Ang isa pang pasanin ng isang guro e ang kapwa niya guro. Malamang alam mo na ito, dahil hindi lang naman sa loob ng faculty room uso ang siraan o ang "backstabbing". Talamak yan, at mas prone kang mabiktima ng mga ganyan kapag baguhan ka pa lang. Titirahin ka ng mga gurang na titser dun pag nakatalikod ka. Kung anu-ano ang sasabihin tungkol sa iyo, kahit alam mong sa sarili mo na mas maraming estudyante ang nakikinig at natututo sa iyo kesa sa kanila. Meron ding mga "epal" na teacher. Yung tipong pinanganak habang nanonood ng talk show yung mga nanay nila. Andaming sinasabi, andaming suggestions, pero wag ka; sa oras ng gawain, sila ang unang nawawala. Akala mo Ninja na biglang naglalaho sa usok. Meron ding mga "pampam" na teacher, yung tipong gagawin ang lahat para mapasaya ang f*ckulty room. Anjan yung magpapatawa gamit ang green jokes na natutunan niya sa mga gay bar, didighay ng malakas, uutot, at mang-"ookray" (NOTE: Gawain ng mga bading) ng mga kapwa niya teacher.
Pero di lang naman puro paghihirap ang nararanasan ng isang teacher. Enjoy ding magturo, lalo na pag kasundo mo na ang mga estudyante. Minsan pakiramdam mo, para na kayong isang buong pamilya. Nagiging informal na ang learning, pero nagiging effective. Dahil imbes na ituring nilang pasakit ang subject mo e ituturing nila itong bonding time at magpaparticipate sila sa mga ginagawa mo, na para bang nagiging parlor games lang ang board work at quizzes mo. Ewan ko lang kung ganito ang ibang teacher, pero eto ang naexperience ko. Ito ang dahilan kung bakit may tumatanda na sa linyang ito. Malamang nagkaroon ka na ng titser na 70-anyos na. Yung tipong, SANGBUL (isang bulate na lang ang pipirma). Di niyo ba naisip kung bakit sila tumanda doon at hanggang ngayon e nagtuturo pa rin sila? Simple lang ang sagot: Nageenjoy sila sa ginagawa nila.
COMMERCIAL BREAK: Bago ituloy ang pagbabasa, nais ko lang linawin na kahit kelan, as in kahit kelan, di ako nagkaroon ng relasyon sa isang estudyante (syempre sa babae, ano ako? Si Titser Swarding?)! Iyon ay paglilinaw lang po. Hehehe.
Bilang isang lalake, nakakataba ng puso kapag:
Pero di lang naman puro paghihirap ang nararanasan ng isang teacher. Enjoy ding magturo, lalo na pag kasundo mo na ang mga estudyante. Minsan pakiramdam mo, para na kayong isang buong pamilya. Nagiging informal na ang learning, pero nagiging effective. Dahil imbes na ituring nilang pasakit ang subject mo e ituturing nila itong bonding time at magpaparticipate sila sa mga ginagawa mo, na para bang nagiging parlor games lang ang board work at quizzes mo. Ewan ko lang kung ganito ang ibang teacher, pero eto ang naexperience ko. Ito ang dahilan kung bakit may tumatanda na sa linyang ito. Malamang nagkaroon ka na ng titser na 70-anyos na. Yung tipong, SANGBUL (isang bulate na lang ang pipirma). Di niyo ba naisip kung bakit sila tumanda doon at hanggang ngayon e nagtuturo pa rin sila? Simple lang ang sagot: Nageenjoy sila sa ginagawa nila.
----------------------------------------
Kung isa ka namang binata, POGI at MATIKAS na guro katulad ko (EHEM! Ang kumontra, PANGIT!), e mag-eenjoy ka rin! Bakit? Kasi magiging popular ka sa mga dalaginding ng iskul na pinapasukan mo. Ako bilang isang batang guro, marami na akong naexperience...COMMERCIAL BREAK: Bago ituloy ang pagbabasa, nais ko lang linawin na kahit kelan, as in kahit kelan, di ako nagkaroon ng relasyon sa isang estudyante (syempre sa babae, ano ako? Si Titser Swarding?)! Iyon ay paglilinaw lang po. Hehehe.
Bilang isang lalake, nakakataba ng puso kapag:
- Tinitilian ka sa klase pag nagsuot ka ng damit ala-John Lloyd
- Aamin sa iyo ang isang estudyante na kras ka niya (AWWWW!)
- Hihintayin kang lumabas ng classroom, masulyapan ka lang nang matagal
- Isasayaw ka sa mga parties (NOTE: Babae ang magsasayaw sa iyo, san ka pa?)
- Bibigyan ka ng love letters
- O kapag di love letters, mag-iiwan sila ng sweet messages sa likod ng test booklet nila para mabasa mo pagkatapos mong check-an (kahit bagsak ang score)
O di ba? Nung estudyante pa lang ako, walang pumapansin sa akin. Pinalalagpas lang ako ng mga tsiks. Pero ngayon? Mwahahahaha! Ano ka? Ano ka? (habang tina-type ko ito, e kumahol ang aso namin at kumulog ng malakas) Biro lang ang mga iyon. Hehe. Di ka naman dapat pumasok sa pagtuturo kung babae lang ang habol mo. Isa pa, bawal yun. May ethics din namang sinusundan ang mga guro.
Ang pinaka-importanteng bagay na makukuha mo sa pagtuturo ay ang RESPETO. Dito mo na mararanasang tawaging "Sir / Ma'am" o "SER / MAM ". Tulad ko, "SERPOL". Kung sa kumpanya ka papasok, ang tatawag lang sa iyo ng "Sir" e yung sekyu at mga maintenance ninyo (unless Presidente ka ng kumpanya, lahat ng mga tao dun, kasama na ang mga bangaw at lamok, e tatawag sa iyo ng "SIR!") Maraming bata ang titingala at iidolo sa iyo. Yun ang importante. Dahil ang pagiging teacher ay di lang naman natatapos sa loob ng classroom. Di lang tungkol sa mga teoryang naituro mo; kundi kung pano mo nabago ang buhay nila.
At sa oras ng Graduation nila, ikaw ang magiging pinakamasayang tao, dahil ang mga punlang itinanim mo e nagbunga na. Kahit mahirap magpaalam, alam mo namang naibigay mo ang dapat mong ibigay sa mga estudyante at kampante ka na na mapagtatagumpayan nila ang kahit ano pang mga pagsubok sa labas ng silid-aralan.
Gusto kong i-share sa inyo ang isang "love letter" na iniabot sa akin ng isang estudyanteng babae kaninang umaga bago mag-uwian. Ulit, huwag sanang bigyan ng ibang kahulugan ang inyong mababasa. Ito ay isang liham mula sa isang babae na umabsent sa klase ko dahil marami siyang problema sa buhay. Madalas siyang nagkukuwento ng mga saloobin niya, kasama na ang kanyang love life at marami pang iba. Ang mga susunod na linya ay excerpt mula sa kanyang liham na isinulat sa isang maliit na piraso ng yellow pad. Ito ay nasa orihinal na konteksto; letra-por-letra, at kasama na ang mga maling spellings at grammars:
Nakakataba ng puso kapag nakakatanggap ka ng mga ganitong salita. Hindi araw-araw e nangyayari ito sa isang tao, at nagpapasalamat ako na minsan sa buhay ko bilang isang titser, ay may na-touch akong buhay. Mahal ko ang trabaho ko...at mahal ko rin ang mga estudyante ko. At kahit dumating ang araw na di na namin maaalala ang isa't-isa, lagi ko pa ring maiisip na:
"Syet. May kwenta rin pala ako. Kahit papaano ay may nagmamahal pa rin sa akin"
Bilang pagtatapos, nais kong i-share ang kantang "Kasumi" na inawit ng isang Japanese rock star na si 369 Miroku. Ginamit ang kantang ito sa anime series na "The Daughter of Twenty Faces" at sinimbolo ng kanta ang paghahanap ng isang "ama" sa kanyang "anak" na tuluyan ng lumaki at iniwan siya. Inaalay ko ito sa lahat ng mga naging estudyante ko.
Maraming Salamat.
* Pagpasensyahan na rin kung medyo kamukha ni Tado yung singer...hehehe.
View the Lyrics (w/ English Translation) @ Deciphered Lyrics

pasensya na po. I'm so sorry Sir for my short commings. Hwag nyo po sana iwan ang I.T. Yung batch namin pls T.T sana po hanggang secondsemmester kayo pa rin po teacher namin. pasensya na po talaga sir...T.T Ingat po paguwi we love you sir as our teacher, eldest brother, and our second father...^_^
Nakakataba ng puso kapag nakakatanggap ka ng mga ganitong salita. Hindi araw-araw e nangyayari ito sa isang tao, at nagpapasalamat ako na minsan sa buhay ko bilang isang titser, ay may na-touch akong buhay. Mahal ko ang trabaho ko...at mahal ko rin ang mga estudyante ko. At kahit dumating ang araw na di na namin maaalala ang isa't-isa, lagi ko pa ring maiisip na:
"Syet. May kwenta rin pala ako. Kahit papaano ay may nagmamahal pa rin sa akin"
Bilang pagtatapos, nais kong i-share ang kantang "Kasumi" na inawit ng isang Japanese rock star na si 369 Miroku. Ginamit ang kantang ito sa anime series na "The Daughter of Twenty Faces" at sinimbolo ng kanta ang paghahanap ng isang "ama" sa kanyang "anak" na tuluyan ng lumaki at iniwan siya. Inaalay ko ito sa lahat ng mga naging estudyante ko.
Maraming Salamat.
* Pagpasensyahan na rin kung medyo kamukha ni Tado yung singer...hehehe.
View the Lyrics (w/ English Translation) @ Deciphered Lyrics
No comments:
Post a Comment