ang application, pero para ka namang magbibigti araw-araw pagpasok mo. Bakit? Wag mo nang itanong at baka abutin tayo ng Rebelasyon. Unang-una diyan ang mga pasaway na estudyante na unti-unting kukunin ang kabataan mo. Bibigyan ka nila ng maraming puting buhok at di mo na mamamalayan na 2020 na pala dahil mauubos ang oras mo kakabalibag ng upuan at whiteboard (o blackboard kung sa elementary at highschool ka magtuturo) sa sobrang inis mo. Hindi naman lahat pasaway at mga bobo, may mga matatalino ding estudyante. Pero kung ako ang papipiliin, mas gugustuhin ko nang turuan yung walang alam kesa naman ilampaso ka ng isang estudyante dahil araw-araw ka niyang ikokorek sa klase mo.

Mahirap din ang maging titser, dahil bukod sa pagtuturo e may ipapagawa pa sa iyong sangkaterbang mga bagay sa free time mo. Dito mo matututunan ang totoong ibig sabihin ng salitang "Multi-tasking". Andyan yung gagawin ka nilang, animator, production assistant, dancer at singer (oo, di ka nagkakamali, lalung-lalo na sa mga Christmas Party), janitor, security guard, game show host, programmer, newswriter at marami pang iba. Hindi nakikita ito ng mga estudyante, iyon lang ang masakit. Dahil ang tingin lang nila sa mga guro e tau-tauhan at BERDUGO ng iskul na pinapasukan nila.

Tuesday, September 8, 2009

Ready, Get Set... Mamatay kayong lahat!

Player 1: Tao ba ito?

Player 2: Hinde!

Player 1: Hayop?

Player 2: Hinde! (Hayop ka rin!)

Player 1: Lugar?

Player 2: Hinde!

Player 1: Bagay? Pagkain?

Player 2: Hinde! HINDE!

Player 1: Pangyayari?

Player 2: Hinde!!!

Player 1: Pu^@%81%@ naman e! E ano ito?

Player 2: HINDEEEEEEE!!!!!!

____________________________________________________________________

Yan ang usong laro ngayon sa noontime show na Eat! Bulaga; PINOY HENYO. Nakakatuwa siyang panoorin, lalo na kung puro tanga yung mga kasali. Kadalasan sa mga sumasali e, mga mag-syota, mag-asawa, mag-ina, mag-kapatid, mag-katrabaho, mag-amo, o kahit ano pa mang relasyon na pwedeng magkaroon ang dalawang tao, wag lang mag-kaaway dahil baka mag-murahan lang sila dun. Di ko lang talaga alam kung ano ang pamantayan nila sa pagpili ng mga contestants. Siguro, sinasadya talaga nilang pumili ng mga tanga para maging nakakatuwa ang show. Biruin niyo nga naman kung talagang mga "henyo" ang pinalaro nila. Napaka-lakas ng deductive reasoning ng mga genius, di mo lang alam:

Player 1: Tao?

Player 2: Oo.

Player 1: Pinoy?

Player 2: Oo!

Player 1: Sikat?

Player 2: Oo!

Player 1: Richard Gutierrez!

Player 2: OO! KYAAAAAAAHHH!!! (Nabakla bigla yung dalawang contestants)


Nakakatanga nga namang panoorin yung ganung klase ng mga tao na kayang sagutin yung pinapahulaan sa kanila sa loob lamang ng 10-20 seconds. At eto pa ang matindi, lalong di nila pwedeng palaruin ang mga psychics at clairvoyant katulad nila Madam Auring at Nostredamus dahil panigurado, mauubos ang pera nila sa papremyo!

Player 1: Aaaahhhhmmmmm...

Player 2: Oo...

Player 1: Darna?

Player 2: OO!!! MWAHAHAHAHAHAHA! (Biglang tumawa na parang demonyo)


Wala nang kwenta ang show pagka ganon. Di na nag-enjoy ang mga televiewers; mas lalong di sila mag-eenjoy dahil pinakawalan na kagad nila yung 20K ng ganun-ganon lang. Nakakatawa talaga ang mga ganyang game show. Di mo malaman kung pa-talinuhan o pa-bobohan. Kaya di na ako magtataka kung tinatawag tayong bobo ng mga dayuhan.

Ok sa akin ang mga game show. Malalaman mo talaga kung sino ang may utak. At yung perang mapapanalunan mo dun e, worth it naman talaga. Pero kung ang game show e,
  • ibibitin ka patiwarik (sa 76th floor ng isang building)
  • ikukulong ka sa bahay ni KUYA ng tatlong buwan (kahit abutin ka pa ng putukan sa bagong taon at kahit makita pa ng buong bayan kung gano kaitim ang singit mo)
  • i-isolate ka sa isang isla kasama ang ibang contestants na gahaman sa pera (kelan pa nagkaroon ng video camera at laging bagong-paligong host sa isang "ISLA")
  • pakakainin ka ng "ari" ng octopus (at iba't-ibang bagay pa na di naman dapat ipasok sa bituka ng isang tao)
  • o di kaya ay pasakayin ka sa lumiliyab na kotse at dapat makawala ka sa loob ng 10 seconds (minsan, naka-kadena pa ang contestant sa loob ng kotse, gagawin ka nilang Ghost Rider)

E talagang mapapaisip ka. Sino ba talaga ang nakikinabang kanino? Ang contestant ba na mananalo kapalit ng mga ka-&@&^hang pinag-gagagawa niya sa contest na yun? Ang mga manonood ba sa telebisyon na walang ginawa kundi laitin ang contestants na akala mo, kaya nilang gawing lahat ng napapanood nila? O ang mga TV stations na nagpapalabas ng mga ganung palabas?

Parang ganito lang kasi ang premise ng mga "reality" shows ngayon (Talagang reality, kahit hindi kapani-paniwala ang mga pinapagawa sa mga contestants):

"Gusto mo ng PERA?? Sige, DILAAN MO MUNA ANG SAPATOS KO!"

Di ko alam kung tatanggapin ninyo ang ganitong argumento o hindi, pero bahala na kayo makipag-plastikan sa mga kunsensya ninyo, at blog ko naman ito, kaya walang basagan ng trip. Di ko rin talaga alam kung pagtulong ba talaga ito sa mga nangangailangan ng tulong-pinansyal o bagong paraan lang para makakuha ng bagong artista.

Speaking of bagong artista, napansin niyo ba na yung mga dating contestants sa mga reality show ngayon e nagiging artista na (di kasali ang mga artista-search tulad ng StarStucked at Star Circular Quest dahil sobrang obvious naman)? Ayos nga e, di mo na kelangang pumasok sa nga acting/dancing/singing workshop dahil yun palang sinalihan mong show e siya na mismo yung "workshop" mo. So, imbes na magpakita ng iyong "tunay na sarili" e nahahaluan na pala siya ng acting, dahil matalo ka man sa laro e pwede ka pa rin nilang kuhanin bilang artista.

Alam kong ge-gyerahin ako ng ilang makakabasa nito dahil adik na adik sila sa mga pinapanood nila, pero di niyo alam, minsan ko na ring pinangarap na mapasali sa show na Pinoy Big Buddah (sensya na mga ka-nguso, mas ok naman sa bahay ni BRO, may aircon pa!). Gusto ko kasing makilala ng ibang tao. KSP kasi ako e. Dati iniimagine ko; pano kaya pag sumapak ako ng isang housemate dun on live television? Wala pang nakakagawa nun dahil di naman talaga sila nagpapakatotoo dun at sa halip, bilang na bilang ang mga kilos nila dun. At tsaka nakakatuwa ring isipin pag kausap ko na si Kuya, pakiramdam mo kausap mo na rin si "BRO". Kung saan-saan nanggagaling yung boses niya, para kang nasa purgatoryo.

Ok na sana e, kaya lang ayoko na ring sumali sa mga audition dahil panigurado, ang kukuhanin nilang mga contestants e yung may mala-artista ang dating. Yung mga gwapo at batu-bato ang katawan (pati utak, batu-bato rin). Kung kukuha man sila ng di kagwapuhan, kukuhanin nila yung mukang palaboy para gawing payaso sa loob ng bahay. Haay susme...di naman ako mukang ganun...may itsura naman ako, kaya lang wala na yatang ibang papatos sa akin kundi ang girlfriend ko (sama niyo na rin yung mga estudyante kong babae, mwahahaha! Kapal talaga ng muka ko!)

Ayoko nang pahabain to, nayayamot lang ako. Ang dahilan lang naman diyan, e dahil di ako nakakasali sa mga show na yan kaya tinitira ko sila dito sa Blog ko.

...

YAN ANG INIISIP MO DI BA?


Hehehe. Andaling bumasa ng utak ng tao, kahit di ko pa sila nakikita. At alam ko rin na sa kaibuturan ng puso mo, gusto mo ring sumali sa mga reality shows na yan.

Eto lang ang maiiwan kong linya bago magtapos ang entry na ito. Sana lang, balang araw, wag sanang magkaroon ng reality game show na magbibitaw ng ganitong tag line:

"Ready, Get Set...Mamatay kayong lahat!"