Wala na naman akong magawa...kakatapos ko lang magmeryenda ng pitsa, este "pizzzzzzaaaaa" (sa pagkaka-pronounce ng mga kaibigan nating elitista). Ganun pala dapat ang pronounciation nun, "PiiZZZZaaaAAA!" Kelangang matunog yung letter "Z". Kumbaga parang "Pidza". Parang retarded lang ang tunog. Ah ewan, kung sino bang ungas ang umimbento sa pangalan ng pagkaing iyon e wala na akong pakialam.
Saan na nga ba ako, ayun. Yun pala ang title ng blog entry ko ngayon: UNCONVENTIONAL. Bakit ko nga ba naisipang isulat ito? Wala lang. Kasi nakakaumay na ang mga tao ngayon pagdating sa "taste". Kelangang pausuhin muna ng marami ang isang bagay/produkto bago patukin. Sa mga conyo/elitista/mayayaman/sosyal/social climber, uso ang mga bagay tulad ng Starbucks, Rockwell, Trinoma, Miley Cyrus at FaceBook. Sa mga jologs naman, uso ang Marian Rivera/Dingdong Dantes, Pinoy Showbiz Talkshows, Pulitika, Calamares at Friendster.
Eto ang dahilan kung bakit wala akong pinapanigan sa dalawang kultura ng pinoy ngayon pagdating sa mga bagay-bagay ngayon:
CONYO
Kahit paikut-ikutin niyo pa ang monitor nyo ngayon, di ko pa rin maiwasang maasar sa mga conyo. By the way, in case you haven't heard of the term... amp, ang corny. Tagalog dapat. Eto yung mga Pinoy na nabiyayaan ng swerte pagdating sa pera. Kadalasan ng mga conyo e yung mga college students ngayon na pumapasok sa mga exclusive schools tulad ng at . Batu-bato na lang sa langit. Malamang may titira sa aking conyo pag nabasa nila ito:
"Palibhasa kC Ur a poor man. Duh! Ur juz jealous! Grow up!"
Eto ang masasabi ko sa iyo:
"MUKA MO! Gahasain kita diyan e!" Kaya pala may internet ako ngayon sa bahay at nagsusulat ng blog para ipasak sa utak mo. Hah! Kala mo ha?! (Kahit medyo masakit sa bulsa, huhuhu... T_T)
Ang mga conyo, sila yung mga klase ng tao na binibigyang emphasis ang lifestyle nila bilang mayayaman. So, di sila bumibili ng taho, alamang/bagoong, tinapa at marami pang iba. Di mo sila makikitang namamasyal sa Isettan o sa anumang mall na yun na nasa Quiapo at Avenida. Pag nakita nila ang Luneta, "yuck" ang kadalasang namumutawi sa mga bibig nila. Ang mga kadalasang tambayan ng mga taong ito e sa mga mall katulad ng Shangri-La, Trinoma at Glorietta.
Di rin sila umiinom ng ordinaryong kape lang. Kelangan, palaging "Starbucks" o "Seattle's Best". Syet. Yun yung kape na isang lagok mo lang e, gagastos ka na ng P100.00. Minsan may hawak pa yang dyaryo habang umiinom o di kaya e nakaplastada ang laptop sa lamesa, pilit na pinapatagal ang P100.00+ na kape dahil nakakapang-hinayang ubusin sa isang lagok. Pero ang nakakatawa sa mga konyo e, inuuwi rin nila yung baso ng kape bilang "souvenir". Parang jologs lang din. Sa hilig kumain ng mga Konyong-Pinoy sa mga mamahaling resto e inabot tuloy ng milyun-milyon ang ginastos nila PGMA and her ka-Friendsters ng bumisita sila sa Bayan ni Joe. Anak ng pusang duling naman, oo...
Di rin nanunood ng telenovela/teleserye ang mga konyo. Pag tinanong, kadalasan ang isasagot nilang palabas e yung tipong katulad ng:
Pagdating sa pastime, hanep din ang mga konyo. Bukod sa malling, eto ang mga posible nilang gawin:
Saan na nga ba ako, ayun. Yun pala ang title ng blog entry ko ngayon: UNCONVENTIONAL. Bakit ko nga ba naisipang isulat ito? Wala lang. Kasi nakakaumay na ang mga tao ngayon pagdating sa "taste". Kelangang pausuhin muna ng marami ang isang bagay/produkto bago patukin. Sa mga conyo/elitista/mayayaman/sosyal/social climber, uso ang mga bagay tulad ng Starbucks, Rockwell, Trinoma, Miley Cyrus at FaceBook. Sa mga jologs naman, uso ang Marian Rivera/Dingdong Dantes, Pinoy Showbiz Talkshows, Pulitika, Calamares at Friendster.
Eto ang dahilan kung bakit wala akong pinapanigan sa dalawang kultura ng pinoy ngayon pagdating sa mga bagay-bagay ngayon:
CONYO
Kahit paikut-ikutin niyo pa ang monitor nyo ngayon, di ko pa rin maiwasang maasar sa mga conyo. By the way, in case you haven't heard of the term... amp, ang corny. Tagalog dapat. Eto yung mga Pinoy na nabiyayaan ng swerte pagdating sa pera. Kadalasan ng mga conyo e yung mga college students ngayon na pumapasok sa mga exclusive schools tulad ng
- Prison Break
- CSI
- Gray's Anatomy
- Desperate Housewives
- Gym Workout para sa mga lalake (vain ang mga lalakeng konyo, kelangang i-maintain nila ang kanilang mga katawan para handa palagi sa romansa..)
- Spa/Body Scrub para sa mga babae (parehas lang din ng sa lalake, para handa rin sa romansa, NYAHAHAHA!)
- Bar-hopping/clubbing: Ah dito, talamak ang one-night stand. Di pa ako nakakapunta sa mga ganitong klaseng lugar, at sa totoo lang gusto ko ring ma-experience yung lalapitan ka ng isang babae at sasayawan ka habang kinikiskis ang pwet nila sa pundya mo. >:) Napaka-wild ng mga konyo.
____________________________________________________________________
JOLOGS
Ah, wala akong masyadong masamang tinapay sa mga jologs, kumpara sa mga konyo. Bakit? Kasi lumaki akong di nakakaranas pumasok sa exclusive schools, magmula elementary hanggang college, 50 Pesos lang ang laman ng pitaka ko. Di rin ako nagkaroon ng Playstation o GameCube nung kabataan ko, Family Computer lang at Mega Joy (research niyo ito, hehehe). Nung Grade 3 ako, tumigil na ako sa "service" o yung "hatid-sundo van". Lumaki akong nakikinig sa mga kanta ni Rey Valera at Barry Manilow. 15 years akong nag-aral ng English subject, di katulad ng mga mayayamang bata na natutong mag-english sa kakapanood lang ng SpongeBob.
Sa maikling salita, laki ako sa hirap. LAKI SA UTANG. At di ko ikakahiya yun. Simbolo lang yon ng pagsisikap ng mga magulang ko, sa ibang paraan nga lang.
Ang ayoko lang sa mga jologs e yung kakayanan nilang palakihin ang isang bagay; mapa-showbiz, tsismisan, pulitika etc. Wala silang pinagkaiba sa mga konyo pagdating sa pag-suporta sa mga hilig nila. Kung ang mga konyo e may CSI, ang mga jologs naman ay may Darna. Kung ang mga konyo e may Brad Pitt at Angelina Jolie, may John Lloyd at Bea naman ang mga jologs. Ganun din. Parehas lang mababaw. Nagkaiba lang sa lahi na sinusuportahan. Pero kung titignan kung sino ang mas Pinoy, walang duda, sa jologs na ako.
Ang mga jologs, natural na mga pakialamero at pakialamera. Pilit aalamin kung bakla ba talaga si Piolo at Sam, pilit aalamin kung sino ba talaga ang tatay ng batang pagala-gala sa kalye nila. Pilit na patatalsikin ang kahit sino mang nasa puwesto at may kapangyarihan. Walang kakuntentuhan ang mga jologs.
Dahil nga rin sa mahilig makiuso ang mga jologs, magugulat ka na lang pag pumasok sa bahay ng isa. Aba't sinong mag-aakala na pwedeng magkaroon ng N-Series na celphone ang isang maybahay ngunit di naman napapag-aral sa matinong paaralan ang kanyang anak? Sa squatters' area, marami kang makikita na may DVD sa kani-kanilang mga bahay. Anak ng tyanak, at ang pinakagusto kong pastime ng mga jologs ay SEKS. Oo, SEKS. Rated PG. Mas magaling ang mga kapatid nating konyo pagdating dito, may proteksyon, o kaya e kampanteng makabuntis kasi may pera. Ang mga jologs, mahilig din dito. Kaya tignan mo, wala na ngang pera e anak pa rin ng anak. Parang iniuutot lang ang mga paslit. Kaya siguro ayaw pakawalan ng Pinas ang Spratly's para gawin iyong extension ng bansa natin sa sobrang dami na ng populasyon.
____________________________________________________________________
Ang mga konyo, sobrang nakaangat na ang paa sa lupa. Di na ma-reach. Ni hindi mo na nga malaman kung karapat-dapat pa ba silang tawaging "PINOY" o hinde. Sa kabilang banda naman, mas "Pinoy" tignan ang mga jologs, dahil laging nakatapak ang mga paa nila sa lupa. Yun nga lang, nakatapak lang at di naman lumalakad. Di umaangat. Walang asenso.
Sa pagkahaba-haba ng mga sinabi ko, eto lang ang gusto kong ipahiwatig:
"Pipiliin kong mabuhay sa sarili kong paraan" nang walang sinusundang rekomendasyon magmula sa kahit na sino. Wala akong papanigan sa dalawang kultura na yan, mabubuhay ako bilang isang Pinoy sa sarili kong sikap. Di ako magpapa-apekto sa tinatawag na "STEREOTYPING", dahil wala namang perpektong paraan ng pamumuhay. Mapa-mayaman o mahirap ka pa, e pare-parehas lang naman tayong umuutot at kumakain ng kanin.
Ikaw, KONYO ka ba o JOLOGS???
Ayun lang. Hanggang sa muli.
No comments:
Post a Comment