Thinking out loud...

Alam mong "in bad taste" ang post mo kapag nag-joke ka at walang nag-LIKE. Hehehe.
_________________________________________________________

Wednesday, January 20, 2010

Bad Trip

Pwede bang magmura dito? One time lang...gusto ko lang gayahin yung dating gawain ni Soriano. Yung tipong, "@&#$!* ka! Hindi yan nakasulat sa Bibliya!"

Oo, ganun! Nakakabusit talaga, kahit sa blog ko hindi ako makapag-tungayaw dahil under the radar ako ng mga bossing natin. Pero ano bang magagawa ng isang katulad ko at parang trip ako ng sakit ng ulo? Wala na ba akong karapatan para magalit? Ano namang kinalaman ng pagiging "TEACHER" ko sa pagbabawal na huwag akong magsalita ng masama? Dahil sa TINITINGALA ako ng mga estudyante at napaka-bad taste ang magmura sa harapan nila?

Paking teyp!

Bakit ang estudyante, may kalayaang mag-blog tungkol sa mga terror nilang titser? Magkuwento kung gano ka-boring ang klase niya kanina kay Mr. Cruz at kay Mrs. de Leon? Kung bakit libre silang murahin ang mga titser nila sa blog nila tulad ng "Siyet ka, sir! Bakit mo ako binagsak?" at "Put@#^61^@ ka, SerPol, bakit sobrang CUTE at POGI mo?!"

Pero bakit ang titser hinde?

Bakit hindi namin pwedeng ilahad sa publiko kung gaano kabobo at katamad si ganito-ganyan? Na amoy putok si ganire? Kung gaano kami nabastos ng mga pasaway na estudyante?

At ang sagot ng karamihan, "Kasi... Teacher ka"

Susginoo...Kapitan Obvious tu da reskyu!

Alam niyo ba ang pakiramdam ko ngayon? Gusto kong mambangas ng mukha. Oo, as in Right Cross sa mukha. Pero dahil sa isang maliit na liwanag na pumapalibot sa akin na tila ba nagmumula sa langit, e bigla akong napipigilan. Ang galit sa utak ko ngayon e parang rumaragasang tubig na pilit na hinaharangan ng isang Dam. Ganun kahirap mag-pigil. Mas malala pa sa withdrawal syndrome na nararanasan ng mga adik. Pakiramdam mo mababaliw ka. Kumbaga sa isang chef, gusto mong lasunin yung umorder ng pagkain pero di mo magawa, dahil customer mo yun. Argh!

Pero...hindi lang naman sa eskwelahan nagsimula ang pagka-Bad Trip ko. Maraming bagay ang sumira ng mga araw ko pagkatapos ng Bagong Taon at 5th Year Anniversary namin ng nobya ko.

----------------------------------------------------

Namaalam na si ASUS P4P800S-X

Oo, at isinama pa niya sa hukay sina NVidia GeForce 4 MX at si 128MB RAM. Ang masugid kong sidekick na hindi ako iniwan sa loob ng limang taon. Kahit napakahina e maaasahan ko pa rin. At kung hindi mo alam kung anong tinutukoy ko, e oras na para maghanap ka ng lubid at bigtiin ang sarili mo. O kaya ay humanap ka ng Time Portal para bumalik sa panahon ng mga dinosaurs. Mas makaka-relate ka dun.

Yan ang unang badtrip na naranasan ko ngayong 2010. Sirang Computer. Badtrip! Parang nawala ang kalahati ng buhay ko. At kahit mahirap mang aminin na IT Graduate ako, e hindi ako marunong mag-ayos ng sirang PC, lalo na ang hardware. Magpagawa na kayo ng program sa akin, o magpa-Photoshop ng sandamukal, pero wag lang magpa-troubleshoot ng mga sirang IC at resistor ng motherboard! Wala akong pasensya para sa mga ganun.

At kapag nagpa-check ka naman ng PC sa mga technician, ang unang solusyon kagad nila pagkatapos ng troubleshooting e: "REPORMAT MO NA YAN! REPORMAT! REPORMAT!"

Bungaw!

Marunong ako mag-reformat! Ano ako, bale? Bakit ko pa ipapagawa sa inyo kung yun lang ang problema? At ang lagay e kikita kayo sa akin ng P500.00 para sa pag-gawa ng isang bagay na alam ko namang gawin? Kumbaga e para ko na ring sinabing "Ipaghugas mo ako ng arinola, at babayaran kita ng isang milyon!"

Kaya ayun, sa huli, may naka-diagnose din nang matino at sinabing "Sir, wala na pong pag-asa ang pasyente...kuryente na lang ang bumubuhay sa kanya" kaya bumili na kami ng bagong motherboard, kasama ng isang bagong processor at RAM. Inabot kami ng siyete. Siyete Mil.

Siyet...e...

Matutuwa na sana ako. Aba'y tignan mo naman; naka-Intel Pentium Dual Core at 1 GB RAM na ako! Pero ang masaklap na parte diyan e ang pinambiling pera para doon e nanggaling lang sa loan...linsyak...

Sa buong buhay ko, hindi pa ako nakautang ng pera na lalagpas pa sa isandaang piso...


Mga duwag sa Facebook

Ah, eto ang isa sa pinaka-aasaran ko. Yung mga Waw-Hayup kung magparinig. Pero hanggang dun lang. E pano ba naman kasi, mga duwag! Mga bading! Mga bahag ang buntot! Mga anak kayo ng nanay at tatay niyo! Mga put...ehem...ehem...bawal nga pala...

Napakarami kasing nagpaparinig sa Facebook. Pagka-login mo pa lang, sandamukal na hate messages na kagad ang mababasa mo sa Live Feed mo. Puro, "Don't judge me! You don't know me!" at "Death to all those who oppose me!" Meron pang, "SHUT UP!"

Ano ka? Si Hitler?

Alam mo yun? Yung tipong alam mong hindi ikaw yung pinaparinggan pero nayayamot ka dahil nakakahawa ang negative emotions/energy, lalo na kung yun ang bubungad sa iyo sa FB. Andami pa namang mga "tamang-hinala" sa mundo ng Internet, kasama na ako, kaya sobrang naaasar ako dahil kung sino pa yung mga mahilig magparinig, sila pa yung may weak personality! Mga nagpapanggap na matapang, pero hindi naman masabi kung para kanino yung sinasabi nila. Naghahanap lang ng "outlet", pero wala namang isasaksak.

Eto lang ang advice ko sa inyong mahihilig sa mga ganyan, siguraduhin niyo lang na kaya ninyong panindigan ang mga sinasabi niyo kundi makakatikim kayo nito sa akin

t(",t)


Estudyante...Estudyante...

Sinong mag-aakala na magiging masalimuot ang buhay ko bilang teacher pagkatapos ng World Teacher's Day? Grabe, nagdagsaan na rin ang mga hitad na estudyante ngayong semester. Yung tipong walang pakialam at walang pangarap sa buhay. Yung hindi papasok sa klase mo para lang mag-DotA.

Punyemas na DotA yan! Mukha na kayong DotA! Dodotahin ko na ang mga mukha ninyo e!

Sa mga lalake yun. Wala namang babaeng estudyante sa amin na adik sa DotA. Pero sa mga babae naman, andiyan yung mga tsismosa at mapang-lait. Ang akala mo e parang nakabili ng mamahaling kotse at dinudusta na nila kahit sino. Kahit ako. Pero sabagay, common na yun sa mga babae.

Ang sa akin naman, ok naman akong tumanggap ng constructive criticisms. Pero ang mahirap tanggapin e ang kritisismo mula sa mga taong wala namang "K"

Isa pang hinaing ko sa mga estudyante, lalo na sa HR, e bakit para bang nagpapaka-elitista ang mga HRM students? Dahil ba may sarili silang hiwalay na department? Hiwalay na building? Dahil meron silang sariling uniform? Dahil mas marami ang population nila? Dahil mas cool sila? Ayus. Kayo na ang mga "Anak ng Diyos"... Proven and tested na yan. Kahit noong nasa "kabilang iskul" pa ako e ganyan na ang karamihan ng mga HR Students. Feeling-elite. Bokya naman sa klase. Ang titser lang na nirerespeto nila ng buung-buo e yung kauna-unahan nilang HR Teacher. Para bang mga tuta na hindi makahiwalay sa nanay nilang aso. Ang ibang titser nila, "joke teachers" na lang para sa kanila.

Hindi sa panglalait, pero kung sa tutuusin, puro waiter lang naman ang inaabot ng mga grumadweyt ng 2-year HRM course... Kaya hindi ko maintindihan kung ano ang ikinalalaki ng mga ulo ninyo. Maaari ngang may naging big time, pero ano namang paki ko? Basta ang assessment ko lang e ayun. Feeling big time ang mga HR Students.

Lalo na ang mga nursing students sa ibang eskuwelahan. E nurse lang naman ang aabutin ng mga yun, hindi DOKTOR! Akala mo kung sino makapanigarilyo at pumorma sa kalsada. Palibhasa naka-all white (Ano namang konek ng naka all-white? XD)! Buti na lang at walang Nursing sa amin.

Kung mao-ospital man ako (knock on wood) at ganyan ang Nurse, e magpapakamatay na lang ako kesa mamatay sa kakatsismisan nila sa paligid ko. At kung kakain lang ako sa resto at ganyan din ang mga waiter, mas MAYABANG pa sa umoorder, e magluluto na lang ako ng tinapa at kakain kasama ang mga aso at pusa.

Patunayan niyo sa akin na hindi kayo ganun at hindi magiging ganun, kung tinamaan kayo sa mga sinabi ko. Masyado nang binibigyan ng atensyon yang dalawang kurso na yan. At sinisira lamang ng mga pasaway na bata ngayon ang imahe ng HRM at Nursing.

At sa mga estudyanteng ayaw pumasok sa klase ko, hindi ko na kayo pipilitin. Mas ok nga na wala kayo dun dahil mas kumportable ang pakiramdam ko. Mas masarap pa ang simoy ng hangin at hindi amoy sigarilyo. Mag-DotA at mag-tsismisan na lang kayo. Good luck na lang, at kita-kits na lang tayo sa parehas na subject sa susunod na semester (kung nandun pa ako)

----------------------------------------------------

Ayun lang muna, di ko na tatapusin ng maayos 'to. Baka mapa-laslas pa ako ng pulso.

0 comments:

Post a Comment