Malapit na ang Halloween, at as usual, wala na naman akong magawa. Di ko nga alam kung bakit, imbes na naghahanap ako ng ibang mapapasukang trabaho e nandito na naman ako sa harap ng kompyuter, nag-iisip na naman ng walang kabuluhang bagay para ibahagi sa sanlibutan. (Vote SerPol for President!)
Pero ayun, sabi ko nga, malapit na naman ang Halloween. Eh ano bang dapat ipagdiwang sa araw na yun? Kelan pa nag-simulang ipagdiwang ng mga tao ang mga aswang, tikbalang, bampira, demonyo, mambabarang, Frankenstein, mummy, tik-tik (na sa kasamaang palad ay hindi na tinuturing na aswang ngayon kundi isang babasahin na na naglalaman ng mas kagula-gulantang na mga imahe) at kung anu-ano pang uri ng maligno? Kelan pa unang nakakumpetensya ni Jollibee (na kadalasan e baklang crew ang nasa loob) si Count Dracula sa mga parties bilang "star of the night"? At kelan pa nauso ang "Trick or Treat" sa mga paslit na susubukan kang takutin sa gabi ng October 31 para lang makahingi ng kendi at pera?
Naalala ko pa noon na muntik na akong maka-sapak ng bata dahil may biglang sumakmal sa pwet ko habang naglalakad ako nung gabing yun, para lang sa linsyak na "Trick or Treat" na yan. At kapag may mga batang nagti-Trick or treat sa labas ng bahay namin, lagi akong may nakahandang bazooka para pasabugan sila sa mukha (kasama na rin ang mga linsyak na teacher ng mga batang iyon na promotor ng naturing na TAKUTAN) dahil di naman sa nakaka-takot ang ginagawa nila kundi nakaka-bulahaw at nakaka-buwisit lang. Ngayon, pwede ko na rin sanang gamitin ang Death Note ko para isusulat ko na lang ang pangalan nila isa-isa at habang-buhay na nilang paninindigan ang mga pampatay na costumes nila! Mwahahahaha! *Tawang demonyo uli* Kaso, para magamit ang Death Note, kelangang alam mo ang pangalan ng biktima mo. Sayang lang at walang suot na ID ang mga batang iyon..tsk, walang silbi na Death Note...Buset...
(Referee: Pag-pasensiyahan niyo na si SerPol at maya't-mayang tinatamaan yan ng Alzheimer's Disease)
Sabi ni pareng Wiki (Oo, kumpare ko ito! Ito ang magiging ninong ng magiging anak ko e), ang Halloween daw ay nag-simula noong Great Famine of the 1840's na kung saan itinuturing ito bilang isang sekular na selebrasyon. Ito daw ay nag-ugat mula sa pinagsamang impluwensya ng mga selebrasyon ng Celtic Paganism (Samhain) at ng Kristiyanismo (All Saints' Day).
Ang Samhain ay ipinagdidiwang ng mga Pagano bilang pag-gunita sa pagtatapos ng "Harvest Season" at panibagong pagsisimula ng kanilang Celtic Year. Ang All Saints' Day naman ay ipinagdidiwang ng mga Kristiyano bilang paggunita sa mga buwayang nagbebenta ng 200-Pesos na kandila at 1,500-Pesos na bulaklak na nasa lata. Marami ding restaurant sa mga sementeryo pag All Saints' Day tulad ng Greenwich, Andoks at Pizza Hut. Balita ko nga e, sasama na rin daw ang Starbucks, at Seattle's Best sa linya ng mga kainan dun sa araw ng mga patay, para naman mabago ang ambience. Masarap uminom ng espresso at latte sa tabi ng mga bangkay, akala niyo lang.
Talamak din ang nakawan, at ipinagdidiwang din ang mga kili-kili sa araw na ito dahil sa napakasarap na amoy nito. Mmmm! Di ko pa nasasabi na magiging kamuka mo pa si Undertaker paglabas mo ng sementeryo dahil magmumuka kang WRESTLER sa pakikipag-unahan sa mga nitso. Di mo mamamalayan na namumukol na ang mga muscles mo sa braso at tumitirik na rin ang mata mo dahil sa pagod, ala-Undertaker.
(Nakakatawa lang isipin at ako ay isang Katoliko)
Tama nga ako, pag nag-sama ang Pagano at Kristiyano e impyerno ang mangyayari, hehehe. Isa lang naman ang layunin ng Halloween; at yun ay ipagdiwang ang mga patay. Tsk, mabuti pa ang patay, ipinagdidiwang...nakaka-lungkot, gusto ko na rin tuloy mamatay (sabay basa ng entry kong: Top 5 EMO Dialogues Ayon Kay SerPol na matatagpuan sa link na ITO)
Sikat na sikat ang mga kampon ng kadiliman sa araw na ito. Nagtata-talon siguro si Satanas pag October 31 kasama ang mga alipores niya mula sa "Land Down Under" Pero imbes na Drakula , Sadako at Mummy ang gamiting costumes sa party na iyon, bakit di na lang maging creative at subukang gumawa o mag-suot ng costume ayon sa mga sumusunod na tema:
- Lethal Injection - Gumamit ng Muriatic Acid bilang pamalit na likido
- Boss mo + Resignation Letter mo
- Bin Laden - maglagay ng lubid sa leeg
- Hitler - Huwag kakalimutan ang bigote!
- Abu Sayyaf leaders - Magdala rin ng pugot na ulo
- Bonnet na itim na may butas sa may bandang mata para makakita ka; (katulad ng mga isinusuot ng mga kriminal), samahan na rin ng M-16 Assault Rifle para mukang realistic.
- Teacher mo sa Math - wag kalimutan ang ruler na pamalo
- Thesis Coordinator mo - samahan mo na rin ng kalendaryo
- Messenger/Kartero ng Meralco/Tubig/Cable/Smart Bro/Sun/Smart/Globe...etc
- Tatay mo pag lasing / Nanay mo pag wala nang pera
- Syota mong nangangaliwa
- Nawala / Nanakaw na Celphone - nakatanggal ang SIM card
- Walang damit na pang-itaas, shorts lang at tsinelas. Mag-dala ng patalim. Kulayan ng atsuwete ang mata.
- Sunog na bahay
- Ondoy / Pepeng
... ang "Diyos"
Pero depende pa rin...yun ay kung kinatatakutan mo ang nilalang na ito. Tingin ko hinde. Ako rin minsan, hinde, kasi nakakalimutan ko na. Masyado kasi tayong hayok sa kaligayahan. At hangga't walang nangyayaring sakuna e hindi tayo matatakot sa Kanya.
Ano? Trick or Treat?
No comments:
Post a Comment