Madaliang Agam-agam

Ang "criticism", kapag mas naunang sinabi sa ibang tao kesa sa iyo, ang tawag doon ay "CRITI-TSISMIS"
_______________________________________________________

Monday, October 12, 2009

After 4 Months...

Isa sa mga bagay na di natin napapansin na dumarating at nawawala sa buhay natin e ang "oras". Kadalasan kasi ngayon ang napapansin na lang nating lumilipas e kunsensya, ulirat at pera (bukod sa mga episodes ng Darna na di napanood ng Yaya mong loser). Sinong mag-aakala na apat at kalahating buwan na pala ang nakalipas simula ng lisanin ko ang aking Alma Mater at unang employer -- STI Santa Rosa. Malamang, sangkaterbang estudyante na ngayon dun ang di nakakakilala sa akin, at magsasabi ng "Who the hell are you?" O malamang, sa malamang, marami na rin ang kumalimot sa akin doon.

Bago mo ituloy ang pagbabasa ng entry na ito, gusto ko lang linawin na sa anumang paraan e wala akong planong tirahin ("tira", as in "shoot") ang school na iyon dito sa blog ko ngayon (kahit lagi ko namang ginagawa dati, mwahahaha *tawang demonyo*). Hindi naman masamang magbacktrack ng kaunti, paminsan-minsan. Gusto ko lang balitaan ang lahat ng gustong makibalita sa akin. Magmula sa mga dating estudyante at kaibigan, hanggang sa mga dating kaaway at superior. Pati na rin ang mga security guards at janitor namin doon na balita ko e tinuturuan na rin nilang mag-program ng mga robot na katulad ni AstroBoy. Hanep. Mang Popoy, mag-iingat ka. Baka mamaya humihinga ka na ng source code.

Ano na nga ba ang nangyari kay SerPol?

Ano ba, umiiyak kaya siya sa pagsisisi ngayon? Naghahakot na kaya siya ng salapi dahil sa "TAAS" ng sweldo niya ngayon? Buhay pa ba kaya ang hinayupak na yun? Nang-totorture pa rin kaya siya ng mga estudyante? At higit sa lahat:

May nabago na kaya sa kanya ngayon?

Ang sagot ko sa huling tanong e: Marami. Sa sobrang dami, puwede ka nang mag-latag ng banig para maghandang matulog bago mo pa matapos itong blog na ito. Biro lang. Di naman ganun karami, slight lang, parang ano lang...uhm...ano ba yun? Basta ayun! Ayaw kasi gumana ng processor ng utak ko ngayon dahil kulang na sa uling.

Anong nawala?

Di ko maikakaila na mas mataas ang sweldo ko sa STI noon. Sino ba namang di tataas ang sweldo e halos 10 days a week/56 Hours a day ka nandun at 34 units (kahit 0.00003 Pesos per hour lang ako) ang hinahawakan ko dun. Malaking dagok talaga ang mawalan ng ganung KALAKING halaga. [/sarcasm] Andami pang non-teaching hours/reporting dahil sa di ko alam na dahilan., na di naman maatim ng isang kawawang nilalang na tulad ko. Sa pinagtatrabahuan ko kasi ngayon na ASIATECH, 15 units lang ako (pero 5 Pesos per hour, di hamak na mas mataas na rate kumpara sa STI, hehehe) At butas ang afternoon schedule ko dahil pinaasa nila ako sa 27 Units na di naman natuloy dahil sa baba ng populasyon ng enrollees. at kinulang na pondo para sa hair grower. Well, ganun talaga. Bilog ang mundo.

Nawala din sa akin ang mga estudyanteng tumitingala sa akin, ganun na rin ang nagmumura sa akin pag nakatalikod ako. Ayoko nang mag-"dwell" pa jan dahil parte na lang sila ng mapait kong nakaraan sa STI (anak ng tipaklong, andrama). Meron pa rin namang nakakaalala, lalo na yung members ng advisory club ko noon na Animators' Club. Paminsan-minsan, kinukulit nila ako sa Y!M, nagtatanong kung ano ba at para saan ang Tongkat-ali; na wala namang akong kaalam-alam dahil di yan kelangan ng mga highblood na katulad ko. Bukod dun, wala na. Yung ibang estudyante ko dati doon, sinisiraan pa ako sa mga estudyante ko ngayon sa ASIATECH na kesyo kumakain daw ako ng mga tanga at nanggagahasa ako ng mga CPU. Buti na lang at napahiya sila at di nabuo yung "SerPol" na gusto nilang ipasok sa utak ng mga estudyante ko ngayon. At nagpapasalamat din ako dahil di ako nanggagahasa ng CPU ngayon.

Ang isa sa pinakamalaking nawala rin siguro sa akin e ang aking mga Seniors. Oo, walang plastikan. "SENIORS", as in yung mga Matanders doon. Kahit alam ko na marami akong BS (pakihanap po sa kulungan ng ipis ang meaning ng "BS") na co-teacher dun, marami pa rin akong ginalang at nirespeto. Noon, meron pang mga co-teacher na gustong tumayo para i-guide ako at tulungang mag-grow sa larangan na ito, pero ngayon solo-flight na ako. "Buntot ko, hila ko" ika nga ng lolo ko. Ewan ko lang kung anong buntot yung tinutukoy niya...


Anong napala?

Mas pinalawak na kaalaman sa Turbo C at MS Word. Ano ka ngayon? TURBO C at MS WORD! Panis ka! Ano naman ang sinabi sa akin ng mga IT practitioners ngayon? Wala namang kwenta ang PhP at SQL. Turbo C at MS Word lang, panalo ka na! Puwede ka nang gumawa ng sarili mong Voltes V pag marunong ka nito, yun nga lang kelangan mo munang magpa-kulong sa mental hospital. Malamang, sasabihin mo, "napaka-babaw naman ng bagay na ito", na kahit kuto e marunong nang gumamit ng MS Word para mag-type ng intelligence report tungkol sa aso na nilalapa nila ngayon at marunong na ring mag-program gamit ang Turbo C nang sa ganon e tuluyan na silang maging "bugs". Hightech na ano? Pero ito ang masasabi ko sa iyo: Iba na pag ikaw ang nagtuturo. Lahat ng alam mo sa MS Word noon na pinalagpas mo na dahil "chicken" lang sa iyo ito noon nung nag-aaral ka pa, e di mo na matatandaan pag tinuturo mo na sa klase. Kahit pag-bukas lang ng MS Word, di mo na matandaan kung gagamitan pa ba ng abrelata para bumukas dahil sa sobrang "chicken".

Sa teaching skills naman, tingin ko wala naman masyadong nadagdag bukod sa natuto akong sumayaw ng "Nobody" habang dinidiscuss ang "for-loop" at "non-returning functions". Kung ano ang style ko nung umalis ako sa STI, yun pa din ang ginagamit ko sa ASIATECH, except medyo bawas lang ng kaunti sa higpit dahil ang mga estudyante pag hinigpitan mo, para ka na ring nag-pumilit magsuot ng sinturon na pang size-26 na bewang kahit kasinlaki pa ng gulong ng truck ang bewang mo.

Teka, ano nga ba ang style ko? Di ko na matandaan...Chinese style yata...(Luncheon meat)

Kapag free time ko naman, mas nakakahalubilo ko na ang mga estudyante ngayon. Oo, sa maniwala ka man o sa hinde. Kaya nga naregaluhan ako ng Pikachu noong World Teacher's Day. Ang saya. Sayang nga lang at di tumitira ng "Thundershock" yung Pikachu na yun, kundi gabi-gabi lang umaatungal ng "PIKAAAAAA-CHUUUUU!" kaya kung makikita niyo ako ngayon e para na akong bangag. Dati kasi sa STI, pag free time ko, di ako mabiro ng mga estudyante. Kasi alam nilang sa isang kumpas ko lang ng bolpen e magbabago ang 95 into 65. Ganun ako katindi noon. Kaya ikaw, huwag kang tatawa-tawa diyan at baka gusto mong maging first year sa loob ng tatlong taon!
_____________________________________________________________________

Kahit marami na akong na-achieve na pwedeng ibida sa mga dati kong kasamahan, pakiramdam ko di pa rin ako dapat humarap sa kanila. Hindi pa ito ang "SerPol" na gusto kong ipakita sa kanila pagkatapos ng apat na buwan. At kahit na dalawa't kalahating taon na akong nagtuturo e alam kong marami pa akong kakaining bigas. Maaaring sikat na nga ako sa kinalalagyan ko ngayon, ngunit magmimistula pa rin akong basang sisiw kung babalik ako dun ngayon para magyabang. Teka, bakit ba biglang napunta sa sisiw at bigas 'tong sinasabi ko? Di naman ako mukang balot at penoy. Ah siguro, nagugutom na ako kasi kanina pa ako nagta-type.

Hindi ako nagpapahiwatig ng interes na bumalik sa STI para muling mag-trabaho. May pride din naman ako. Hangga't hindi nakakalipad ang building ng STI gamit ang rocket launcher (na parang Flying House), e hindi ako babalik dun para mag-turo. Hehehe. Heto ako ngayon, at sinasagot ang hamon na iniwan niyo sa akin bago tayo magka-hiwalay, at sa tingin ko naman e unti-unti ko nang nasasagot. Konting panahon pa.

Konti pa.

Makaka-angat din ako sa putik na kinalubugan ko noon, at gusto kong masaksihan ninyo iyon balang araw. Pero hindi pa ngayon.

Hindi pa ngayon...

No comments:

Post a Comment