Madaliang Agam-agam

Ang "criticism", kapag mas naunang sinabi sa ibang tao kesa sa iyo, ang tawag doon ay "CRITI-TSISMIS"
_______________________________________________________

Tuesday, December 29, 2009

New Year's Resolution

HAPI NYU YIR!

Haay, tapos na naman ang Pasko. At as usual, parang gusto na namang humingi ng isa pang butas ng aking lumang sinturon, dahil nadagdagan na naman ang aking buto sa tagiliran. Oo, "buto" talaga, ayokong sabihin yung "taba", dahil masakit sa aking kalooban (pero nasabi ko na rin...awts!) Ganito talaga kapag Pasko. Wala nang pasok. Marami pang pagkain. Ansarap talaga ng buhay kapag bakasyon. Kain, tulog, Internet, PSP lang ang algorithm na sinusundan ng katawan mo kaya ang resulta ay isang dambuhalang "ikaw" na tiyak na magpapalaki sa mata ng mga titingin sa iyo next year. At ang kinatatakutan kong linya sa susunod na taon ay:

"HALA, IKAW NA BA YAN?! ANTABA-TABA-TABA-TABA-TABA MO NA!!!"

Aray ko. Sana lang e huwag akong managinip nang gising na bigla akong maging si Pacquiao, at ang nagsabi naman nun ay maging Mayweather (kahit sino dun sa mag-amang Mayweather, parehas lang silang nakaka-inis at kasapak-sapak), kung hindi e baka biglang lumabas si Michael Buffer at sumigaw ng "Let's get ready to rumble!!!"

Pero huwag na nating pag-usapan pa ang aking bilbil, at medyo nag-iinit lang ang ulo ko. Hehe. Biro lang. Medyo matagal-tagal din akong hindi nakapag-sulat ng bagong blog entry dahil nga naging abala ako sa aking pagiging buhay prinsipe kamakailan. Kumbaga, ay inenjoy ko ang buong bakasyon (yun nga lang, e na-enjoy ko iyon nang hindi lumalabas masyado ng bahay, huwag pong tutularan), dahil walang makapag-sasabi kung anong kamalasan na naman ang aabutin ko sa pasukan. Tiyak, maaalala ko na naman ang mababang sweldo at ang mga pasaway na estudyante. Tsk, tsk.

At bilang isang Pinoy, ipapakita ko sa inyo ngayon kung paano gumawa ng isang New Year's Resolution na hindi naman nasusunod. Oo, hindi nasusunod. Dahil sa tantsa ko e mukang wala pang nakaka-sunod sa mga listahan na ginagawa nila tuwing matatapos ang taon. Oo! Pustahan! Kung meron man sa inyo diyan, e pakitaas lang po ang kamay at meron kayong libreng pantasa/pang-tasa (sharpener) at pambura/pang-bura (eraser) mula kay SerPol. At kung medyo naguluhan din kayo sa pronunciation at spelling ng "pambura" at "pantasa" ay malugod ko kayong binabati ng

"CONGRATULATIONS!", katulad nung laging binabanggit nung babae sa Wowowee. Yun nga lang, e wala tayong High Five, at wala kayong "one thousand". (Pasintabi na rin po sa mga mahilig sa "Ba-ba-boom!") Isa kang tunay na Pinoy. Pamali-mali pa rin ang Tagalog.


Ano nga ba ang totoong pangalan ni Ms. Congratulations?

Eniwey, McArthur Highway. Tulad ng lagi kong ginagawa, e iisa-isahin ko na rin para sa inyo ang aking New Year's Resolution. Alam kong medyo nakakasawa na rin 'tong Enumeration-type na ito, pero pag-pasensiyahan niyo na lang ako at kesa naman interbyuhin ko muli ang aking sarili (tsaka na yun, kapag may tsismis na uli).


1.) Kailangan ko nang magpa-payat!

- Oo. Antagal ko nang sinasabi ito. Last year pa, nung nagba-blog pa ako sa Friendster. Pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin nagagawan ng paraan. Nakakatamad naman kasi. Ang tanging parte lang ng katawan ko na may maskels (muscles) ngayon e ang mga daliri ko. Dahil na rin sa sobrang pag-lalaro ng PSP at DS. Nakapag-gym naman ako nitong taon na ito, pero mga isa o dalawang beses lang. Nahihiya kasi ako pumasok sa gym, lalo na at kapag nakikita kong naka-bungisngis ang mga diyaskeng manong dun habang nakatingin sa tagiliran ko. Minsan iniisip ko na lang na "Sige, tumawa kayo mga gurang. Mas matalino pa rin ako sa inyo!", pero meron talagang parte ng kaluluwa ko na hindi sumasang-ayon at nagsasabi ng:

"Hoy, mahiya ka... Magpapayat ka na... Para ka nang si E. Honda..."

Huwag kang mag-alala, konsensya. Gagawan din natin yan ng paraan...sa takdang panahon.


2.) Bawasan ang pagiging mainitin ang ulo!

- Ah eto. Linsyak! (ay sorry, uminit na naman ang ulo...) Marami na rin ang nagsasabi sa akin nito. Masyado raw akong "high blood" (parang tungkol sa katabaan na naman ito ah). Ewan ko ba, pero nagsimula at natapos yata ang year 2009 na hindi ako nag-ngangalit na parang leon. Minsan din kasi, e kinakailangan ng pagkakataon. Lalo na kapag kausap ko ang isang matalinong-tanga na hindi mo alam kung sasabitan mo ng medal o babangasan mo sa lungs sa sobrang kakulitan. Wala lang. Trip ko lang. Bakit, may angal kayo?! Ha?! Ikaw! Ikaw na nasa tapat ng monitor! Ang gulo mo ha! Para kang buhok sa kili-kili! 'Pag hindi ka tumigil sa kakangisi diyan e pagbabaligtarin ko ang bagang at pangil mo! Arrrrrgggghhh!........ Urk...parang sumakit yata ang dibdib ko...

Masama talaga ito sa kalusugan, kaya babawasan ko na rin ito... sa takdang panahon.


3.) Kelangan ko nang mag-hanap ng mas magandang trabaho at mag-ipon!

- Yeba! Go, SerPol! Kaya mo yan! Andito lang ako para suportahan ang sarili ko! Ay, teka...mali pala. Hehe...

Hindi ko na mahanap ang mga eksaktong salita para i-encourage pa ang sarili kong maghanap ng ibang trabaho bukod sa pagtuturo. Tama nga ang sabi sa akin ng mga guro ko noon. Ang hirap nang umalis sa linyang ito, oras na nagpakain ka dito. Ganyan ang pagtuturo. Kumbaga, e parang tinalikuran mo na rin ang isang malaking bahagi ng sarili mo kapag iniwan mo ang mundo nito.

Kung hindi nga lang kailangan ang pera sa pamumuhay, e bakit ko pa iiwan ang pagtuturo? Dahil sa linyang ito, bibihira ang makikita mong yumaman sa pagtuturo. Wala nga akong co-teacher na naka-bili ng sasakyan nang dahil lang sa pagtuturo. Kahit kariton nga, walang nakabili. Ganun talaga ang buhay namin...walang yumayaman sa pagtuturo.

At nakakasuya yung huling paragraph dahil puro "pagtuturo" ang nasa dulo ng bawat sentence. Puro pagtuturo. Puro pagtuturo! Turo ka nang turo! Turu-turo! Puro ka turo! Mukha ka nang turo... Ehek! Eherm... Kelangan ko na sigurong bumili ng libro ng "Tips on Blogging", masyado na akong repetitive. Kahit si Pot-pot (d' dog) ay nagsasawa na rin.

Pero wala naman akong pambili.

Kelangan ko na rin palang mag-ipon, lalo na at mag-lilimang taon na kami ng aking nobya sa susunod na buwan. Andami nang nag-aabang sa anunsyo namin. Marami nang nagtatanong kung kelan na ba ang kasal. Nakaka-pressure na. Naririnig ko na rin ang mga kampana na dumidingdong. At alam kong delikado na ang mga susunod na taon ng relasyon namin kapag pinalagpas ko pa ito ng limang taon. Maraming pwedeng mangyari, ika nga. Puwede pa akong sulutin nina Anne Curtis at Maria Ozawa, kaya delikado talaga.

Ops...sino si Maria Ozawa? Hindi ko yun kilala. Inosente ako.

Kaya kelangan ko na talagang mag-ipon, tutal nabili ko na naman ang mga layaw na matagal ko nang pinapangarap nung ako'y estudyante pa lamang. Masaya na ako at meron na akong PSP Slim (kahit second-hand lang), Nintendo DS (yung unang model nga lang, yung makapal) at Internet (SmartBROken nga lang) Hindi na ako naghahangad pa ng PS3, Wii, XBox at kung anu-ano pa. Kaya naman at ang mga susunod kong sweldo ay ilalaan ko na lang para sa susunod na "phase" ng aking buhay.

Bilang isang asawa at bilang isang ama.

At matutugunan ko lang yun sa pamamagitan ng paghahanap ng bagong trabaho, simula sa Marso. At gagawin ko lahat para matupad yun... sa takdang panahon.

-------------------------------------------------------

Bagong taon na naman. Bagong buhay. Bagong problema. Bagong adventure.

Maraming pwedeng mangyari sa susunod na taon, kaya hindi masama na gumawa ka ng sarili mong "assignment" o "homework" na isa-submit mo sa iyong sarili pagkatapos ng taon. Isa pa, nagkalat na ang mga propesiya ngayon na malapit na RAW magunaw ang mundo, at kelangan mo nang sumamba kay Naruto para ika'y maligtas. Maaaring kahunghangan ito sa paningin ng nakararami, pero tignan na lang natin ito sa ibang anggulo na hindi tayo mababalisa tungkol sa pagka-gunaw ng mundo.

Maikli lang ang buhay ng tao. Hindi natin alam kung ito na ba ang huling taon natin sa mundong ito. Huwag mo nang intindihin yung napanood mo sa 2012. Kathang isip lang yun. Isipin mo na lang ang mga aksidenteng nagdaan tulad ng bagyong Ondoy at Pepeng, at pati na rin ang Maguindanao Massacre. Morbid ano? Pero ganon talaga. You can never tell, ika nga. Kaya naman at hinahamon ko kayo at ang aking sarili na tuparin ang nasa ating New Year's Resolution bago pa mahuli ang lahat. Ang hindi maka-kumpleto nito, pangit at may anghit! Game!

Happy New Year sa inyong lahat at nawa'y pagpalain tayo ng kaginhawaan at kaligayahan ngayong 2010!

(Advanced Happy New Year na rin sa mga intsik, at huwag niyong kakalimutan ang Tikoy at Hopia ko)

Monday, December 21, 2009

Ang Wish List ni SerPol

Wish lists are created by people, when they compile a list of items they desire. The person will then distribute copies of this list to family and friends that are likely to purchase gifts for him or her. The goal of a wish list is to facilitate communication between the gift receiver and the gift giver. Wish lists often contain items that a gift purchaser can obtain from a variety of retailers.


Paki-kumpirma nga sa akin kung tama ang nababasa ko...

Magko-compile ako (hanggang dito ba naman ay may "compilation" pa ring involved?) ng isang listahan ng mga bagay/items na gusto kong makamit, at pagkatapos ay ipapadala ko ito sa mga tao na kumbaga ay para lang nagpaparinig ng "HOY! Baka gusto niyo akong regaluhan nito!"

Tama, ano? Ayos. Yun pala yun. Naghahanap kasi ako ng eksaktong depinisyon ng salitang "Wish List", at sa kabutihang palad ay muli na naman akong natulungan ni pareng Wiki. Ayun pala ang "wish list"... Parang listahan lang ng mga taong papatayin sa buwan ng eleksyon.

Maalala ko lang ano, napakatagal na rin pala magmula nung huli akong niregaluhan ni "Santa Claus" ng regalo. Kung tama ang pagkakatanda ko, isang laruang Power Ranger ang huling niregalo sa akin. Yung Green. Si Tommy ba yun? Yung may gintong shield sa dibdib at pwede ring gawing flute yung kanyang itak? Yung niregalo sa akin noon, e yung tipong 'pag pinindot mo yung buton sa kanyang sinturon e magpapalit siya ng ulo. Oo, tama ka. Nagpapalit ng ulo. Di na kailangan ng head transplant. Isang pindot lang, at ang normal niyang mukha ay mapapalitan na ng isang ulo na nakasuot na ng helmet. Astig. Nakakatuwa. Pero dahil sa hindi ka na nakaka-relate e ititigil ko na ang pag-describe sa laruang iyon.

Ilang taon pa lang ako nung binigay sa akin yun. Grade 2 pa siguro ako noon. At nung mga panahong iyon e sikat pa rin si Santa Claus sa mga kabataan. Marami pa ang nauuto noon na kesyo totoo DAW talaga si Santa Claus; nakasakay sa kariton na hinihila ng mga ungas, este ng mga usa at pumapasok sa mga bahay-bahay sa pamamagitan ng pag-lusot sa "chimney". Kung paano siya nagkakasya dun e hindi ko alam. At kung paano siya nakakapasok sa bahay ng mga Pinoy ay lalong hindi ko alam, dahil wala namang tsimineya ang mga bahay dito sa Pinas ("Tsimineya! Tsimeneya! Naglilinis ng Tsimineya!").

Andiyan din ang mga paniniwala na kakuntsaba daw ng mga magulang namin si Santa Claus at iniiwan na lang sa kanila ang regalong para sa amin. At lalo pa itong pinatibay ng kanta ng nasirang Michael Jackson na "I Saw Mommy Kissing Santa Claus" na mayroong dalawang posibleng propesiya: 1.) Tatay mo yung nagpapanggap na Santa Claus, at 2.) May ibang kinakalantari ang nanay mo at nagkikita sila ng patago tuwing hatinggabi (at naka-costume pa ng Santa Claus si kabit).


I did! I did see Mommy kissing Santa Claus last night, and I'm gonna tell mah Dad!

Nakaka-miss. Parang gusto ko tuloy bumalik sa sinapupunan ng nanay ko para maging bata uli.

Pero iba na ngayon sa Pinas. Lumalaki na ang mga bata ngayon na hindi inuuto ng kanilang mga magulang. Fetus pa lang yata e sinasabihan na ng "Anak, hindi totoo si Santa ha? Kaya huwag kang hihingi ng house and lot sa Pasko". Tsk. Maraming dahilan kung bakit hindi na totoo si "Santa" ngayon (at siyang iniisip ko pa rin kung bakit "Santa" ang ginamit kay Santa Claus, imbes na "Santo"...Hindi kaya siya ay bading?). Malamang, dahil na rin siguro sa kahirapan. Dahil hindi na kayang kuntsabahin ng mga magulang ngayon si Santa na baka pwede pang mabigyan ng regalo ang kanilang mga anak.

Hindi na kayang panindigan ng mga magulang si Santa Claus dahil sa kahirapan.

Pero kung may magandang epekto ba ito sa mga bata, e ang sagot ko diyan ay oo. Mabuti na rin at maaga silang namulat sa mga kasinungalingan ng mundong ito. "Early Dismissal" kumbaga. Ay mali. Saan ba nanggaling yung term na yun?... Hehe. Pero ako, sa kaso ko, hindi na ako bata. Batang-isip lang. At sa tuwing tatanungin ko ang nanay ko kung nasaan si Santa, ay isang malutong na sapok sa noo ang inaabot ko (habang naglulumpasay sa kakatawa ang aso naming si Pot-pot).

Sadyang may punto nga ang mga katagang "Ang Pasko ay para lang sa mga bata". At huwag niyo uli akong tanungin kung sinong Emo ang nagsabi niyan dahil hindi naman ako galit kay Santa Claus at kay Mr. Bean. Panahon talaga kasi ng mga bata ngayon. Bukod sa mahabang bakasyon e panahon pa ng pangangaroling (kahit binubuhusan sila ng mainit na tubig), pagtanggap ng mga regalo at pagtanggap na rin ng mga Aginaldo. Mga inaanak? Sinong inaanak? Wala akong inaanak! As in, wala! Wala na akong matandaan dahil sa dami ng nag-proxy sa akin sa mga binyag ng sanggol na hindi ko naman kaanu-ano. At magugulat na lang ako at biglang susulpot dito at magsasabi ng "Ninong, anlaki na ng utang mo sa akin"

Utang ko? UTANG NA LOOB, please lang! Hindi kita kilalaaaaaaaa!!!

Kaya naman ang mga high-tech na gurang ngayon ay nauuwi na lang sa pag-gawa ng "Wish List". Dahil hindi na sila mga bata at wala nang Santa Claus na magreregalo sa kanila ng mga designer clothes, novels, CDs, DVDs, bags at kung anu-ano pang mamahaling bagay na pwedeng bilhin ng isang Dirty Old Man or D.O.M. for short (Maraming hindi naka-gets sa "D.O.M." sa huli kong blog entry) o ng isang Matrona/Bakla para sa kanyang Fafa (Yung mga mahihilig mag-bigay ng indecent proposals). Lugi rin minsan sa exchange gifts, dahil 'pag nagregalo ka ng isang sosyal na plato na P200.00 worth, e makakatanggap ka lang ng tatlong set ng "Good Morning" towels bilang kapalit. Yung twalyang sinasabit sa leeg ni Erap. Ganun. Badtrip.

Ah, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Ibibigay ko na ang wish list ko para sa Pasko, kahit alam kong isang buwan na akong late at ilang araw na lang ay Pasko na. Araw-araw naman dapat ay Pasko, sabi nga ng mga hindi Katoliko.

* PLAYSTATION 3 / Nintendo Wii - Oh, ano, ha? Paktay ka diyan, bay! Sinong magreregalo sa akin nito? Kung sino man ang may ganang mag-waldas ng 30K diyan para regaluhan ako nito e sa iyo na ang habang-buhay kong...pag-galang! Hehe.

* Bola ng Basketbol - Pitong taon nang flat ang Milo Basketball ko. Junior size pa yun. Heavyweight na ako. Wala na rin akong ehersisyo kaya maganda na rin ang mabigyan ng bola ng basketbol. Isa pa, nakabili na ako ng orig na basketball jersey ni Mark Caguioa. Yung player ng Barangay Ginebra Kings. Pwede na akong makipag-laro sa mga dose anyos dito. Ang nakakatanga lang, ay inuna ko pa ang damit kesa sa mismong bola. At oo nga pala, kung gusto ninyong samahan ng Basketball Court e mas maganda. Hehe.

* Libro ng Data Structures / Systems Analysis and Design - Eto yung mga tinatawag na pang-"weirdo" na gamit. Geek, kumbaga (hindi Greek, Griyego yun). Sa totoo lang, wala naman akong kamuwang-muwang sa mga kompyuter. MS Paint lang talaga ang alam ko. Pero dahil sa kinakailangan sa trabaho e wala na akong ibang choice kundi ang maging taga-sunod ni R2D2.

* Tsinelas - Laspag na ang tsinelas ko. Pero buti na lang at matibay pa. Regalo pa sa akin ito ng syota ko nung birthday ko last year (Grabe, antagal na pala). Tumatanda na rin kasi ako. Tsinelas na lang ang footwear of choice ko 'pag namamasyal sa mga malls (bukod sa leather shoes). Nagmumuka kasi akong bagets kapag naka-rubber shoes ako at pinagkakamalan pang si John Lloyd (kumulog bigla). Tsaka numinipis na ang ilalim ng tsinelas ko sa kakapalo ng mga pusa na nakikipag-lambingan kay Pot-pot (yung aso namin)

* Wallet - Amoy anghit na ang wallet ko. Yak. Nakakasuka na minsan, lalo na at pag dumudukot ako ng pamasahe. Hindi kasi gawa sa leather ang wallet ko kaya naa-absorb nito ang pawis sa mga hita ko (sa bulsa ng pantalon ko nakalagay ang wallet at hindi sa loob ng brip). Kaya kung pwede, yung leather ang iregalo niyo sa akin. Yung gawa sa balat ng dinosaur.

* Mas maraming bisita - Bisita lang sa blog. Hindi bisita sa bahay dahil wala namang lamay dito. Ngayon kasi, habang tina-type ko ito e maglilimang daan pa lang ang napapadpad sa blog ko. Hindi na masamang bilang ito, pero sana bago matapos ang taon ay mag-"Sky Rocket" sana ang bilang ng mga walang magawa sa buhay at mapadaan sila sa aking munting tambayan. Ngayon na rin ako magpapasalamat sa mga masugid na tagasubaybay ng blog na ito, at ganun na rin sa mga na-inspire kong sumulat uli ng blog entries sa wikang atin (alam kong meron, tatlo na yata sila) Salamat uli sa inyo at mabuhay tayong lahat.

* World...er, Peace sa Pinas - Walang ibang makakapag-bigay nito kundi yung may birthday ngayon na nasa itaas. Pero huwag tayong mawalan ng pag-asa, kahit nag-daan pa tayo sa samu't-saring delubyo magmula sa H1N1 epidemic, pananalasa ng bagyong Ondoy at Pepeng, Maguindanao massacre, Ondo Perez kidnapping at ang nag-babantang muling pagputok ng bulkang Mayon.

Magaling ang mga Pinoy, NAPAKARAMI nating magagawa para isalba ang bayang Pilipi ---- teka, hoy, sino kayo? Bitawan niyo ako! Nurse?! Anong pinagsasasabi niyo diyan?! Wala namang Mental Hospital sa Laguna! Bitawan niyo ako, arekup! Buset! Bitawan niyo ako! Hindi ako baliw! Crispin! Basilio! Sisa! Crisostomo! Padre Salvi! Padre Damaso! Hindi pa ako tapos! BITIWAN NIYO AKOOOOOOOOO.......!

--------------------------------------------------

Regalo ang unang naiisip natin 'pag sasapit ang araw ng Pasko. Mga bagay na panandalian lang magagamit dito sa balat ng lupa at magbibigay sa atin ng saya. Hindi ako ipokrito o ano, pero ako man ay naghahangad din ng mga ganitong bagay tuwing Pasko. Andami kong gustong makuha, matanggap at maangkin. Ganito talaga siguro ang tao. Nabubuhay at namamatay sa pag-asa.

Wala rin naman akong kapasidad magbigay ngayong Pasko dahil hindi naman ako Congressman, at wala akong ham at keso de bola na maibibigay sa inyo. Isa lang akong pobreng nilalang na may Internet connection sa bahay at ang maibibigay ko lang sa inyong Pasko ay ang Blog Entry na ito.

(Isinama ko nga pala sa aking MP3 Playlist ang kantang "Bro, Ikaw ang Star ng Pasko" mula sa latest na station ID ng ABS-CBN, kahit baduy sa pandinig ng iba)

Maligayang Pasko sa inyong lahat!

At Happy Birthday kay Bro.

At "Mamatay kayo sa inggit" sa mga tao na hindi naniniwala dito.

Wednesday, December 16, 2009

Excuse Letter

To whom it may concern,

Please excuse myself, SerPol, for being absent on the net for the past 3 days due to some certain incidents that I cannot avoid. And please be warned that this blog entry will be, once again, a long one because of...uhm, pakibasa na lang, nosebleed na ako sa pag-iinggles eh.

Sincerely yours,

[ Pekeng pirma ]
SerPol


Excuse Letter ba kamo?

Aba'y napakatagal na simula nung huli akong nagpadala ng ganitong klaseng sulat. Pitong-taon na yata ang nakalipas (hindi na kasi uso sa kolehiyo ang Excuse Letters, dahil kapag absent ka sa klase, isang bungisngis at kamot lang sa ulo e makakalusot ka na sa prof mong nag-uulyanin). Yung tipong aawitan mo ang nanay mo para igawa ka ng palusot sa tatlong-araw mong pagla-lamyerda (dahil sa iyong walang-katapusang-pag-eemote matapos mong matalo sa pustahan sa DotA). At lahat na ng excuses, sasabihin na ng nanay mo, ma-"excuse" ka lang. Nakaka-miss. Ah, eto nga pala ang mga kadalasang "excuses" na ginagamit ng mga magulang para mapagtakpan ang kalokohan ng kanilang mga anak:
  • blah-blah-blah...due to High fever and Flu.
  • blah-blah-blah...dahil sa lagnat at sipon.
  • blah-blah-blah...due to fever and influenza. (nagkamali yata sa spelling ng "impluwensya")
Napakaraming pagpipilian. At sa lahat ng pwedeng i-dahilan e ang lagnat at sipon pa ang pinakasikat sa mga magulang ngayon. Napakarami namang sakit na pwedeng i-dahilan tulad ng cancer, AIDS (herpes, syphilis, at bisexuality), ketong, heart attack, mild stroke, strong stroke (meron ba nun?), brain damage/malfunction, circumcision, menstruation, amputation etc. Pero sa huli, da best pa rin ang "high fever and flu" dahil bukod sa madali itong isulat e para mo na ring inungas ang babasa ng excuse letter mo. Kumbaga, para ka na ring nagbigay ng panyo na ipupunas ng titser mo sa mga luha niya pagkakita niya sa iyo.

Pero ops! Meron pang 2nd runner-up diyan! Yan yung: "Because we went to his great-great-great-great grand daughter...este grandfather's funeral" Dito tiyak, hindi makakatanggi ang titser mo dahil magmumukha silang Satanista kapag di nila tinanggap ang dahilan mo. Pero hindi naman araw-araw namamatay ang lolo mo kaya nasa number 1 spot pa rin ang "high fever and flu"

----------------------------------------------------

E bakit nga ba ako gagawa ng esmyuskee letter? Tulad nga dun sa sinabi ko sa bungad ng entry na ito, tatlong araw akong nawala sa mundo ng Internet dahil sa ilang dahilan. Grabe ano? Para na akong may "alternate world" na ginagalawan. Masamang senyales na yata ito ng pagiging "defendant" este "dependent" sa modern technology. Pero ganun pa man, trip lang naman 'to at tyak kong wala namang ibang nakapansin sa tatlong araw na pagka-wala ko, kaya wala nang manenermon diyan, oki?


December 13, 2009

Kaarawan ng tatay ko. Natural, sasama ako sa pagse-celebrate. Alangan namang ipagpalit ko ang okasyon na yun sa sampung oras ng pagfe-feysbuk, na wala ka namang ibang ginawa kundi mag-comment nang mag-comment sa Naruto IQ test na sinagutan ng kaibigan mong jologs. Isang beses lang nangyayari ang birthday sa isang taon (unless ka-kilala mo si Mang Ompong at ka-kwentuhan mo siya tungkol sa Alzheimer's disease ninyong dalawa at sino sa inyo ang may pinakamaraming bertdey sa isang taon) kaya kelangang gawin itong espesyal; kahit butas ang bulsa.


Ang aking ama at ina habang nag-uusap kung ano ba ang
pinaka-murang pwedeng ma-order...

Simple lang naman ang naging itenerary naming mag-anak nung araw na yun. Ako, ang nanay ko at ang tatay ko, ang nakababata kong kapatid na babae, at nges-hu ("guess who" sa pagkakasabi ng mga ngongo) kung sino ang ika-limang miyembro?

Ang aking mahal na nobya na muling nagbalik mula sa planeta ng Sunday School.

SM Santa Rosa lang ang pinuntahan namin, namili ng damit pamasko (di ako nakabili ng bagong brip), at kumain na lang sa Pizza Hut. Hehe, sosyal, PitsaHat. Ngayon lang yata ako naka-kain dito sa loob ng isang dekada, sapagkat laging take-out lang ang ginagawa namin dahil isang slice ng pizza lang naman ang kaya naming bilhin.

Pero value meals lang ang kinain namin. Maghahanap sana ako ng Happy Meal para may libreng laruan pero wala. Sa MakDo at JoBee lang pala uso yun. Solb na kami sa PitsaHat. Nabusog ako dahil sa bottomless na Pepsi. Hindi naman pala masakit sa bulsa ang magpaka-sosyal kahit isang gabi lang (kahit sumakit ang dila namin sa lasa ng Spaghetti Meatball dahil para itong giniling na hinaluan ng marijuana at kung anu-ano pang anik-anik na di namin mawari)


Ang mag-hipag
Sa huli, nag-uwi na lang kami ng isang Red Ribbon Chocolate Mouse, este Mousse at sinagot ko na rin ang half-gallon ng ice cream para may makain pa kami sa bahay.

Papa, maligayang kaarawan uli sa iyo at nawa'y magkasama pa tayo ng matagal sa ating munting tahanan. At sana ay bigyan ka pa ni Bro ng mas mahabang pasensya para mapaglabanan ang iyong asar sa tuwing pinapagalitan ka ni Mama. Mahal ko kayong lahat, at sana balang araw ay mabasa niyo ito.

----------------------------------------------------

December 14, 2009

At dahil muling nagbalik ang aking nobya e naisipan namin itong pahabain pa bilang pambayad sa halos isang buwang hindi pagkikita (dahil sa isang di pagkakaintindihan tungkol sa kung ano ba ang nauna: ang manok ba o ang itlog?). Napakasaya ko at muli kaming nagkahawak ng kamay at pakiramdam ko e ngayon lang uli ako nagkaroon ng "girlfriend"

Pero meron kaming hindi kagad napansin. Monthsary pala namin nung kinabukasan. Syet. Ayos. Sakto. Apat na taon na kaming magka-relasyon, at 47th monthsary na namin ito to be exact. Napakatagal na pala namin. Buti na lang at walang Anne Curtis na umaakit sa akin kundi e matagal na akong kumakanta ngayon ng "Nanghihinayang"


Pag-pasensiyahan niyo na at nawawala ang mukha ko...

Sinamahan ko siyang umuwi sa Batangas para dalawin ang kanyang pamilya. Doon na rin ako nagpalipas ng gabi, matapos ang isang stop-over sa Lipa para mag-deliver ng printer inks sa isang matandang kustomer na pumoporma sa nobya ko. Sales Executive ang girlfriend ko sa isang maliit na kumpanya na nagbebenta ng mga ink cartridges at printer, pero siya rin ang nagde-deliver dahil wala silang delivery boy, hehehe. Kaya naman di maiwasan ang mga customer na pa-cute (o D.O.M.) na kulang na lang e ang syota ko mismo ang orderin. Dito papasok ang isa pang persona ni SerPol, si SerPol: the D.O.M Killer, at sa kabutihang palad e hindi nakatingin sa akin ang matandang oportunista at agad-agad na pinirmahan ang resibo ng ink. MWAHAHAHAHAHA!

Ang inaalala na lang ng nobya ko e kung muli pa bang o-order ang taong yun...hehehe. Mukhang binawasan ko pa sila ng cliente ngayon...hehehe...

A-kinse (December 15, para sa mga sosyal na di nakaka-intindi ng "a-kinse") na ng gabi ako nakabalik ng Laguna galing ng Batangas, at dahil sa pagod na ako ay hindi na rin ako nakapag-online muli. Hindi ko na rin nadaanan ang sweldo ko sa opisina namin, dahil sarado na.

And speaking of sweldo, natanggap ko na kanina ang sweldo ko. Ayoko na sanang mag-comment pa at baka magalit pa sila sa akin. Dahil kasi yung sweldo ko ngayon...parang hinati lang.

Hinati. 60-40. Ganun.

Yung unang hati yung pinaka-sweldo ko at yung isang kalahati naman ay yung Christmas Bonus/13th Month...Linsyak...parang ganun lang din. Nagkahiwalay lang ng sobre.

Ngayon ko masasabi na mga bayani talaga ang mga guro. Ahehehehe...

Pero salamat pa rin at meron kaming bonus, di katulad ng inaasahan ko dati. Nasira lang ang mood ko nang mag-text na naman ang Smart BRO na bayaran ko na daw ang serbisyo nilang ubod ng bagal (at pinasisinungalingan pa ngayon ni Mo Twister sa pinakabago nilang commercial ngayon, na kesyo umaabot DAW ng 1+ MBPS ang download speed na sa katotohanan naman e nasa 0.64 MBPS lang).

----------------------------------------------------

Kaya ayun. Tapos na muli ang isang walang katuturang blog entry ni SerPol. Marami akong kailangang ipag-pasalamat kay Bro, at buti na lang at hindi napunta sa wala ang tatlong araw kong pagkawala sa mundo ng Internet. Kung meron man akong natutunan sa tatlong araw na yun, yun ay ang malaman kong mas masaya pa rin talaga sa "real world"

Kaya ikaw, mambabasa ko. Huwag kang masyadong paadik sa Internet at masama yan sa kalusugan (pero higit na mas masama sa kalusugan ang pagdo-DotA).

At hindi ko na naman alam kung pano tatapusin ito. Ah ayun! Teka...makagawa nga ng Christmas Wish list para sa susunod kong entry...hehehehe....

Monday, December 7, 2009

Disyembre na naman...

Mga Nangangaroling: Sa may bahay, ang aming bati!

SerPol: Patawad...

Mga Nangangaroling: Meri Krismas, nawawalanghiyati --

SerPol: Patawad sabi e...next year na lang!

Mga Nangangaroling: Ang PAG-IBIG ang siyang may ari (ng inyong pabahay!)

SerPol: ....

Mga Nangangaroling: Araw-araw ay magiging pasko lagiiiiii! (Kahit ayaw mo!)

SerPol: Ah, lin***...

Mga Nangangaroling: Namamasko po! Para po sa pederasyon!

SerPol: *Pinakawalan ang aso* Go Pot-pot (d' dog)! Kill! Kill!

Mga Nangangaroling: Aaaay! Aaay! Takbo na mga sisters!

Pot-pot: Rawrrrr! Grrr... Rawr! FARF! FARF!
--------------------------------------------

Wala lang. Nag-isip lang ng magandang intro. Nakakasuya na kasi at lagi na lang "Wala akong magawa" ang pambungad ko sa mga blog entries ko (anim na buwan ko na yatang ginagamit yan). Eniwey, highway. Ngayon ko lang napansin na "Disyembre na" pala. Oo, di ka nag-kakamali. Ngayon ko lang talaga napansin. Hindi dahil ngayon lang ako nagising sa aking cryogenic sleep (Paki-research na lang po ito. Para naman malagyan ng bagong inpormasyon ang ating utak na matagal nang nasa cryogenic state), o ngayon lang uli ako tumingin sa kalendaryo (na may hubad na imahe ni Katrina Halili. Joke lang. Wala kami nun. Pero kung meron kami e baka isang taon ko nang di namalayan kung anong petsa na. Dahil sa balat ni Katrina na lang ako laging naka-tingin). Bakit kamo? Simple lang. Napakalamig na ngayon.

Kapag sinabi nating malamig, ito ay maraming bagay, na siyang aking iisa-isahin bilang pag-abuso ko sa aking sariling format ng pagsusulat. Dalawa pa lang naman ang naimbento ko habang ako'y nasa mundo ng blogging: 1.) Ang isang self-to-self interview, na para lang may sayad sa utak at kumakausap sa sarili, 2.) at ang isang tulad nito na para lang sumasagot ng Enumeration na hinaluan ng Essay. Buweno, heto na.

Ang askal naming si Pot-pot. Kumakain ng mga nangangaroling

--------------------------------------------

Malamig na Simoy ng Hangin

Masasabi mong Disyembre na kapag nararamdaman mo nang napakainit sa umaga at sobrang lamig naman sa gabi. Parang sintu-sinto lang ang temperatura kaya marami ngayon ang nilalagnat. Para lang ispageti sa karinderya na mainit lang sa umaga, palalamigin sa gabi, at iinitin lang uli kinabukasan. Hindi ko alam kung ako lang ba ito o ano, o talaga bang nagiging temperatura na ng Sahara ang temperatura natin dito sa Pinas? O di kaya ay talagang sobrang nipis na ng Ozone layer natin at di lang natin namamalayan na para nang "invisible disco lights" ang mga UV rays na tumatagos dito sa ating planeta ngayon ("Planeta" talaga ano? Parang alien lang. Hehehe)? Hindi ako miyembro ng mga organisasyon tulad ng Green Peace o ano, pero ito'y sa ganang akin lamang. Isa pa, di rin ako sasali dun dahil baka magalit si Richard Gutierrez at baka masapawan siya ng aking angking kagwapuhan at kisig ng katawan. Ang kumontra, bubusalan ko ng isang sako ng green peas sa bibig.

Pero ganyan lang talaga siguro pag Disyembre na. Hindi man umuulan ng snow sa Pinas (pero umuulan ng "bala" - na pag-uusapan natin mamaya), e malamig pa rin ang simoy ng hangin dahil maraming "heart broken", hehehe...anong konek?


Malamig ang Pasko (Pasko naaaa, sinta koooooohhh...)

At mapapansin mo rin na Disyembre na kapag nakakakita ka na ng mga matatandang naglalakad sa kalsada ('Di naman yung ganoong katanda tulad nila Dolphy. Yung mga nag-eedad 25 - 40 lang), naka-jacket, nakatungo, nakapasok ang mga kamay sa bulsa ng jacket at nakatutok ang mga mata sa semento habang naglalakad. Mga magnanakaw, for short. Biro lang. Pero ingat kayo sa mga mamang naka-maong na jacket kahit tanghali, at paniguradong mahihingan kayo ng pamasko kahit ayaw ninyo.

Eto yung mga tinutukoy kong "heart-broken", miyembro ng SMP: Samahan ng Malalamig ang Pasko. Walang lovelife. Walang "sweetheart". Walang "Bebe Qoh". Walang lambingan. Walang sex life. Ay, sorry! Censored nga pala. Sorry din at marami ang tinamaan. Heheheeee...

Kung meron mang term na "Christmas Emo", e sila na ang mga tao na unang-una kong naiisip. Walang ligtas sa terminong "emo" lalo na't kung paulit-ulit ang mga kantang Pasko na Sinta ko ni Gary Valenciano at Sana Ngayong Pasko ni Ariel Rivera sa iyong cassette player (at wish mo rin kay Santa Claus na maregaluhan ka ng MP3 player. Kahit yung tig-"wanpayb" lang sa mga bumbay, para pamalit sa iyong inaamag na cassette player). Ayoko nang ipaliwanag pa itong mga romantikong-bagay na ito at dahil kung may unang nasasaktan, ay wala yung iba kundi ako...

Pasko naaaa...Sinta kooooohhhh...Ibalik mo na ang SIM card kooooohhh...


Malamig na Bulsa

Ika nga e, "paktay tayo diyan bay!" Eto na siguro ang pinakamalalang pasko ko sa loob ng tatlong taon ng pagtuturo dahil ngayon lang yata ako hindi makakatanggap ng 13th month o kahit man lang dalawandaang piso para sa Christmas Bonus. Wala e, ganun talaga pag nagsisimula pa lang ang institusyon na pinagta-trabahuan mo. Kelangang magtipid. Dito ko lang namimiss ang dati kong skul dahil galante sila sa mga ganitong panahon. Katapusan pa lang ng Nobyembre e 5-digits na ang nawi-withdraw ko sa aking ATM. Ngayon, 5-digits pa rin. As in limang piraso ng tig-lilimang daan at bente pesos...at wala ring ATM dahil sa isang sobre lang nakalagay ngayon ang sinesweldo ko. Malungkot talaga ang pasko ngayon...haaaaayyyyyy... Walang pambili ng kastanyas. Wala ring pambili ng bagong brip...(tuwing Christmas bonus lang yata ako nakakabili ng bagong brip...haaaaayyy)

Kaya naman at gusto kong humingi ng paumanhin sa lahat ng mga nangangaroling dito sa amin, lalo na sa mga nanay at mga choir members ng simbahan na humihingi gabi-gabi ng donasyon para sa kani-kanilang mga asosasyon. Pagpasensyahan niyo na kung pinapahabol ko kayo palagi sa aso o niraratrat ng mashinggan, o kaya ay binibigyan ng "crotch-chop" ala-D Generation X (eto yung ipepwesto mo ng pa-"X" ang mga kamay mo sa harap ng iyong pundya sabay sigaw ng "SUCK IT!") Wala lang talaga kaming maibigay na "limos" sa inyo dahil ultimo limang piso na barya e pinag-aagawan na ngayon dito sa bahay.

Balik na lang po kayo next year pag naipalabas na ang pelikula namin ni Bea Alonzo.

Ganito ang "Suck it!" Eto ang sikat na linya ng professional wrestlers na DX.


Malamig na Bangkay / Malamig na Dugo

Isang salita lang ang naiisip ko kapag binabasa ko yung nasa taas. Morbid.

At kung napansin mo ang aking embedded na MP3 player dun sa aking sidebar sa kanan, e iniimbitahan kitang ilipat ang track sa "Tatsulok" - na inawit ng bandang Bamboo, habang binabasa ang bahaging ito ng aking blog.

Nitong huli lang e parang may nagpahabol pa ng halos limang dosenang bangkay sa araw ng mga patay, bago magsimula ang Disyembre. Ang tinutukoy ko ay ang lintek na Maguindanao Massacre -- na kung saan sandamukal na tao ang hinarang ng mga alagad ng demonyo at pinagbabaril para hindi na makapag-file ng candidacy. Nadamay pa ang ilang mga news reporters sa mga napatay. Masaklap, oo. Masaklap talaga. Mas masahol pa yata 'to sa ginawa ng Abu Sayaff. Kapwa Pinoy, nagpapatayan. Kapwa Muslim, nagpapatayan.

Mga nahukay na bangkay ang nasa ilalim ng mga dahon ng saging...

Ang kapangyarihan talaga ang nagpapatubo ng sungay sa ulo ng mga swapang. Pumatay man ng iba e parang hindi na hadlang, makamit lang ang "upuan". Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ganun pa rin kadali itapon ang buhay ng mga tao para sa ibang tulisan -- tulad ng Abu Sayaff at nito ngang mga alipores ng isang makapangyarihang pamilya sa Maguindanao? Ayoko sanang lahatin ang mga "Muslim" dahil marami pa rin sa mga katulad nila na mas mabuti pa kesa sa ating mga Kristiyano (at hindi naman lahat dun e Muslim, sa paningin ko). Pero sino ang sasagot sa akin? Sino ang sasagot sa tanong ko na: "Bakit parang andali lang tumapos ng buhay para sa mga katulad ninyo?" Na para lang kayong pumapatay ng aso kapag meron kayong gusto?

Patawarin mo ako, Bro. Pero isa sa mga wish ko ngayong Pasko e mamatay na ang lahat ng bandidong kasali sa massacre na ito kasama na ang kanilang mastermind. O kung masyado mang brutal ang wish ko e, sana man lang, mabigyan ng hustisya ang mga namatay bago pa mag-tapos ang taon na ito.

At sa lahat ng presidential candidates diyan, eto na ang panahon ninyo para tuluyang magpa-pogi sa madla.

--------------------------------------------

Pasensya na at nasira ko ang mood ng mga bumabasa ng entry na ito, dahil naisama ko pa ang balita tungkol sa Maguindanao Massacre. Ayos na sana, ano? Dangan lang at gusto kong imulat ang mata ng mga tao ngayon, lalo na't Disyembre at nauuso na ang pamimili ng pamasko sa mga malls. Muli na namang naghahanda ang sangkatauhan para sa isang panahon ng kasiyahan at pagbibigayan.

Pero ikaw, tao. Tatanungin kita. Ano ba talaga ang gusto mo ngayong Pasko? Hindi ako si Santa Claus at hindi ko iyon maibibigay, pero, magiging maligaya ka ba talaga sa hihingin mo?

Meron ka pang halos dalawang linggo para mag-isip.


- FIN -

Monday, November 30, 2009

SerPol @ Hero Nation (Nov. 30, 2009)


Alam ko, marami nang naghihintay dito sa entry na ito. Knowing na isa ako sa mga pinaka-reklamador na tao na nilalang ni Bro kaya naman importante sa marami na marinig ang mga komento ni SerPol tungkol sa mga bagay-bagay (kahit sa pinaka-walang kwentang bagay tulad nitong nasa title ng blog entry na ito). Marahil ay dahil nagiging sanhi ng "comic relief" ang pagbabasa ng isang tao sa blog ko o sadyang wala lang silang magawa, at nakuha nilang gawing pamalit 'tong blog ko sa mga mala-alamat na jokes ni Long Mejia.

So ayun, simulan na natin ang dokumentaryo para sa araw na ito. Ang Pagpunta ni SerPol sa Hero Nation!

Audience: Woohooo!!!! Yeba! SerPol! Yeba!

Teka, bago ko nga pala simulan. Ang Hero Nation ay isang animé event na pinangunahan ng cable channel na Hero TV na siyang nagpapalabas ng mga...as usual, animé. Taun-taon ay nagsasagawa sila ng isang event kung saan magkikita-kita lahat ng mga weirdo sa Pilipinas upang magkaron ng isang kasiyahan na tiyak namang sila lang ang magkakaintindihan.

DISCLAIMER: Huwag niyo po akong sasampahan ng Libel case dahil isa lang po akong guro tulad ni Efren Peñaflorida (na nitong kailan lang e nakamit ang "CNN Hero of the Year" award dahil sa kanyang kabayanihan). Kahit walang konek. Basta, yun na yun. Walang pikunan, at peace tayong lahat.

------------------------------------------------------------

5:00 AM - 6:00 AM

Maaga akong nagising dahil sa alarm ng celphone ko. Kagabi, pinag-isipan ko pa kung anong oras gigising, kung 4:30 ba o 5:00. At dahil sa natural akong tamad e pinili kong gumising ng 5:00 AM. Walang ibang almusal na pwedeng kainin sa amin kundi ang isang Lucky Me Pancit Canton - Calamansi Flavor (nag-advertise pa raw ang ungas). Kinumbinse ko na lang ang sarili ko na nabubusog ako sa isang plato ng pancit canton na yun, kahit sa katotohanan e parang nararamdaman ko lang na gumuguhit ang mga hibla ng noodles nito at di na sila nagkikita ng large at small intestines ko.

5:20 na nung matapos akong kumain ng almusal at nagsimulang maligo. Medyo natagalan ako sa paghahanda at halos alas-sais na ako natapos (naglaro pa ako ng ilang rounds ng Tekken DR sa aking PSP habang nagdedeposito sa bangko sentral ng poso negro, at di ko na namalayan na maliwanag na pala sa labas). Dali-dali akong nagbihis (pang-matandang getup ang trip ko ngayon dahil gusto kong panindigan na isa na akong matanda kahit isip-bata pa rin sa kabila ng lahat), at humalik sa aking ina bilang pagpapaalam at di naman niya nakalimutan ang tag line niya na "ingat ka at huwag mong kakalimutan ang pasalubong ko"

------------------------------------------------------------

6:00 AM - 8: 30 AM

Meeting place: STI Santa Rosa. Linsyak, eto na naman kami. Magkikita na naman kami ng aking Alma Mater at Mortal Enemy. Bakit kamo sa STI? Kasi lahat ng kasama ko sa araw na yun e mga kaibigan at dati kong estudyante sa STI Santa Rosa. Nakakatuwa namang isipin at welcome pa rin akong magpabalik-balik dun, kahit tinatawanan ko sila palagi pag may naririnig akong isyu tungkol sa kanila (STI Santa Rosa). Bitter.

Eniwey, dumating ako ng halos 6:30 na (yata, di ko na masyadong matandaan) dahil kahit lumabas ako ng bahay ng alas-sais, e alas-sais kinse pa rin umandar ang diyaskeng tricycle na sinakyan ko dahil limampu pa ang hinintay na sumakay bago pa ito lumarga. Pagkarating na pagkarating ko sa meeting place namin e agad kong kinuhanan ng picture gamit ng aking celphone, ang aking dating paaralan bilang simula ng aking pagdodokumentaryo sa mangyayari ngayong araw na ito.



Muli tayong nagkita...

Sarado ang gate. Walanghiya. Hinanap ko ang mga kasama ko at nakita ko silang naglalaro ng pusoy dos gamit ang kanilang Magic cards sa isang malapit na carinderia. Kulang ang barkada, hindi nakasama ang ilan sa amin dahil sa ibang personal na dahilan. Ang isa ay kasalukuyang iniihaw sa Lydia's at ang isa naman ay kasalukuyang nagsisilbing masokista sa isang delivery center. Ngunit ganunpaman, present pa rin ang mga numero-unong adik sa tropahan. Nagulat lang ako ng konti dahil merong isang bagong mukha na sumama sa lakad namin: isang babaeng nagngangalang...ano nga pala uling pangalan nun? "Kiss"???

Alas-syete na nang sumakay kami sa van na may biyaheng Makati. Naghintay pa rin kami ng kaunti para mapuno ito at naka-isang game pa kami ni Ran Kei Shiro sa Phantasy Star Zero (isang laro sa Nintendo DS) bago pa ito napuno at umandar. Dun na rin nagka-bigayan ng tickets (bumili na kami para derecho pasok na lang kagad mamaya) at nagkakuwentuhan tungkol sa ilang bagay. Naging mabilis at swabe naman ang biyahe. Walang trapik. Natagalan lang kami sa Makati Avenue dahil hindi namin alam kung paano pupunta sa A-Venue Hall, na siyang venue ng Hero Nation. Matapos ng 20 minutong pagkonsulta kay Sultan Kudarat at Marcelo Del Pilar (mga machogwapitong naka-pose sa Makati Avenue) ay sa paglalakad din kami nauwi. Walastik.

8:30 na nang dumating kami sa A-Venue Hall. Pagod na pagod at naghahanap na ng stretcher.

Sa wakas...ang mahiwagang pinto!

------------------------------------------------------------

8:30 AM - 10:30 AM

May iilang kabataan na kaming nadatnang nagkukulitan sa entrance ng venue. Meron nga pa lang tatlong entrance: entrance para sa may ticket na, entrance para sa mga bibili pa lang ng ticket, at entrance para sa mga "cosplayers". Oo nga pala, kung sakaling di mo alam kung ano ang "cosplayers", sila yung mga animé addicts na nagbibihis ng damit o costume katulad ng sa mga animé characters tulad nila Goku, Naruto at Mojacko. Siyempre, dun kami pumila sa una, dun sa "may mga ticket na"

Nadatnan din namin dun ang isa sa mga dati kong estudyanteng babae at dati ring karelasyon ng isa sa mga kasama ko. Alam kong mahirap maintindihan ang parteng ito dahil wala naman kayong idea kung anong nangyari at ayoko ring magbitaw ng mga pangalan. Hehe. Basta ayun na yun. Isipin niyo na lang ang isang scenario kung saan nagkita ang dating magsing-irog. Yun nga lang at ibang nobyo na ang kasama ni babae. Hehehe.

Ayun, ang tagal naming naghintay sa entrance. Pabalik-balik ang haring araw sa pagsikat at medyo nahilo ako sa init. At dahil sa gutom at pagod sa paglalakad, nagkulitan na lang kami sa pilahan -- ang unang bagay na ginagawa ng mga nababaliw na sa pagod at gutom. Alas-diyes pa daw magbubukas ang entrance. Susginoo. Wala na kaming ibang nagawa kundi palipasin ang oras sa kuwentuhan (kasama ang isang Naruto cosplayer na maya't mayang nakikisabat sa usapan namin gayong di naman namin siya kilala) at tawanan.

Isa-isa naming pinagtawanan ang mga cosplayer na dumadating dun lalo na ang cosplayer na nagbihis ng isang costume na di namin mawari kung saang planeta galing...parang isang cyborg version ni Michael Jackson. Pagpasensiyahan niyo na ako kung di ko kilala ang lahat ng animé characters at nagtataka pa rin kung animé character ba talaga ang ginagaya ng kolokoy na yun o isang palaboy na gumagawa ng armor gamit ang mga basurang napupulot niya. Nakakatuwa. Sabi ko na nga ba at totoo ang teorya ko na buhay pa si Michael Jackson at namumuhay na bilang isang robot.

Ganito ang mangyayari kay Jacko pag naiwan sa kusina...

Lumipas ang alas-diyes at di pa rin nagbubukas ang mga gates. Labas-pasok ang mga staff sa building na tila ba nagyayabang na "ako ang staff dito, belat" ganun na rin ang mga security guard na nagbihis ala-SWAT para lang maka-sindak (mga traffic enforcers yata to na nag-cosplay din). Naririnig na namin ang mga pahaging ng mga nakapila. Nagrereklamo na kung bakit sarado pa rin. At dahil naaasar na rin ako, sumigaw ako (sa boses na ala-Mike Enriquez) ng "Susmaryosep! Ano ba 'to? Alas-diyes ba ngayon o alas-diyes bukas?!"


Hoy, ikaw. Kung ikaw talaga si Naruto, buksan mo ang pinto!

------------------------------------------------------------

10:30 AM - 2: 00 PM

10:30 na nang umaga nang napag-pasyahan nilang pilasin ang mga tickets namin at suyurin ang bag namin kung meron ba kaming patalim, bomba at pagkain (oo, bawal ang pagkain dahil may mga nagbebenta na sa loob) Nakapasa naman ako sa guwardiyang mapanuri pagkatapos niyang kalampagin lahat ng gamit ko sa bag, na para bang naghahalo lang siya ng mainit na kape, (kasama na ang Nintendo DS, PSP at celphone ko) at matapos niyang himas-himasin ang buong katawan ko sa kanyang paghahanap kung meron bang time bomb na nakaipit sa mga bilbil ko e wala naman siyang nakita. Buti na lang at wala. Mwehehehehe...


Ang tatlong kumag sa harapan ni Voltron

Samu't-saring booths ang tumambad sa amin pagkapasok namin sa loob. May booths na nagbebenta ng animé merchandise, may booth na nagbebenta ng piratang DVD's ng animé, may booth din para sa registration ng gustong sumali sa iba't ibang contest tulad ng drawing at dubbing. Andami. Nakakahilo. Puro animé. Kulang na lang e condom na may mukha ni Doraemon. Magsasawa ka talaga sa dami. Pero imbes na animé ang hanapin, e ang food booths ang una kong minarkahan sa aking "imaginary map". Nagdedeliryo na ako sa gutom at pinagkakamalan ko nang dambuhalang squidballs ang mga nakikita kong bagay sa ilalim ng mga mini-skirts na nakakasagupa ko. Di ko na kaya. Kumain na ako.

Japanese-style Beef Bowl. 77 Pesos. Anak ka ng tinolang duleng. Isang linggong supply na ito ng tinapa e. Bumili na rin ako ng pineapple juice na nagkakahalagang bente pesos para naman mas madaling lunukin ang pagkain na labag naman sa bulsa ko ang presyo.


Ito lang ang naiuwi ko galing sa event.
Isang DVD copy ng Sayonara Zetsubou Sensei
at Black Jack; at hindi pa gumagana ang disc 1 ng isa...

Kanya-kanya kaming ikot pagkatapos kumain. Sa unang tingin, maraming booths. Maraming pwedeng pagka-gastusan. Pero kung nang-galing ka na sa mga naunang events ng Hero e mapapansin mong parang maraming kulang. Mapapansin mo rin na napakaliit ng venue, at isa-isa nang nagdadagsaan ang mga miron. Napuno ang venue sa isang kisapmata at nakita ko na lang ang sarili ko na lumalangoy -- nagba-butterfly stroke at sumisisid sa isang mistulang-dagat na puno ng tao.


At nagsimula na ang programa...

Inatake na naman ako ng asar. Sa buong buhay ko, hindi ko talaga nagustuhan ang mga crowded places. I hate crowds, ika nga. Di ko nga alam kung bakit pa ako nandito. Para lang akong baliw. Wala naman akong phobia o kung ano, pero lumaki lang talaga ako na walang ibang kinakausap kundi ang kaluluwa ni Hitler. Hehe, biro lang. Ayoko lang talaga ng maiingay. Nawawala sa "sync" ang utak ko 'pag maraming maingay at magulo sa paligid.

Nagpasya na lang kaming umalis ng mga bandang alas-dos dahil pati ang mga kasama kong Otaku ay na-disappoint na rin sa event. Di ko rin nakita ang mga kasamahan kong staff sa PKMN-ph.com dahil sinindak ko sila nung isang araw. Ako man ay di nag-enjoy at muli ko na lang ibinaling ang aking atensyon sa mga babaeng naka-suot ng mini-skirt at walang habas na bumubuka-bukaka.


Ano ba?! Sino bang kumuha nitong picture na ito?!

------------------------------------------------------------

2:00 PM - 6:00 PM

Megamall. Oo, tama. Megamall na lang.

Nagpunta na lang kami sa Megamall para masolusyunan ang pagka-bitin namin sa nasabing event at nagsimula na naman ang sangkatutak na lakaran. Halos mapugot na ang mga paa namin sa pagod. Kung nakakapagsalita lang ang paa e malamang e minumura na kami ng mga ito. Pero sige pa rin, makapagpalipas lang ng oras. Walang masyadong nangyari sa Megamall kundi - lakad, lakad, kain, lakad, lakad, bili ng konting merchandise, lakad at lakad uli. Sa mga puntong iyon, gusto ko nang mang-agaw ng wheelchair o stroller sa mga matatanda at mga sanggol na nakakasalubong namin. Sobrang pagod na talaga ako. At sabi ko nga, sa mga oras na iyon, dalawa na lang ang gusto kong mangyari: ang sumigaw dahil sa pagod o ang magbigti ng sarili.

At dahil hapon na at nag-uumpisa nang mag-hari ang kadiliman, nagpasya na kaming umuwi. Pero bago pa uli kami nakasakay ng van pabalik ng Laguna e sumailalim na naman kami sa isang mahabang lakaran na siyang nagpatulog sa amin sa biyahe kinalaunan.

------------------------------------------------------------

ANG KONKLUSYON

Kasalukuyan pa ring nangangatog ang mga paa't tuhod ko habang tina-type ko ito, pero di ko maiwasang mamangha sa aking sarili at nagawa ko pa ring mag-type ng ganitong kahabang dokumento sa kabila ng pagod. Hehe.

Palpak ang Hero Nation. Para sa aming mata siguro, oo palpak talaga. Bakit? Una, dahil sa isang venue na di ganong kilalang pinagdarausan ng mga ganitong events ang napili nilang lugar. Anong nangyari sa SMX at Megatrade Hall? Maliit ang lugar, at paano naman magkakasya ang 500+ katao sa isang lugar na mas malaki lang yata ng kaunti sa isang basketball court? Isama mo pa ang mga booths, kainan at stage. Mai-imagine mo na siguro kung gaano kasikip dun. Tungkol naman sa programme, di ko na huhusgahan yun dahil di na naman namin tinapos. Ang huli ko na lang na nasaksihan e ang pagsayaw ng Pilipinong "seiyuu" (voice actor) ni Naruto na sadya namang napaka-corny, gusto ko nang maglatag ng banig at matulog na lang nang mahimbing. Lahat siguro ito ay naging sanhi ng isang pagpa-plano na pabagu-bago at mukhang tinapos sa isang desperadong paraan. Kung matatandaan ng marami, ilang beses na na-move ang event na ito magmula Nov. 6, naging Nov. 20, at biglang naging Nov. 30.

Pero ganun pa man, marami pa rin akong natutunan sa adventure na ito. Iisa-isahin ko lang para sa inyo (huwag kayong mag-alala at malapit na itong matapos, hehe)

  • Huwag kang maglalaro ng PSP habang tumat**
  • Huwag kang magsusuot ng leather shoes lalo na't di mo alam ang papunta sa lugar na pupuntahan mo
  • May tatlong stage pala ang pagkapagod ng isang tao: 1.) Magrereklamo sa pagod 2.) Mangti-trip at makikipagtawanan ng malakas, at 3.) Tatahimik at di mo na makakausap
  • Mainitin ang ulo ng mga dispatcher sa terminal
  • Masarap makipag-sumo wrestling sa loob ng MRT
  • Hindi sikat si Mojacko
  • Si Michael Jackson ay pwede ring animé character
  • Naka-shorts din minsan ang mga babaeng naka-mini skirt (inosente po ako)
  • Ang beef na ginagamit sa beef bowl e para lang BACON
  • Legal ang pamimirata ng DVD sa mga ganitong event
  • Marami talagang weirdo sa mga ganitong event at uso dito ang pakikipag-usap sa sarili
  • Late ng isang oras ang orasan ng mga staff ng Hero
  • Si Naruto ang mascot ng Hero at hindi si Cha-cha
  • Magmumukha kang bumbero pag di mo sinuot ng maayos ang costume ni Naruto
  • Binebenta pala ang Death Note, hindi nilalaglag ng demonyo
  • Magmumukha palang aswang si Voltron pag di na-assemble ng maayos
  • Masakit pala kapag pinagpalit ka ng ex-girlfriend mo sa isang tao na mas adik pa sa animé kesa sa iyo, hehehe (jeeeee.....poooo.....yyyyy)
  • Maganda pala pag-aralan ang "teleportation" para hindi ka na mapagod sa mahabang lakarin
  • Ang isandaang piso ay mas mainam pa ring ipang-gastos sa hair wax kesa sa mga event na ganito
Overall, nasayang lang sa akin ang 100 Pesos sa ticket na yun. Ngayon alam ko na kung pupunta pa ako sa susunod na Hero Convention. At ang sagot diyan ay: Hinde. Hindi talaga ako para sa mga ganitong okasyon. Oo at mahilig akong manood ng animé, pero hindi sa punto na magsusuot na ako ng damit ni Eugene o ni Recca at titira ng bolang apoy gamit ang aking kili-kili at singit.

Hindi ko na alam kung paano tatapusin 'tong entry na ito...pagod na pagod na talaga ako at ang naaalala ko na lang e ang...zzzzzz.....mga....

....mini....skirts....zzzzz....

- FIN -

Thursday, November 19, 2009

Ang Muling Panayam

NOTE: Pakiusap lang, huwag masyadong pakaseryosohin ang inyong mababasa kung ayaw ninyong tumanda ng maaga. Sabi nga sa kanta, "Batu-bato sa langit, ang tamaan - HUWAG MASYADONG HALATA"

Enjoy lang, mga kapatid.

______________________________________

Interbyuwer: Magandang araw sa inyong lahat at muli na naman tayong pinaunlakan ng ating paboritong guro *ubo-ubo* eherm... Iyan ay walang iba kundi si SerPol! Kumusta SerPol?

SerPol: Yo!

I: Kumusta ka, ika ko?

SP: Ah, ayos lang. Pogi pa rin.

I: First question *tigas talaga ng mukha nito* kumusta naman ang iyong unang linggo ng pagtuturo sa 2nd semester ng iyong tinutuluyang iskul ngayon?

SP: Ah, medyo ok naman. Maraming bagong estudyante. Di na ako naka-lock sa iisang course ngayon, tulad ng dati na puro IT students lang ang nakikita ko.

I: May isyu lang kaming gustong klaruhin. Nagkaroon ka ng job application sa Taguig City University bilang isang IT Instructor, ano ang nangyari?

SP: Ah yun. Una, napakalayo ng Laguna sa Taguig. Bago pa ako makarating dun e baka isang semester na akong late.

I: Pero pwede ka namang mag-rent ng kwarto sa isang boarding house doon, di ba?

SP: Oo, at pagkatapos, may anak na ako pag-uwi ko ng Laguna.

I: Hehe. E paano naman ang tiyahin mong tumulong sa iyo para pumasok doon?

SP: Ah oo, siya ang tumulong sa aking pumasok doon. At siya rin ang naging isa sa mga dahilan kung bakit nagpasya na akong di na tumuloy dun. Hehehe.

I: May mensahe ka ba para sa mga taga-TCU?

SP: Sa totoo lang, wala sana. Pero hihingi na lang din ako ng pasensya sa pamunuan ng TCU at di ko na tinuloy ang application ko diyan. Alam kong mabilis niyo ring malilimutan ito dahil malamang sa malamang, habang binabasa niyo ito e nakakuha na kayo ng isang dosenang teacher na papalit sa slot na dapat para sa akin.

I: So sa ASIATECH ka pa rin natuloy. Di ka ba nanghihinayang na dalawang mabigat na school na ang tinalikuran mo?

SP: Minsan, oo. Pero mabuti na rin yung ganito. Sasabay na lang ako sa pag-lago ng ASIATECH habang wala pang tiyak na pupuntahan ang buhay ko. Simple lang naman ang naging sitwasyon ko. Parang pinapili lang ako kung alin ba ang mas gusto ko: Canteen o Restaurant. Siyempre ang pinili ko e yung packed lunch.

I: Nyak! Di ka ba natatakot na baka mademanda ka *sana* dahil sa paggamit mo ng mga pangalan ng mga institusyon na yan sa mga blog entries mo?

SP: Kung si Piolo Pascual nga pwedeng asaring bakla ng kung sinu-sino, e bakit naman sila hinde? At isa pa, wala naman akong sinasabing masama para papuntahin nila dito si Atty. Sison at pakantahin si Freddie Aguilar ng "Ipaglaban Mo"

I: Yan ang gusto ko sa iyo e! Straight to the point! Napuri ka na ba dahil sa pagiging prangka mo?

SP: Hindi pa, pero nasibak na ako dahil diyan. Hahaha.

I: *Uhm! Loko!* Haha! Ano ngaba ang sikreto ni SerPol at parang napakadaling sabihin ang lahat ng nasa isip mo?

SP: Butas na bulsa. Yun lang.

I: Showbiz na teacher ka raw? Naniniwala ka ba dun?

SP: Oo, pero kung magpapa-autograph lang sila sa akin. Nagkaroon na rin kasi ako ng mga kasamahan noon na mahilig magpa-sikat sa mga estudyante kaya tingin ko, meron pa ring naiwang latak sa akin.

I: Ibig sabihin, may mga humahanga na sa iyo?

SP: Hindi ko alam. Wala pa namang kumikidnap sa akin.

I: Tungkol naman sa isyung chickboy ka... Nagpapacute ka nga ba sa mga estudyante mong babae?

SP: Hinde. Sila ang nagpapa-cute sa akin. Inosente akong tao. Napaka-seryoso ko sa trabaho ko at HINDING-HINDI ko pa yun naisipang gawin sa buong buhay ko. (Biglang kumulog ng malakas)

I: Pero bakit andami nang nali-link sa iyo?

SP: Ganyan talaga ang buhay. Kahit pulgas ay nali-link din sa mga katulad kong batang guro.

I: Pero may nobya ka sa ngayon di ba?

SP: Tito Boy, ayoko muna siyang pag-usapan...

I: *Showbiz talaga 'tong tao na 'to* Eherm. Hindi ako si Tito Boy. Next question:

SP: May plema ka ba?

I: Ah, wala naman. Next question: Anong masasabi mo na meron kang protegé? Isang binatilyong nagngangalang: Ran Kei Shiroe

SP: Ako'y natutuwa at kinapupulutan niya ng aral ang mga akda ko at ginagamit niya sa sarili niyang kawalanghiyaan. Ngayon, dalawa na kaming pagtatawanan ng buong mundo.

I: Oo nga, magkahawig din ang mga entries ninyo. Hindi ba ikaw din yan?

SP: Hindi ako yan. Mas cute ako sa kanya ng isang light year.

I: *Grabe na ito...* Kumusta naman ang PKMN-ph.com? Ang website na pinagsisilbihan mo ngayon?

SP: Patay ang forums ngayon, wala masyadong nagpo-post dahil kasalukuyan yata silang dinidikdik na parang bawang sa eskwelahan. Kung kayo ay walang ginagawa at adik kayo sa Pokemon, ay pumunta lamang DITO.

I: Pokemon fan ka? Di ba para lang sa mga bata yan?

SP: Sabihin mo sa mga naglalaro ng FarmVille at PetSociety na tigilan na nila ang pag-uulyanin at titigil rin ako sa Pokemon.

I: Hehehe, siya nga naman. Ano na ang mga susunod mong gagawin? May plano ka ba?

SP: Wala naman masyado. Abangan niyo na lang ang world tour ko. Meron akong concert para sa mga may sayad at mga adik. Available na ang tickets sa pinakamalapit na mental hospital diyan sa inyo.

I: Facebook?

SP: Ah, marami nga akong dini-deny na friend request. Di ko rin maiwasan.

I: Bakit naman? Ayaw mo nun, at dadami ang friends mo?

SP: Kasi ganito yan, kaya ko nire-reject yung ibang friend requests kasi:

  1. Malamang di tayo close o di tayo magka-kilala at nagpaparami ka lang ng friends.
  2. Pangalawa, pag mas maganda at mas sexy ka (para sa babae lang, at di sa mga binabae), mas mataas ang tsansa na iapprove ko ang request mo.
  3. Di ako naglalaro ng FarmVille at di ko rin nilalako ang sarili ko sa Friends for Sale, kaya please lang, wag niyo akong i-add kung gusto niyo lang akong hingan ng mga kabayo o gusto niyo lang bilhin ang pagka-lalake ko.
I: Any parting words? *Umuwi ka na, please lang*

SP: Ah, di ko na pahahabain. May appointment pa ako e.

Audience: *Palakpakan* Yeba!

I: At diyan po nagtatapos ang ating ikalawang panayam kay SerPol! Hanggang sa susunod! *Sana wala nang sumunod* Eto po ang inyong lingkod, na si....Nyak! Anong ginagawa mo diyan, SerPol?!

SP: Ah, eto ba? Nagpapalit lang ng profile picture. Baka sakaling makaakit ng tsiks.

I: Nyak!


-FIN-